Chapter 1

84 4 1
                                    

Abigail pov

Haaaahh!!!??? Singhap kong sabi pagkapasok ko pa lang sa bahay namin. May pahawak hawak pa ako sa bibig ko na may nakakagulat na bagay akong nakita sa harapan ko.

Na meron naman talaga

Ang mga maids naman ay agad pumunta sa kinaroroonan ko para malaman kung anong nangyari. Habang sila dad at mom ay baba palang.

Oo baba palang ang taas kaya ng staircase, meron naman kaming elevator hay nako nakakaloka.

Habang ako naman ay ganoon parin with matching hawak pa sa camera ko na nagrecording pala. Para mas maganda ang kuha ko.

Pinahawak ko sa isa sa mga maids ang camera ko para i video recording ako para sa vlog at ang title ay actingan ni abi 101 o char diba.

Agad naman akong bumalik sa posing ko kanina ng matapos ko sabihin sa kanya kung ano ang dapat gawin.

Timing din na nakababa na si mom at dad. Agad kong tinuro ang mga bagay nasa harapan ko.

Ano to??!! Bakit nandito tong lahat? Bakit niyo pinalabas ang mga maleta ko? Pinalayas niyo na ba ako? may pa hawak hawak pa ako sa mga mata kong wala naman luha at pagkatapos napasinghap ulit na parang hindi makahinga

M-mom d-dad hindi niyo na ba ako mahal? Mas pinag igihan ko pa ang acting ko na parang nasasaktan habang hawak ang dibdib kong flat chested.

Ayy bwesit bakit mo pa pina- alala na wala ka naman dibdib!

Ay i mean hawak ang puso ko habang nakatingin parin sa magulang kong hindi alam ang gagawin. Lalapitan ba nila ako o tatayo nalang.

M-mom d-dad please answer me you don't love me anymore? Kaya pinalayas niyo nalang ako? Anak niyo ko sabay turo ko sa sarili na parang si nora onor

Lumapit si mom sakin habang nag mamakaawa ang tingin. Si dad naman ay mukhang poste hindi gumalaw hehe love ko kaya yan si dad. Ehem* balik tayo.

Habang pupunta si mom dito sasabihin ko sa kanya izzza prank pero mukhang hindi natuloy dahil ng makalapit siya sa akin. Akala ko yayakapin niya ako pero binatukan niya ako ng napakalakas

Kaya yung acting ko sana na walang luha ay totoong lumabas dahil naalog yung utak ko at naging bukol ito. Agad kong hinawakan ang bukol ko at hinihimas ng dahan dahan

Welcome back bukol!

Ikaw bata ka saan kaba galing at ngayon ka lang???!!!!!! May pa acting acting ka pang nalalaman at sinasabi sumisigaw na sabi ni mom ko kaya agad akong napaangat ng tingin sa kanya at napatuwid ng tayo na parang soldier ng samaan niya ako ng tingin.

Galit na nga siya.

Hehehe ang galing ko umacting mom noh? Pwede na ba akong mag audition? Ngiti kong sabi sa kanya na nagpapawala sa akin ng hilahin niya ang mga tenga ko.

Mom!! Ang sakit huhuhuhu pakibitaw na po izza prank lang po yon eh huhuhuhu nagsisigaw kong sabi kay mom habang hawak ang tenga kong hinila niya.

Hayy ang kawawang tenga

Kaya nga hindi ko ginusto magalit dahil may technique ito sa para lamang sakin. At hindi biro yon technique niya

Nakakatakot sobra na gusto ka nalang kunin ni lord

Binitawan naman ako ni mom ng mapansing namula na ang tenga ko. At naramdaman ko ito dahil sa init nito. Hinawakan ko ang tenga ko at hinihimas ito ng dahan dahan gaya ng bukol ko sa ulo.

Ang Only Girl Vlogger Ng Section ZebraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon