✨Chapter 4✨

20 1 2
                                    

Day 3 na ng Summer shoot ng Bangtan sa Palawan at kailangan na nila ng souvenir kaya naghanap ang staffs ng place kung saan sila pwedeng mamili ng souvenir sa Coron at nang nakahanap na ang mga staffs ay doon sila kinunan ng video para sa part ng summer package video , matapos ang ilang minutong paghahanap ay binili na nila ito, napili ni Jungkook ang isang Dreamcatcher at pareho sila ni Jimin nito, after nilang maishoot ang pamimili doon sa store ay lumabas na sila at sakto kang dumaan kung saan sila lumabas , napansin ka ni Jungkook at napatingin sya sayo, may suot kang dreamcatcher na katulad ng kanya, niregalo lang yun sayo ng tatay mo nung nakaraang birthday mo ,may suot kading panyo sa ulo at nakaipit ng isa,at ang suot mo ay yung tipikal na sinusuot ng mga tindera sa palengke at nakatsinelas ka  nakatagilid ka kaya dmo sya nakita sinundan ka ni Jungkook ng tingin hanggang sa tawagin sya ni Taehyung para ipatingin yung souvenir na binili nya at pagtingin nya ulit sayo ay dka na nya nakita pa kaya dumeretso na sila sa sasakyang Van para umuwi sa Lodge at ishoot naman ang mga reviews nila sa mga souvenir,pagdating ni Jungkook sa Room nya ay natigil sya dahil hindi kana nawala sa isip nya

Jungkook: Sino sya..

Napahawak sya sa ulo at napahiga sa kama ,nakatingala at nakaharap sa kisame at sa electricfan sa taas habang umiikot yun, tumatakbo din ang isip nya habang iniisip parin nya ang nangyari kanina

Kinabukasan

Nagbebenta ka ng gulay at maraming bumibili sayo, pero namamanage mo naman sila kahit mag-isa ka
pagkatapos ay nagpahinga ka muna, at lumapit sayo ang kapwa tindera mo at nakipagkwentuhan sya sayo, mukhang matamlay ang mukha nya at sambakol na parang hindi maipinta
alam mo na iyon kapag ganoon ang mga itsura ng mga kaibigan mo kaya kinocomfort mo agad sila at kinakausap lumapit sayo ang isa sa mga naging kaibigan mo sa pagtitinda na si Fiona

Fiona: Bes

Y/N: Oh, anyare.. may ganap nanaman ba sa inyo ng Jowa mo

Fiona: Hmm... oo 😔

Y/N: Sige ano yun sabihin mo sakin

Fiona: Nag-away nanaman kami kagabi, pinuntahan ko kasi sya dun sa pinagtratrabahuhan nya sa delivery company, dadalhan ko sana sya ng lunch kasi wla lagi syang dalang baon, lalapit na sana ako nang may nag approach sa kanyang babae ,kumakain sya tapos binigyan nya si Derik ng steak, mukhang elegante yung babae, sa tingin ko, manager nya yun

Y/N: Ha?! Manager nya?

May bumili sayo kaya tumayo ka muna ,pagkatapos mong pagbilan ng gulay ang customer ay binalikan mo ang kaibigan mo at kinomfort,

Fiona: Oo , nakumpirma ko kasi nagtanong ako sa isa sa mga kasama nya ng palihim at totoo nga kaya hinintay ko syang umuwi at tinanong ko sa ng seryoso, nung una nagsinungaling sya pero sinabi nya rin ang totoo, at nalaman ko yung tunay na kulay nya...
mas gusto nya pala sa mayaman kesa sa mahirap na tulad ko nasaktan ako sa sinabi nya at nakipaghiwalay sya sakin at umalis nalang sya ng ganun ganun lang.napilitan lang pala sya sakin kasi maganda ako, akala ko nagustuhan nya ako kasi mabait ako, yun pala itsura lang ang habol nya sakin, eh ayun mas nakahanap sya ng better sakin

dinamayan mo sya habang nagrarant sya sayo

Y/N: Hays... yaan mo na nga yung lalaking yun, ibig sabihin lang nyan, dmo sya deserve, hindi magandang dahilan ang itsura lang para mahalin ang isang tao, dapat ang minamahal satin yung kung sino at ano tayo, hindi kung anong itsura natin at kaya nating gawin, wag mong pag aksayahan ang taong itsura lang ang habol sayo at hindi ang buong pagkatao mo, sila yung mga taong walang magawa kundi ang magpakasaya... mabuti pa kalimutan mo na sya... dadating din yung taong tatanggapin kung sino at ano tayo hindi yung kung anung meron sa atin

Fiona: Tama ka bes...maraming salamat...

Niyakap mo sya at tinawag sya ng kapatid nya dahil wlang katulong sa pagtitinda, okay na sya kaya tinulungan na nya ang kapatid nya

To Be Continued...

The Rich Idol and His Simple GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon