Chapter 2

5 0 0
                                    

"Happy Birthday Riel! Sorry di kita mapuntahan dyan sa UP ngayon ah, alam mo namang di ako marunong mag commute. I love you! You know the rest na" sinend ko na yung message ko for him. 

Nandito kami ngayon sa Pavilion at nag aabang kami ng klase.

"Denielle, Birthday daw ni Jayce ngayon ah! Batiin mo dali!" pangungulit ni Nicolai. Halatang type na type nila si Jayce ah.

"Ayoko, nakakahiya! Tsaka wala naman akong regalo eh" naalala kong may dala pala akong tatlong pirasong Ferrero noon.

"AY! May dala akong tatlong Ferrero! Tig isa-isa tayooo. Gusto ko rin magbigay sa kanya!" pasimula ko. Kinilig din yung dalawa at nag asaran bago kami pumunta sa Family Mart kung saan nakatambay si Jayce.

"Happy Birthday Jayce!" "Happy Birthday Jayce!" "Happy Birthday Jayce!" Parang mali ata na pinangunahan ko tong idea na to.

Pinagtitinginan na kami dito sa Family mart ngayon habang si Jayce ay parang hiyang hiya. Binigay na nila yung mga Ferrero na dala nila.

"Happy Birthday" mahina kong sabi dahil nahihiya na ko sa mga tao. Ngumiti naman si Jayce at nagpasalamat. Pagkalabas namin ng Family Mart ay nagtulakan na yung dalawa sa kilig samantalang ako ay tumatawa nalang sa kanila.

Uwian na namin at wala parin akong text na narereceive mula kay Riel. Nag aabang ako ng jeep sa Gate 2 nung naabutan nanaman ako ni Jayce.

"Huy! Mag isa ka nanaman? Asan sila Jona?" tanong ni Jayce.

"Ah, nagfofoodtrip pa daw sila eh. Need ko na nga sigurong maghanap ng bagong kasabay pauwi. Lagi na kong pinapagalitan kasi ginagabi na" nahihiya akong tumingin sa kanya pagkatapos nung eksena sa Family Mart.

"San ka ba nakatira?" Tanong nya.

"Sa Mandaluyong ako pero sa Pedro Gil ako bumababa" sagot ko.

"Edi sumabay ka na samin!" suggestion nya. Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya

"Uy! Di na! Nakakahiya naman kanila Paolo at Louis! Di ko naman sila kaclose".

"Okay lang yun. Mabait naman sila eh. Si Louis, tahimik lang talaga yun" at pumara na sya ng jeep.

Habang nasa jeep kami ay nagkwekwentuhan kami.

"So, anong pakiramdam na napakadami mong fangirls sa room?" tanong ko sa kanya.

"Anong fangirls ka dyan? Wala nga eh" tignan mo to, pahumble pa kunware.

"ako pa ba lolokohin mo? araw araw na ko naririndi sa mga fangirls mo e" umirap nalang ako.

"Baka ikaw, maraming nagkakagusto sayo" pang aasar nya pabalik sakin.

"Sorry, Loyal to. first boyfriend eh" pagmamalaki ko pa.

"Ay wow may nagkamaling pumatol sayo?" pang aasar nya. Tinignan ko nalang sya ng masama sabay ngiti nya sakin. "Joke lang naman"

Gabi na ng makarating ako sa bahay dahil sa traffic. Nagcheck ako ng phone ko if may reply si Riel pero wala. Nagcheck muna ako ng Instagram at nakita ko yung story ni Riel na kasama mga kaibigan nya na nagcecelebrate. Inoff ko nalang yung phone ko at nagpahinga na.

Maaga akong nagising kahit tanghali pa ang klase ko. Pagtingin ko sa cellphone ko ay napakadaming message sakin ni Riel. Puro sorry, dahil di daw nya nasagot yung messages ko. Nagreply nalang ako ng "okay lang". Ayokong masira ang araw ko ng dahil lang sa tampuhan. Nasasanay narin naman ako sa ganitong set up.

Sana BukasWhere stories live. Discover now