Heartroma [CLOSED]

1.1K 56 46
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang sabi nila Love can be found everywhere, maaaring sa daan, sa grocery store o di kaya naman ay sa coffee shop. Paano kung sa hindi inaasahang pangyayari malagay ka sa sitwasyong 'di mo lubos akalain na pwede pala mangyari?

Handog ng RomancePH ang isang patimpalak na ikaw ang didikta ng pwedeng kalalabasan, maaaring tayong kiligin sa mga karakter o pwede rin na umiyak dahil sa kalungkutan. 


Prompt:

Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang crush mong barista sa paborito mong coffee shop ay lihim na may pagsinta sa 'yo? Will this be the start of your kilig story o panibagong heartbreak-in-waiting?


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


RULES AND REGULATIONS:

❤ Ang mga sasali ay magsusulat ng sariling kuwento na naaayon sa prompt at i-post ito sa sariling profile.

❤ Ang mga manunulat ay maaaring gumamit ng Tagalog, Ingles, at Taglish bilang lenggwahe

❤ Ang mga nais na sumali ay maaaring sumulat ng hindi bababa sa 500 words at hindi hihigit sa 700 words.

❤ Welcome na welcome ang mga kuwentong may tema o karakter na kabilang sa LGBTQ Community.

❤ Siguraduhin ang tema ng kuwento ay Romance, ngunit maaari rin gumamit ng sub genre na iyong nais.

❤ Siguraduhin na hindi nilalabag ang Content Guidelines

❤ Hindi tatanggapin ang mga kuwento na may Mature Content.

❤ Huwag kalimutan na lagyan ng tags na #WattpadRomancePH at #Heartroma ang inyong mga entry.

❤ Magpasa ng iyong entry gamit ang form na ito SUBMISSION FORM.

❤ Ang pag papasa ng mga entry ay hanggang Mayo 12, 2021 lamang sa oras na ika-11:59 ng gabi oras ng Pilipinas.


❗️ Disclaimer: Tandaan na ang contest na ito, kabilang ang mga sumusunod na patakaran ay likha ng grupo ng mga Ambassadors at hindi konektado sa Wattpad at mga staff nito. Ang pag-judge sa contest na ito ay pinatatakbo ng mga may-ari ng contest at hindi responsibilidad ng Wattpad at maging ang staff nito.

Love Match: A Contest and Prompt BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon