six

65 9 7
                                    

July 2015
 






Donghyuck and his mother worked together on their kitchen. Actually, it’s just their mom cooking while Hyuckie is watching something on his phone. Silang dalawa lang sa bahay kasi ‘yung padre de pamilya nila ay nasa Chicago pa rin while Johnny’s out on a date with his boyfriend.
 

Donghyuck is watching a video of Mark noong tumugtog ang banda nila sa mall last valentines. Naisipan lang ni Donghyuck kumuha ng video kasi karamihan naman ng nanonood ay kumukuha rin ng videos at photos. There are few seconds on the video na itinututok niya ang phone camera niya sa Kuya niya pero 90% ng video ay puro mukha ni Mark.
 

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tumingin si Mark sa camera. Hindi kasi siya nakatingin sa phone niya habang nagvi-video noong araw na ‘yon. Kung hindi kay Mark ay sa kapatid niya siya nakatingin kasi iniiwasan niya nga na mahuli siyang patagong nanonood.
 

Mabilis ang tibok ng puso niya habang pilit na iniisip kung ilang beses na ba niyang nahuli si Mark na nakatingin sa direksyon niya sa tuwing nanonood siya ng gig nila.
 

“Donghyuck, hoy!”
 

Halos mailaglag ni Donghyuck ang cellphone nang marinig ang malakas na pagtawag sa kanya ng ina.
 

“Bakit, ma? ‘nu meron?” tanong niya nang mailapag ang cellphone sa lamesa.
 

Lumapit naman siya agad sa kanilang ina at naghintay kung anong iuutos nito.
 

“Puntahan mo nga ‘yung kumakatok sa labas. Baka delivery na naman ng Kuya mo.”

 
Sumimangot lang si Hyuck at naglakad na papuntang living room. Nang marinig ang marahang pagkatok ay binuksan niya na ang pinto.
 

Tumambad sa harapan niya ang mukha ni Mark. Sa gulat niya ay mabilis niyang isinara ang pintuan at tumalikod para maglakad ulit pabalik sa kusina. Pakiramdam niya ay bibigay ang mga tuhod niya dahil sa lapad ng ngiti ni Mark nang makitang siya ang nagbukas ng pinto.
 

Donghyuck heard another knock that made him stop on his tracks.

 
“Senpai, baka pwedeng pumasok?”
 

Napapikit nang mariin si Hyuck nang marinig ang boses ni Mark. Hinang-hina talaga siya sa boses na ‘yon. Iba ang epekto sa kanya, grabe.
 

“Si Mark ba ‘yon? Pagbuksan mo nga!” Sigaw ng kanilang ina.
 

“Tita, ‘yung anak niyo po ayaw tumanggap ng bisita!”
 

Sunod-sunod at palakas ng palakas ang pagkatok ni Mark sa pinto kaya naman padabog na bumalik si Donghyuck sa harap ng pinto at pinagbuksan ulit ang nakatatanda.
 

Kitang kita ni Hyuck ang ngisi ni Mark bago nito kinagat ang sariling labi, “Bakit sumungit?”
 

“Oh my god.” Hyuck covered his face that’s already turning red, “pumasok ka na nga lang!”
 

Mark only laughed but then followed Donghyuck when the younger walk back to their kitchen after closing the door. Nakita niya ang ina nina Donghyuck na busy sa pagluluto habang ang bunso ng pamilya ay umupong muli sa upuan niya kanina at hawak na naman ang cellphone.
 

“Napadaan ka, Mark? Kumain ka na?” bati ng Mama nina Hyuck.
 

She’s sweet to everyone. Sa katunayan ay sanay na sanay na nga ang mga miyembro ng banda na maging anak-anakan sa bahay nina Johnny.
 

“Ah, ano po. Si Johnny nga po pala?”  Mark asked while looking around.
 


Hindi naman nakaligtas sa mata ng ina nina Johnny ang pagsulyap ni Mark sa bunso niyang anak. Marahang tumawa ang babae at tinapunan ng makahulugang tingin ang bisita.
 


“’Di ba nawawalan lang naman kayo ng practice kapag may date si Johnny at Ten? Wala kayong practice every Thursday ‘di ba? Date rin nina Yuta ngayon.”
 

Donghyuck choked on his own spit after hearing the conversation. Sobrang awkward kasi hindi makasagot si Mark tapos ramdam naman niya na pabalik-balik ang tingin ng kanilang ina sa kanilang dalawa.

 
Mark laughed nervously. Dahan-dahan na rin siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa tapat ni Hyuckie. “Ay, oo nga po pala. Sige po, balik na lang po ako.”
 

“Ay, hindi. Nandito ka na eh. Iba naman ata talaga ang ipinunta mo eh.”
 

Kitang-kita ang pamumula ni Mark dahil sa hiya. “Luto niyo po talaga ang ipinunta ko dito, tita.”
 

Donghyuck’s mom made a face before washing her hands. Ibinaba naman ni Hyuck ang cellphone niya at lumapit sa ina para kunin ang sandok at maghalo ng niluluto.
 

“Wow, nagluluto yan?” Mark watched amusedly as Hyuckie’s mom continues to tease her son.
 

Alam naman ni Mark na hiyang-hiya na si Hyuckie, but witnessing how cute he is when he’s shy feels like it’s a once in a lifetime experience.
 

Donghyuck gives off this overly confident aura. He looks and feels like to be the type na kapag nakilala mo na nang lubos, ikaw na ang mahihiya sa harapan niya. Mark doesn’t like the idea of someone dominating him, someone who will make his friends call him ‘under’. To Hyuckie, maybe Mark can make an exemption for him. Parang ano lang, Mark’s willing to give Donghyuck his all. Like he wants to spoil Donghyuck so much. Imagine having this pretty boy tell you to wash the dishes for him, yeah, watch Mark wash everything kahit ‘yung mga plato’t baso na itinatago ni tita na ilalabas lang kapag may bisita.

 
Mark never felt like this. Sobrang pihikan niya daw kasi, Yuta’s words, not his. He had a fair share of admirers back then, kahit ngayon he still receives letters, texts, confessions in all types.  Naireto na rin siya kung kani-kanino. Even his own mother once tried to set him up with his own bestfriend on a date. Wala eh, he never saw someone he really wanted. Not until he saw this boy on a restobar last year sa gig nila. The boy has his own glow. The way he enjoys listening to music, it’s like music is his life too.  He’s intrigued. Unfortunately, nawala na ‘yung lalaki after the last song they performed. And then after a few weeks, nakita na naman niya ‘yung lalaki sa gig nila. At nakita niya ulit. At ulit. Hanggang sa hinahanap-hanap na niya everytime tutugtog sila.
 

Nabanggit na rin niya ang lalaki sa mga kabanda. Kahit si Johnny ay sinabihan siyang kumilos at magpakilala kapag nakita niya ulit. Mark told them he won’t hangga’t hindi niya naririnig ang boses ng lalaki. And they all let out a sigh of disappointment when he said that.
 

Noong makita niya si Hyuck sa platform ng Club Drippin’, sobrang bilis ng tibok ng puso niya. He was so excited, at the same time natatakot din siyang ma-disappoint. What if Donghyuck’s voice isn’t what he’s looking for? Paano nga kung hindi pala maganda ang boses ni Hyuck?
 

Mark doesn’t know and he will never know. Donghyuck is perfect, a perfect match for him. Sana. Ang tagal hinanap ni Mark ang taong kakanta ng mga isinulat niya. Please, let that person be Donghyuck.
 

“Hindi ako ipinunta mo? Final answer na ba ‘yan?”
 

Hindi na ata napansin ni Mark na sila na lang ng nakababata ang naiwan sa kusina.
 

Donghyuck’s just staring at him with the same wide smile he’s wearing when he shouted at Mark na nagpapapansin daw siya.
 

Now, this, this is the one Mark’s talking about when he said Donghyuck looks like he’s the type to have that overflowing confidence.

 
And who said Mark will back down? Baby, he’s about to boost that confidence more.

 
Mark looked around to make sure silang dalawa lang ni Hyuckie ang magkasama. He then smirked at the younger, “Ikaw ipinunta ko dito. Final answer na.”

DATING TAYO (KB prequel) | markhyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon