Chapter 16

547 15 0
                                    

continuation

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kwarto nung pumasok si nanay Rose at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama ni Vice.

Since parang wala namang balak makipag usap sa kanya ang anak ay nag lakas loob na itong mag salita

" Kamusta ka na anak. " sabi ni nanay Rose na hahawakan sana ang kamay ng anak pero nilayo agad ito ni Vice

" Don't call me your son.hindi naman ikaw yung nag palaki sa'kin. Ngi hindi mo nga alam kung ano yung mga hilig at ayaw ko. " Mapait na sabi ni Vice

" Anak, patawarin mo ko... " sabi ni nanay Rose na nag cracrack na yung boses

Napahigpit naman ang hawak ni Vice sa kumot

" Patawad ? ganun nalang ba yun ?! tapos mo kaming iwanan ? matapos mo kong iwanan ! Bigla ka nalang nawala... di ka man lang nag paalam.. " Vice said na naiiyak narin

" Nag hintay ako. Hinintay kita kasi alam kong babalik ka, akala ko babalik ka, pero wala ! nung namatay si papa, kahit anino mo hindi ko nakita ! Ganun nalang ba yun ? ganun nalang ba kaming kadaling iwanan huh ? Minahal mo ba talaga ako bilang isang anak ? " Vice said crying

" Anak mahal kita, mahal na mahal kita... Bata ka pa nun, hindi ko alam kung paano sasabihin sayo... " Said nanay Rose

" Ang alin?! na may inang lalake ka na ?! " Sabi ni vice

Napailing naman si nanay Rose

" Bakla ang tatay mo tutoy... May ibang lalake siya.." Sabi ni nanay Rose

Napatingin naman si Vice kay nanay Rose na parang naguguluhan

" Nung gabi bago ako umalis Nahuli ko siyang nakikipag talik sa isang lalake... Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya umalis ako. Pinuntahan yung katrabaho ko, dun ako nanirahan ng ilang araw pero ginugulo kami ng tatay mo kaya nag pasya kaming lumayo kasama ang anak niyang si Karylle... Nabalitaan ko nalang na patay na siya, kaya umutang ako para makabalik sa'yo pero wala ka na...Hinanap kita anak maniwala ka." pag papaliwanag ni Nanay Rose

Tila di parin nakakapaniwala si Vice sa mga naririnig niya sa nanay niya

" Tutoy anak, patawarin mo ako.. " Sabi ni nanay Rose at ainubukang ulit hawakan ang kamay ni Vice this time hinayaan nalang ito ni Vice

"Alam kong malaki ng pag kukulang ko sa'yo bilang isang ina. Okay lang kahit hindi mo pa kayang mag patawad, naiintidihan ko pero hayaan mo sana akong makabawi sa'yo. Nag kaka edad narin ako't gusto ko sanang lubos lubusin yung mga araw na kasama ka tutoy. " sabi ni Nanay Rose na pinunasan ang luha niya

Tinignan naman ni Vice ang nanay niya..

" Im sorry... Hindi ko alam...Nilamon ako ng galit ko sayo.. Akala ko ikaw yung nanloko.. Sinisi kita sa lahat ng nangyari.. Patawarin mo ko nay.... " sabi ni Vice at niyakap ang nanay niya habang umiiyak.

Nanay Rose hugged back. They're whispering sorry's and I love you's to one another. Little did they know na kanina pa pala nag iiyakan sila Billy,Vhong,Anne, and Karylle na kanina pa pala nakikinig sa usapan ng mag ina sa likod ng pader.

Lahat sila masaya pwera lang kay Karylle. Alam niya yung totoo. Alam niya yung dahilan kung bakit umuwi bigla si Nanay Rose.

------

" This cause for a celebration ! " Sabi ni Anne na excited habang kumakain ng fries

" Oo nga, tutal okay na ang lahat.Lets celebrate ! Sama natin sila Teddy. " sabi naman ni Billy

" Magandang idea yan brad ah ! Ano Vice ? Minsan lang naman eh. " sabi naman ni Vhong

" Sure. San ba ? " Vice asked

How Did You Know ( Vicerylle )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon