Chapter 7

623 19 0
                                    

Continuation

Masayang nag kakainan ang lahat. Masaya ding nag kwekwentuhan sila Vice at Karylle ng mapansin ni Vice na may kulang.

" O nga pala asan si Kuya Kim ? " tanong nito sa mga kasama

" Parating na yun. Baka inaayusan lang yung mga bata. " sagot naman ni Teddy sabay subo ng kanin

" Oh ayan na sila oh " turo naman ni Jhong sa paparating na si kuya Kim na may mga kasamang bata.

Inihinto muna ni Vice ang pagkain para lapitan sila kuya Kim.

" Sandali lang ah " paalam ni Vice kay Karylle bago lapitan sila Kuya Kim.

Tango nalang ang isinagot ni Karylle

" Kuya Kim !! Buti dumating kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay eh " sabi ni Vice sabay yakap kay Kuya Kim

" Eto kasing mga batang ito antagal magsiayos " sabi naman ni Kuya Kim

Nakangiting tumingin si Vie sa mga bata

" Oh sha Vice mauna nako't kanina pa ko gutom " sabi ni Kuya kim at dumiretso na sa kainan.

" Haha sige kumain ka na don " Vice said

Lumuhod naman si Vice at inopen ang arms niya para yakapin ang mga bata. agad namang lumapit sakanya ang mga ito at isa isa siyang niyakap.

" Kuya buti napadalaw kayo dito. Akala po kasi namin hindi na kayo pupunta. " sabi ni Biboy habang nakaupo sa lap ni Vice

" Oo nga kuya antagal niyo na po kasing hindi nakakapunta dito. Akala ko po nakalimutan niyo na kami " sabi naman ni Kc na isang special child

" Kayo talaga, Hindi mangyayari yun noh. Kahit kelan hindi ko kayo makakalimutan okay ? Marami lang talagang naging tranaho si Kuya kaya hindi na'ko nakakadalaw dito. " sabi ni Vice at ginulo ang buhok ni Biboy at pinisil naman ang ilong ni Kc.

Tahimik namang pinag mamasdan ni Karylle si Vice habang nakikipag kwentuhan sa mga bata. Hindi niya makakaila na natutuwa siya sa malapit na ugnayan ni Vice sa mga bata.

Napansin naman ni Coleen si Karylle

" Ganyan talaga yang si Kuya Vice malapit sa mga bata. Kung hindi mo maitatanong lahat nang mga batang yan kinupkop niya lang sa kalsada. Dinala dito tapos pinag aral tapos yung mga nakatapos na binigyan ng trabaho.Napaka bait na tao. " sabi ni Coleen kay Karylle habang nakatingin din kela Vice.

" Bakit ? Don't get me wrong ah pero bakit ang bait bait niya sa mga tao ? especially for the kids. " sabi naman ni Karylle

Coleen looked at her with a sad smile " Maybe it's because of his past. "

Tinignan naman ni Karylle si Coleen with a confused look

" What past ? " Tanong nito

Coleen looked at her unsure if she's going to answer or not " Well-"

" Babe ! halika samahan mo kong mag ikot ikot. Sabi ni Teddy maganda raw ang view dito kapag gabi " sabi ni Billy

" Sure ! maiwan namuna kita Karylle hah " sabi ni Coleen at sumunod na kay Billy

Tumingin naman ulit si Karylle sa direction ni Vice at nakita itong papalapit na ulit sa kanya para kumain.

Maya maya pa ay tapos na kumain ang lahat. Nag liligpit na ng mga pinag kainan sila Kiya Kim, Jugs, Teddy at iba pa. Tutulong sana sa pag liligpit sila Vhong pero hindi pumayag sila Teddy dahil pagaod raw ang mga ito sa byahe.

" Kuya, kuya laro tayong basketball ! " Pag aaya ni Eman na may dalang bola kela Vice, Billy at Vhong

" Ah Eman bukas nalang tayo mag laro ah medyo gabi na kasi eh " sabi ni Vhong kay Eman

How Did You Know ( Vicerylle )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon