CHAPTER 0 : But i sweared not to die young

17 1 0
                                    

(This is totally different to the upcomming Chapters, consider this a Prologue)

MC's POV (btw, MC means Main Character)

Ako si Claire Alfonso, 16 years old. A NORMAL Highschool girl.

Kakakuha ko lang ng card ko ngayon at, di naman ganun kataas, di din naman mababa, 92 lang naman. Sa ranking namin ika-tatlo ako, may ka same rank pa ako. Hays.

Di naman ako ganun ka yaman. Just a normal happy life. Nakatira ako with my Mom and my Little Sister na about 12 years old.

"Welcome back, Ate!" Bungad ng kapatid ko pag pasok ko sa bahay.

"Di ka ba pumasok ngayong araw?" Tanong ko. Lumingo naman sya.

"Wala talaga kaming pasok ngayon!" Sagot nya. Napataas naman isang kilay ko.

"Walang pasok? Eh, Tuesday ngayon!" Sabi ko. Napa-buga naman sya sa hangin.

"About that, di ko alam. Basta nag text samin teacher namin na wag daw papasok ngayon.." Sabi nya.

Tumango nalang ako.

"Oh! Wala din pala kaming pasok sa Friday!" Dagdag ng kapatid ko.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko sakanya.

"May namatay kasi na Teacher, kaya makiki-lamay mga co-teacher nya, kasama na dun teacher namin.." Sagot nya. Is that even allowed?

"Tch! Edi kayo na walang pasok!" Sagot ko. Tumawa naman ang kapatid ko.

Pumasok naman si Mama, kung saan kami nag-uusap nang kapatid ko.

"Oo nga pala anak, nakita ko sa Callendar. 13 sa biyernes!" Sabi nya.

"Huh? Eh ano naman po?" Tanong ko.

"Edi ibig sabihin, Friday the 13th na!. Kaya mag ingat ka!" Sagot nya.

"Oo nga ate, baka bigla nalang masagasaan ka HAHAHAHAHAHAHA!!" Saad naman ng kapatid ko habang tumatawa.

"Naku! Di naman yan totoo. At tyaka, wala akong balak mamatay nang bata!" Saad ko. I don't wanna die young!!

Tumawa lang nang tumawa ang kapatid ko. Habang si Mama nag-paalam na para mag luto ng pagkain.

~•~

[Friday, August 13, 2021]

Pag ka gising ko ay gulat ako nang makita kong 6:24 a.m na! 7a.m ang start ng klase namin!!

Nag madali akong maligo at nag-bihis. Di na ako kumain, kumuha nalang ako ng tinapay, at kakainin habang tumatakbo papuntang eskwelahan.

Medyo inaantok pa ako, kaya papikit-pikit ang mata ko. Feeling ko 4 hours lang tulog ko kagabe, may ginawa pa kasi akong project.

Agad akong tumawid sa kalsada, pero di ko nakita na hindi pa pala pwedeng tumawid kasi kulay-green pa ang traffic life,

Pag-tawid ko ay biglang may sumulpot na malaking truck, at papa-lapit na sakin.

Parang nag-slow motion ang lahat, hanggang sa ako ay tamaan ng truck.

Namalayan ko nalang na naka higa na ako sa kalsada.

Mahirap huminga, wala naman akong sakit sa puso ahh.
Nandidilim ang paningin ko, sure naman ako na malinaw ang mata ko.

Tanging nakikita ko lang ang puting mga ulap.

Nanlalamig ako. Nawawalan na ako ng malay. Nasagasaan ako, pero di ko na maramdaman ang sakit. Ito ba yung feeling namg nag-aagaw buhay?

Unti-unti kung ipinikit ang mata ko, at nandilim na ang lahat.

~•~

"Djuu'haennoet las yrehetty?"

huh?

"Yakhur rikkde, ah'd leuuioes lasheyret aubuues leuccesfulelleh!!"

Anong sinasabi nila?

"Ayheah!, ahd deghoesho sut..."

Saan ako?

May naririnig akong mga boses kaya iminulat ko ang aking mata.

"Laseto hahhakebo!!" Saad ng isang magandang babae.

Gusto ko sanang mag salita, pero bakit ganun?. Di ako maka-pagsalita ng Actual Words.

At tiyaka parang ang lapit naman ata ng babae sa mukha ko!

Itinaas ko ang kamay ko para abutin sya sana pero--

What the-- bakit ang iksi at ang liit ng kamay ko???!!

Anong---

Ano bang namgyari sakin!?

Hmm...

Papunta ako sa school. Late akong gumising kaya nag madali ako. Tumakbo ako patawid sa kalsada. Pero. Nasagasaan ako. Tapos ang alam ko patay na ko.

Wha--- na reincarnate ba ako? Heh! Asa! Di kaya yun totoo!!

---Pero bakit parang sanggol ako ngayon?!!!

Wahhhhh!!!!! Ibig sabihin namatay akon nang bata, at na reincarnate ulit??? Is that possible?

I mean, we talked about reincarnations in our class, pero di mo naman masasabing totoo yun!!

Hayyss, sige sabihin nalang natin na na-reincarnate ako. Pero sino kaya ako dito.

Feeling ko, ito ang nanay ko ang humawak sakin ngayon. Ang Ganda nya.

Edi ibig sabihin gaganda din ako katulad nya? Di joke, di to ang time para ma excited!

Okay lang kaya sina Mama at ang Kapatid ko? Sana di sila umiyak ng todo! Ayokong iniiyakan ako!! Kahit iiyak sila, pero sana mag-move on din agad sila. Sorry Ma, Lil'sis, mukhang nauna na akon umalis dyan, hays.

But i'm not gonna cry about it. This is Reality. Kailangan ko nalang tanggapin na ibang tao na ako ngayon. Kapag iiyak ako dito, di naman ako babalik dun sa mundong yun.

Kaya i will just accept that i was reincarnated. Although it's frustrating that i sweared i will not die young, hays.

"Laseto Hahhakebo........AYRICA ALARICK."

Again, di ko talaga sila maintindihan.

-End of Chapter 0-

I swear to live to the fullest in my next Life, just in case i die young again!!Where stories live. Discover now