Prologue

12 0 0
                                    

"I hope you learned lots today, class. But before closing our discussion, what are your take-aways?"

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kaklase ko. Ang iba ay iwas ang tingin sa guro at ang iba naman ay naka-kunot ang noo na tila nag-iisip. Itinaas ko ang tingin ko sa orasan namin.

Bakit wala pa rin nag-e-excuse sa'kin?!

"Anyone?" ulit ni Ma'am at tumingin sa akin.

I bit my lower lip. I don't know if I learned something today! Well, sa buong oras ata ng klase, yung meeting lang namin ang iniisip ko.

Tatayo na sana ako para sumagot nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagpakita roon si Nicole, ang President ng kabilang section.

"Good afternoon, ma'am. Sorry to interrupt your class, but may we excuse Ms. Hiraya for a meeting?" mahihin nitong sinabi.

Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit sa desk ko at inayos-ayos na ang uniporme ko.

"Wow, saved by the bell," bulong ng katabi ko.

Nginisian ko sya. "Manahimik ka, Ember,"

"Sabay pa rin tayo mamaya, ah!"

Tumango na lamang ako at tumayo na. Nakatingin sa'kin si Ma'am at si Nicole naman ay nanatiling nakasilip sa pintuan. Nahihiya akong umupo ulit. Wala pa palang sinasabi si Ma'am!

"She may," I smiled at that. "But I want to know what you learned from our discussion today, Ms. President." nawala ang ngiti ko doon kaya nagsimulang tumawa ang mga kaklase ko.

"Okay po, ma'am. I'll just wait for her outside," pagpapaalam ni Nicole at sinarado na ang pintuan.

Ibinaba ko ang nakasakbit sa balikat ko'ng bag at nag-isip nang mabuti.

"We talked about desires and betrayal, Raya. You can either tell us the summary or just state your personal insights," ulit ni Ma'am at sinuklay ang maikli niya'ng buhok gamit ang mga daliri.

Tumango ako at taas noo na tumayo, kahit na pinaglalaruan ko na sa likod ang kamay ko. Desires and betrayal, huh?

"W-Well, I do believe that there is nothing wrong from wanting something so bad as long as it doesn't involve greed and other m-malicious acts. Desiring something in a good way means that you have pure intentions. It does not affect or inflict pain to others,"

I bit my tongue as I think of what more to say. She crossed her arms while slowly nodding to my statement.

"And as for betrayal, it of course break trust and that may be the root for other self-issues. Those who betrays are disloyal and a traitor."

Wala nang karapatan humarap pa ang mga pumiling tumalikod. Wala nang puwang sa pagpapatawad ang kailanman ay hindi naging totoo at pinili ang pansariling kagustuhan.

Natawa ako sa sariling naisip. Ironic.

When I was eleven, all the hope of having a love like my parents have was crushed. May anak sa iba ang ama ko. I can still remember the pain I felt when we first found out. I remember how my Mama painfully cries as she asks my Father whom I admire the most. Ang nakakagulat pa dito, halos magkasunod lamang ang edad namin ng anak niya.

I was born a year after my parent's marriage. Imagine? Pagkatapos makatanggap ng biyaya, gumawa agad ng kasalanan. Or am I really a blessing to him?

He should be thankful for my Mom. Nasaktan na at lahat pero pinili pa rin magpatawad. Pinili pa rin siya. Sa kabila ng sakit, pinili pa rin ang pagyakap sa kanyang kamalian. Ganoon ba talaga ang pagmamahal? Nakakatawa man pero ganoon rin naman ang ginawa ko. My Father and I's relationship completely changed. Though he's making an effort of making peace with my heart, I will always be haunted by the pain he inflicted to us.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embracing the WarmthWhere stories live. Discover now