Prologue

76 0 0
                                    

"Usap naman tayo please? Huwag naman ganito, Jayce."

Pinag iisipan ko ng mabuti kung isesend ko ba yung text sa kanya. Tinry ko tignan lahat ng messages ko sa kanya pero kahit isang reply, wala akong natanggap. Inoff ko nalang yung phone ko at huminga ng malalim bago tumayo at mag lakad papunta sa sakayan.

Habang naglalakad ako, natanaw ko sya sa isang pavilion kasama yung mga kaibigan nya. Masaya sya. Tumatawa. habang ako umaasang kausapin nya ulit.

"Bukas nalang ulit" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasadan ko sya sa malayo, bago tuluyan ng lumabas ng gate ng school.

Ilang araw nalang at aalis na sya pero di parin nya ako kinakausap. Walong buwan na simula ng tapusin nya kung anong meron kami pero heto parin ako, araw araw sinusubukan ayusin kung ano ang nawala. Di ko maintindihan kung saan ako nagkamali at kung bakit ayaw nya akong bigyan ng pagkakataon maitama yun.

"Hoy Cate! Di mo ba babatiin ex mo? Best Thesis daw sila sabi nitong si Zile!" aga aga naman mag ingay nito ni Mae.

"Huli ka na, kanina ko pa tinext" sabi ko sabay irap nalang.

"Rupok mo talaga kay Jayce, oh ano, nagreply ba?" tanong nya.

Inirapan ko nalang siya sa tanong nya.
"nako, yan rereplyan pa ni Jayce? Eh di naman marupok yun!" saad ni Zile.

"Haha. Saya kayo nyan?" sarcastic kong tanong sa kanila. Tinignan ko nalang yung picture nila Jayce kung saan nila nareceive yung award. Sobrang proud ako sa kanya.

Tumambay na muna ako sa field bago umuwi. Pinagmasdan ko lahat ng nandun na naglalaro.

"Naalala mo yung tumatambay tayo dito noong crush mo palang si Jayce? Tapos tinatawanan natin sya kasi para syang poste dun pag sya yung nasa loob ng volleyball court" Natatawang kwento sakin ni Mae. Bumalik sakin lahat lahat. Nakakatuwa, pero hindi ko maiwasang malungkot. Kung pwede lang bumalik sa dati, ginawa ko na.

"Ay Cate, nagtext na sakin si Adrian, una na ko ah! " Paalam ni Mae, tumango lang ako at binalik ang tingin sa field. Pinagmasdan ko ang paglubog ng araw, kasabay ng paglubog ng pag asa kong bumalik ang lahat sa dati.

Dumeretcho ako sa Condo ko. Ayoko munang umuwi sa bahay, for sure di nanaman nila ako titigilan dun lalo na alam nila na malungkot parin ako.

Pagkapasok ko sa condo, dumiretcho na ko sa banyo para maghilamos at mag palit ng pantulog. Pag labas ko, may nakita akong maleta sa tabi ng kama ko.

"Huh? Wala naman to kanina ah." Lumabas ako sa Sala pero wala namang tao? Luh. Kanino to? Pumunta ako sa may table at Nakita yung cellphone ni Jayce.

"Bat nandito to?" bulong ko sa sarili ko. Binuksan ko yun at nakita yung picture naming dalawa na wallpaper parin nya hanggang ngayon. Napangiti ako ng malungkot, pinipigilan tumulo ang mga luha.

Chineck ko yung message inbox nya at gallery. Nandun parin lahat ng pictures namin at messages ko pati na rin yung mga videos na ginawa ko sa kanya noong anniversary namin. Bumabalik nanaman sakin lahat simula umpisa hanggang sa kung paano kami nagtapos.

"Pinaalam na kita kila nanay, Alam ko naman na dito ka dederetcho. Sabi ko sasamahan mo muna ako bago ako umalis bukas" para akong nanigas sa kinakatayuan ko. Dahan dahan kong nilingon si Jayce na kakarating lang at may dalang pagkain. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya. Bat sya nandito? Anong pinaalam? Naguguluhan na ako.

Nilagpasan nya ako para kumuha ng mga plato at hinanda na nya ang binili nyang mga pagkain. Nakatayo parin ako sa pwesto ko habang pinapanood sya. Nananaginip ba ako? Totoo ba to? Kung panaginip lang to. Wag nyo na po akong gisingin please.

Sana BukasWhere stories live. Discover now