Prologue

8 0 0
                                    


"Mahal kita pero kailangan na natin itigil to"

"Tangina akala ko ba hindi mo ko iiwan!"

"Sinabi ko yon kasi akala ko deserve mo! Pero pagkatapos ng lahat sa tingin mo hindi kita iiwan?!"

Napaupo ako sa sobrang pagod. Pagod sa lahat, pagod na masaktan, pagod na umiyak. Nakakapagod pala mag-mahal.

"Hindi ko kayang mawala ka Azi. Please lang"

"Tangina Gab tama na. Tama na please. Maawa ka naman sa akin."


Nanghihina kong sinabi sa lalaking kauna-unahan kong minahal at sa tingin ko huli na. Ayoko na magmahal. Ayoko na kung ganto pala kasakit.


"Zeke hayaan na lang natin matapos to."

Unti unti lumapit si Zeke sa kinakaupuan ko at dahan dahan akong niyayakap. 

Ayoko ng bumitaw sa yakap kung pwede lang.

Ayoko talaga syang bitawan at iwan pero alam kong mali.


"Bakit ba kasi kailangan mo kong iwan? Ano ba yung ginawa kong mali? Ang saya saya lang natin kaninang umaga ha."


Hindi ko kayang sabihin sa kanya yung dahilan kasi gusto kong sya mismo maka-realize ng mali nya. Ayokong sakin nya malaman kaya iyak na lang ang binigay kong sagot.

Iniwan ko na lang siya doon kahit alam kong umaasa siyang babalikan ko siya dahil nasanay siyang ganon ako eh. Na kahit ilang beses kong sabihing ayoko na, babalik at babalik parin ako sa kanya pero iba na yun ngayon. Kailangan matututo na ako, matutong ppaninidigan yung mga desisyon ko sa aming dalawa. Para naman sa ikakabuti niya yon at higit sa lahat ikakabuti ko, namin.

"Hoy ano? Anong nangyari?" wika ng bestfriend ko

"Tinigil ko na yung amin. Tangina dapat matagal ko ng itinigil eh." Pero bakit ang sakit gawin ang isang tamang desisyon kaysa sa ipagpatuloy ang maling nakasanayan?

"Andito lang kami ano ka ba! Malalagpasan mo din yan. Ano pa silbi naming mga kaibigan mo kung di ka namin tutulungan?"

Mas lalo akong napahagulgol nung narinig ko yon sa isa kong bestfriend. Shet akala talaga itatakwil na nila ako dahil sa mga kagagahan ko sa buhay eh.

Pero andyan parin sila, handa akong tulungan bumangon parin kahit ilang beses akong nagbingi-bingihan sa mga sermon at paalala nila sakin.

I am very grateful that I have found them na kahit sobrang gaga ko, hindi parin nila ako iniiwan.

"Pero sinabi mo ba sakanya bago mo siyang iwan?" wika ni Ace.

Tanging iling at mapait na ngiti na lamang ang sinagot ko sa kanila. Kahit naman sabihin ko yon, wala parin namang magbabago.

Leave Me AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon