2
"Winter Arc Lauren, The lost one."
The lost one? Ano ang sinasabi niya?
"I beg you're pardon but, I don't know what you're saying?"nagtatakang tanong ko sakanya.
May maliit na ngiti sa kanyang labi," Hindi ko ito sasabihin sayo, ikaw ang tumuklas sa aking sinasabi."
Kumunot ang noo ko, anong pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan. The lost one? Ako nawawalang ano?
Napakurap-kurap ako, "Hindi ko po' talaga kayo maintindihan,Ako ay isang normal na mamamayan lamang ng Reilandra."
"Hindi ka nakakasiguro diyan, Winter."
Napatigil ako, huh?
Huminga ng malalim ang estranghero, "Hindi pa ito lumalabas ngunit alam Kong kakaiba ito para sayo." Humakbang siya papalapit"ngunit ikaw ay naiiba at matagal ka ng hinahanap. Ikaw ay papasok sa Royal Academy para malaman mo ang katotohanan. "
" Ngunit hindi ako isang Prinsesa, Ang Royal Academy ay para lamang sa mga may Dugong bughaw."ngayon lang ako nag pakita ng ganitong emosyon at mahahaba ang aking mga sinabi.
" Sa tingin mo ba ay normal ka? Sa iyong anyo ay kakaiba ka."Lumapit ang lalaki papalapit saakin. Humakbang ako paatras.
"Hindi ko kayo maintindihan," may kakaibang dumadaloy sa aking katawan, unti-unting Naging kakaiba ang aking pakiramdam at parang may kumakawalang enerhiya sa aking kamay.
Hinawakan ako ng lalaki at biglang Naging yelo ang kanyang mga kamay. Nagulat ako at biglang napabitaw.
" B-bakit may yelo? A-ano ito?" kinakabahan at naguguluhang tanong ko.
Wlaa akong Dugong bughaw ngunit Bakit may yelong lumabas sa aking mga palad.
"Alam Kong naguguluhan ka, matagal ka na nilang hinahanap." May tubig na lumabas sa kamay ng lalaki at itinutok niya ito saakin.
"Matulog ka na, Winter." unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.Di ko namalayan na nawalan ako ng Malay.
"Siya na ba ito? Ang gandaa niyaaaa!" unti- unting minulat ko ang aking mga mata. Liwanag ang aking nakita at kinurap-kurap Ko ang aking mga mata.
"Sino kayo?" kalmado at nagtatakang tanong ko. Ipinalibot ko ang aking paningin, nasan ako?Puti ang ding ding at may mga diamante sa itaas.May malaking kabinet sa gilid at magagarang bagay.
"Ah eh, ehem, nasa Royal Academy ka." napalingon ako sa babaeng nagsalita, siya kanina ang nagpagising saakin.
Maganda siya kulay berde ang mga mata, maputi, matangos ang maliit na ilong at may mapupulang labi, Mahaba at kulot ang kanyang buhok.
Teka, Royal Academy?
" Huh? Anong Royal academy?"
"Tumingin ka sa bintana para malaman mo." kalmadong Sabi ng isang babae na kulay ginto ang mga mata.
Unti unti akong humakbang patungo sa bintana, hinawi ko ang Malaki at mahabang kurtina. Nanlaki ang mga mata ko,
Malaking Hardin na maraming makukulay at magaganda ng bulaklak, mga eestudyante na ang pino kung kumilos. Ang mga matataas na tore ng palasyong eskwelahan.
Paano ako nakapasok sa paaralan ito? Wala nga akong dugong bughaw ng isang patak lang.
"Paano ako nakapasok rito?" naguguluhan man ay pilit Kong inaalala ang mga pangyayari.
May nakaenkwentro akong misteryosong lalaki kagabi,tapos hinawakan niya ako sa kamay ay biglang may lumabas na yelo sa aking mga kamay.
...... Yelo?"Bakit ako may kapangyarihang yelo?" tumingin ako sa dalawang babae na kasama ko, nagkatinginan Sila at umatras.
"Wala Kaming karapatan na sabihin sayo, kung maari ay aalis na kami." Mahinahong Sabi ng babaeng may gintong mata.
"Ikaw ang----hmmmmpp!" may sasabihin pa Sana ang babaeng may berdeng mga mata ng takpan ng babaeng may gintong mata ang kanyang labi.
Yumuko ng kaunti ang babaeng may gintong mata at lalabas na Sana ng mag salita ako.
"Sa-sandali, hindi ko pa alam ang inyong mga ngalan, mga prinsesa." lumunok ako, yan naman talaga ang I tawag ko Sila dahil puro Royals ang nandito sa Academy.
Huminto Sila at humarap saakin, kinuha ng babae--este ng prinsesang may berdeng mata ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig.
" I'm Princess Raileya Oceania, 2nd princess of Oceania, nice too meet you." Ngumiti siya ng malapad.
"Harriet Missy Thithes, just a normal princess of Thirea." simple at kalmadong pagpapakilala ni Harriet.
"Winter Arc Lauren, di ako prinsesa at Isa lang akong ordinaryong mamamayan ng Reilandra." bumalik na naman ang malamig Kong tinig.
"Nagagalak Kaming makilala ka Winterrr, friends na Tayo yieeee." tumalon talon pa si Rai, napangiti ako ng kaunti.
Umalis na sila pagkatapos nun, may aasikasuhin pa kasi Sila. Naiwan akong mag-isa sa malaking kwarto na ito,hindi ko alam ang gagawin.
Napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Masyadong marami akong iniisip, katulad ng saan ko nakuha ang kapangyarihan ng yelo. Hindi naman ako naaksidente at Wala akong royal blood.
Tinaas ko ang aking mga kamay, tinutok ko ito sa ceiling at may biglang lumabas na puting snow at tumama sa kisame kaya parang umulan ng snow sa aking kwarto. Sinalo ko ang isang snowflakes, tinitigan ko ng mabuti ito.
Naalala ko ang lalaking nakaengkwentro ko kagabi, di ko naaninag ang kanyang mukha ngunit nasisiguro Kong taga-Oceania siya.
Umiling-iling ako, marami pa akong poproblemahin, kung paano ako Maka ka alis dito?
==============
(^o^)(^o^)(^o^)(^o^)Hi, sorry for the typo's and grammars😭😭😭
YOU ARE READING
Royal Academy
FantasyWinter Arc Lauren, a simple snob girl with a cold personality. She is simple, but is she? Royal Academy, a school for Royal bloods with a extraordinary students. This school is only exclusive for Royal bloods, but why Arc get invited to this special...