Chapter 12: Drip Drop
=Vanessa's POV=
"So Van, paano mo i-pass yung project niyo?" tinaasan ko lang ng kilay si Jessie.
Haaays naiinip na talaga ako sa mga projects na binibigay sa amin ng mga teachers. Project dito, project dun, assignment ngayon, exam bukas... Ahh! Sooner or later my head will explode!
"Ehhhhhh.. Sa tingin ko ako na naman ang gagawa sa lahat ng group projects namin." sabi ko sa kanya. Ako lang kasi ang available na member sa grupo namin eh.
"Well then, how about we eat ice cream to cool that temper of yours? Grabeh ka naman Van, kapag na stressed-out, nag-se-self-pity ka." nagbuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
"Halika na!" hinila niya ko tiyaka lumakad kami patungo sa ice cream shoppe.
"One salty vanilla ice cream please!" sabi ni Jessie sa babaeng cashier. Nag-nod lang yung babae.
"At ikaw naman Miss?"
Ehhh.. Wala si Mr. Gwapo. Night shift pala siya? Sayang naman, may killer smile pa nga siya.
"Van! Hello buhay ka pa?"
"Ah! Uhmm. Sorry!! I think I'm gonna go for... Chocolate Mint ice cream." [MY FAVORITEEEEE!!! x3 ]
"Alright. Please take a seat while waiting for your orders." tumango lang ako at pumunta sa table malapit sa pinto.
Sige na nga, no more negative thoughts. Erase erase erase!! Shooo negative thoughts shoo shoo.
"Jes, nakita mo na ba yung 50 Shades of Grey na pelikula?" tanong ko sa kanya. Popular kasi yun sa school namin eh. Ang principal at ibang mga teachers lang ang hindi nakakaalam.
Tinaasan ako ng kilay ni Jessie. Uy baket? May mali ba sa sinabi ko?
"Ano ka ba Vanessa? Nakita ko na yan no. Sa sine pa." sagot niya sakin.
Nanlaki ang aking mga mata.
"Whaaaaaaaat?? As in, nakita mo na?? Nde ang trailer, but the movie mismo??"
"Dba tinanong mo s'ken kung nakita ko na yung pelikula? Nde trailer, loka." nag-pout lang ako.
"Ano ba yan.. Hindi ko pa kasi nakita eh. Tiyaka walang internet sa amin."
"Ahh! Dun ka nalang kaya sa internet café? bayad mo nalang ₱50 for 5 hours? Ano? dba okay?"
"Aray!!" binato ko yung panyo ko sa mukha niya.
"Loka! Eh kung makita ng mga tao dun?? Anong gagawin ko???"
"Ay, oo nga pala. Public place yun. Hee hee."
"Here are your orders, Miss." napalingon kami at nakita namin ang pinakagwapong lalaki sa mundo.
H-hindi 'to posible. S-si Mr. Gwapo? Papunta siya rito... Oh mai ged!!
"Miss, pakisira naman ng bibig mo, baka may papasok na langaw eh." sabi niya sakin. Ay nakanganga pala ako. Nakakahiya naman!!
Sinara ko yung bibig ko. Tumawa naman si Mr. Gwapo, ang waiter ng I Scream 4 Ice Cream Shoppe.
Tumawa pati na rin si Jessie. Haaaaaays. Kasalanan ko ba na gwapo at mesmerizing siya?? Huh? Grabeh naman sila oh.
"That would be ₱30 Miss."
"Oh, bayaran mo na." sabi ko kay Jessie.
"Ha? Ehh.. Wala akong pera eh.." ngumiti pa cya.
"Uggghhh. Ang galing talaga ng best ko." kinuha ko yung wallet ko at binayaran ang aming mga inorder.
YOU ARE READING
The FIDES VINCIT (discontinued?)
Random[idk.. it's been a long while since i've thought about continuing this story and as much as i want to complete it, nothing comes up in my head for ideas so.. i'm sorry. but if anyone is interested in adapting this story, it's cool with me. again, i'...