Chapter 11: Beautiful
[A/N: So, finally I decided to make Vanessa the main protagonist of the story kasi magkapareho lang kami ng personality eh... But I'd still make POVs for the other characters and the whole story revolves around them, but mostly on Vanessa's POV. Salamat po mga readers!]
=Yammie's POV=
(sigh) Broken-hearted na naman. Bakit palagi nalang ganito ang love life ko? Gusto ba talaga ng diyos na palagi nalang akong single sa huli? Meron na man akong boyfriend eh, ay hindi, ex-boyfriend ko pala. Salamat sa aking pinakamagandang pinsan na si Jessie, nawala na si Mr. Number 9 sa buhay ko.
Pero, nagpasalamat naman ako sa kanya dahil kung hindi niya ako binalaan tungkol sa ex ko na huwag pumunta sa kanilang bahay, eh di nasaktan na ako at siguradong magpapakamatay ako. Suicidal kasi ako eh. Pasensya na.
Still, sa huli, parang naging strange yung bf ko at palagi nalang siya wala o kaya nagmamadali dahil meron daw siyang puntahan. Ayoko sa mga lalaking ganun eh, so, ako mismo ang nag-breakup sa aming dalawa. Alam ko naman kung ano-anong nasa utak ng lokong yun eh.
Since bata pa ako na nakuha ko itong hindi pangkaraniwang kakayahan. Ewan ko kung bakit, pero maaari akong makakita ng mga iniisip ng isang tao. Ano ba yun, mind reader yata? Ay oo. Mind reader nga. Parang si Edward Cullen ng Twilight! Kaso hindi niya maaaring alamin kung anong iniisip ni Bella. Si Bella ay isang barrier o shield eh! Sana, meron din akong makakitang lalaking katulad ni Bella. Haaaaaay... Ay, sori nga pala, nag-fantasize na naman ako.
Nagkaroon ako ng kakayahang ito nung naaksidente ako sa ilog. Mayroong pusa na nahulog dun, so niligtas ko siya pero nahulog din ako at kaming dalawa nalunod sa ilog. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos nun, pero ang alam ko lang na gumising ako sa riverbank na wala na ang pusa. Malay ko ba, nalunod talaga iyon at namatay o kaya dahil niyakap ko siya habang nalulunod kami sa ilog at paggising ko ay nailigtas ko kaming dalawa at umalis na siya.
Simula noon, kapag mayroon akong kinakausap na tao, alam ko na agad kung ano ang iniisip niya. Ang creepy no? At yung worst part is kapag ang kinakausap mo ay isang pervert! Yucks, kadiri!!
So, that's why hindi ako masyadong umaasa sa mga tao. I became cynical. It's not that hindi ko gusto ng magkaroon ng mga kaibigan, it's just that from the start lang, alam ko na kung ano ang kanyang balak.
But still, masaya naman ako dahil sa kakayahan kong ito, makakatulong na ako sa mga taong minanahal ko - or even the whole world. Hahah! Oo nga no? Pwede naman akong maging super hero!
Yes, ang sarap ng pakiramdam na mayroong superpower... Pero meron ding down-side.
Kapag meron kang kaibigan na nagkaroon ng crush sa isang lalaki, at alam mo na ang lalaking iyon ay "innocent in the outside" but "the devil himself on the inside", malamang you'll do everything just to keep your friend safe from that person. At ikaw ang naging may kasalanan dahil " you make her unhappy".
I guess there are things in the world that are left unknown and unspoken for a reason.
Ah! Where are my manners? Hindi ko pa na-introduce yung pangalan ko! Ahem...
Hello po! My name is Maryam Dela Rosa. Ang ganda ng pangalan ko no? Heheh. You can call me Yammie for short. Isa akong 2nd year student ng Mördhred Academy. Pinsan ko si Jessie. Isa siyang 3rd year, pero mas matanda pa ako sa kanya. Repeat kasi ako ng 1 year eh.
Yung parents ko? Ah, andun sila sa England ngayon. Ano eh, sabi nila matanda na raw ako at dun nalang ako sa lola ko tumira. Sabi nila babalik daw sila sa Graduation ko nung Elementary pa ako. Pero wala eh. Simula noon, hindi ko na sila nakita o kaya nakausap man sa telepono o sa phone. Parang na cut-off na ang relationship namin. Pero okay lang yun sa 'kin. Malaya na naman ako eh.
Currently, as in now na, my eyes are on a cute guy across the street. Weekend ngayon eh. Isa siyang florist. AT HINDI SIYA BAKLA AH! Nakita ko na yang mga anime-anime diyan na bakla na florist! Hinding-hindi mangyayari yun! For now, I won't make any contact with him. I have to know him first.
(sigh) Ang galing ko~ This is my technique when first entering a relationship. This is almost like stalking, to be honest. But, he didn't see me, so-- ANAK NG ASO NAKITA NIYA AKO!
Erm... I guess I have to act like I wasn't looking at him for a veeeeeery long period of time then, yeah?
"Uhmm.. Hi."
Oh my, totoo ba 'to?
I turned my head left and right. Tumingin ako sa kanya.
"Uh... Ako?" tanong ko sa kanya sabay turo sa daliri ko sa sarili.
"Oo, ikaw. Parang kanina ka pang tingin na tingin dito ah."
BOOM! Nahuli ako.
"A-ah! Ganun ba?? Ano eh, ang ganda kasi ng mga bulaklak sa tindahan mo." sabi ko sa kanya.
Parang confused yung mukha niya. Oh~ Is he stunned by my beauty? Hahah.
He turned around at pumasok siya sa kanyang tindahan.
Oh. Ang awkward naman. I feel so ashamed.
Ilang minutong lumipas, lumabas siya na may hawak na 2-3 bulaklak. Ang ganda naman! Maya-maya, lumakad siya patungo sa bahay namin. OH MY GOSH! Lumapit siya sa porch ng bahay namin at iniabot niya sakin ang mga bulaklak.
"Para sa'kin ang mga ito?" tanong ko sa kanya.
"Hmm.. Hindi hindi, para sa aso mo." mapang-uyam niyang sinabi.
Ang sarap suntukin~ (^w^)
"S-salamat." pautal kong sinabi habang tinanggap ang mga bulaklak.
Ang bango!!! Ano kayang mga bulaklak ang mga ito?
"'Yang pink ay rosas, obviously... Ang purple na merong shade ng blue ay Violets... ang puti naman ay Jasmine... at yang pinkish na white ay Plumeria." sabi niya na parang binasa niya kung anong inisip ko.
"Ahh.. Ang ganda naman. Salamat ulit." sabi ko sa kanya.
"Don't thank me. I gave that to you because a beautiful face like yours would look lonely without something pretty like these flowers." sabi niya habang nakatingin sa lupa.
B-beautiful... Tinawag niya 'ko na beautiful! Capital B-E-A-U-TIFUL!! Oh my, I'm flattered. Ang cheesy nun ah, pero sweet. Sugar + Cheese = ?
"......." teka, ba't naging speechless ako??
"Ahh! Pasensya na ha? Uhmmm... S-sinabi ko lang kasi yung totoo. By the way, my name is Seph. Short for Yoseph. But, either is fine. Gotta go, see ya." sabi niya at umalis patungo sa flower shop.
Seph... Ang unusual ng name niya, katulad niya na unusual na attitude towards me. Normally, guys would be showing their muscles and physical appearances. But him, he was.. He was just himself.
... Teka! I forgot to read his mind! This never happened before... I always read someone's mind before meeting them! Pero bakit nakalimutan ko na aalamin kung ano yung iniisip niya?
(sigh) 'Di bale... I'll see him often. He smells great too. Just like these flowers.
______________
[A/N: I do not own the video~ ;3 ]
Thanks for reading!
~g33kyPr1nc3ss
YOU ARE READING
The FIDES VINCIT (discontinued?)
Random[idk.. it's been a long while since i've thought about continuing this story and as much as i want to complete it, nothing comes up in my head for ideas so.. i'm sorry. but if anyone is interested in adapting this story, it's cool with me. again, i'...