Si Bing at ang Emperador na Dragon

204 6 1
                                    

Sa dinastiyang Hyeondae, ay may isang malupit na pinuno na si Emperor Bul Yong, sinasabi na ang mga tao ay kanyang pinapaslang kapag hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kahit pa wala namang masamang ginagawa ang isang tao. Dinadala ang mga tao na ito sa palasyo at hindi na muli itong nakikitang bumalik sa pamayanan. Balot ng takot ang mga mamamayan ng Hyeondae ngunit wala naman silang magagawa dahil walang may lakas ng loob na labanan ang Emperador kung kaya't ipinapagpatuloy na lamang nila ang kanilang mga pamumuhay at nagdadasal sila na hindi sila madukot at mapaslang ng kanilang pinuno.

"Nabalitaan mo ba? Ang Emperador ay immortal!" "Ha hindi saan mo nakuha yan? Tsaka tigilan mo yang pinagkakalat mo baka marinig ka ng mga guwardiya at bigla ka na lang dakipin papunta sa palasyo." "Hindi may nakakita raw kasi sa Emperador na biglang nag-anyong dragon." "Huwag kang maniwala sa sabi-sabi, ika'y mapapahamak sa ganyan." Pag-uusap ng dalawang babae sa palengke ng Hyeondae. Maraming sabi-sabi ang bumabalot sa dinastiya na immortal ang kanilang Emperador dahil may nakakita daw na nag-anyong dragon ito ngunit hindi naman ito napatunayan kaya naging sabi-sabi na lamang ito.

May isang batang lalaki ang naglalaro sa may kalsada ng Hyeondae, bilin ng pinuno na dapat walang nakaharang na kahit ano sa mga kalsada na kanyang maaaring daanan. Nakita ng mga guwardiya ang bata akmang dadakipin na nila ito ng biglang may lumabas na isang matanda at kinuha ang bata. Nagulat ang mga guwardiya sa angking bilis ng matanda kahit pa mukhang sobrang tanda na ito, dahil rin sa pagkagulat ay hindi nila nahabol ang matanda. Dinala ng matanda sa isang liblib na lugar ang bata, "Gyeoljeong Bing? Ikaw ba yan bata?" nagulat ang bata sa sinambit ng matanda. "Paano niyo po nalaman ang pangalan ko? Sino po kayo? Salamat po sa pagligtas sa akin ngunit bilin ng aking nanay na huwag makipagusap sa mga taong hindi ko kilala" pagkasabi ng bata ay akmang tatakbo na ito ngunit napigilan naman ito ng matanda. "Huwag kang mag-alala Bing ako'y kaibigan mo, may sasabihin lamang ako sayo at ibibigay." Napatingin ang bata sa matanda "Ito Bing isa yang agimat mayroon kang angking lakas na binigay sayo ng mga Diyos, ito ay ang kapangyarihan ng yelo. Ikaw lamang ang makakatapos sa malupit na pamumuno ng ating Emperador" sambit ng matanda "Bing dahil inilayo kita sa mga guwardiya paniguradong pinaghahanap ka na ngayon kaya magtago kayo ng iyong pamilya sa isang tagong lugar dito sa Hyeondae, ang lugar na yun ay hindi abot ng kahit sinong guwardiya ng palasyo. Gagabayan ka ng agimat na aking binigay sa paghahanap sa lugar na yun, iilaw ito ng pula kung malayo pa kayo at luntian naman kung narating niyo na ang inyong destinasyon ito'y nasa dakong Silangan" nakinig naman ng mabuti ang bata sa bilin ng matanda.

"Bing magsanay ka muna sa lugar na iyon, hasain mo ang iyong kapangyarihan dahil ito lamang ang makakatulong sayo sa pagharap sa Emperador. Alamin mo ang iyong mga kahinaan at kalakasan. Ako'y magpapakita ulit kapag nakita kong nahasa mo na ang iyong mga kapangyarihan." Nakarinig ang matanda at si Bing ng mga yapak kaya dinala na ng matanda si Bing sa kanilang tahanan at nagsimula na silang umalis sa pamayanan. Sa tagong lugar ay nagsimula na ngang magsanay si Bing, nagsimula siya sa pagpapalabas ng kanyang kapangyarihan. Hindi niya pa ito natukoy noong una dahil wala namang sinabi ang matanda kung paano ito papalabasin. Natukoy naman niya ito ng nasangkot siya sa isang delikadong sitwasyon kung saan tinutok niya ang kanyang dalawang palad at tinapat ito sa lupa, may biglang lumabas na tusok-tusok na yelo. Nalaman niya rin ang iba pang kanyang kapangyarihan katulad ng pagpapalabas ng malamig na hangin, pagpapayelo sa buong lugar at cyrokinesis. Ang kahinaan niya naman ay kapag naging masyadong mainit ang lugar, natutunaw ng mabilis ang mga yelo sa mainit na lugar ganun rin ang kanyang kapangyarihan.

Maraming taon ang lumipas at kayang kaya ng kontrolin ni Bing ang kanyang kapangyarihan. Gaya nga ng sabi ng matanda ay nagpakita ulit ito upang magbilin kay Bing. "Iho ang Emperador ay may angking kahinaan rin, tamaan mo ang kanyang lalamunan ng iyong kapangyarihan na yelo, sa kanyang lalamunan ay doon nakaimbak lahat ng apoy na lalabas sa kanya maaari itong matunaw gamit lamang ang yelo galing sa iyong kapangyarihan, ngunit tandaan mo na maaari mo lamang itong gawin kapag siya'y nasa anyong dragon na." "Masusunod po ngunit paano ko malalaman kung siya'y magiging isang dragon na?" tanong ni Bing "Siya'y nagiging dragon kapag kabilugan ng buwan doon ay kumakain siya ng mga tao na dinadakip niya mula sa Hyeondae, kinukulong muna sila at pagsapit ng kabilugan ng buwan ay isa-isa silang kinakain ng dragon, ginagawa ito ng Emperador dahil ang pagkain ng tao lamang ang makakatulong sa kanya upang manatili siyang immortal." Nagulat si Bing sa sinabi ng matanda, mas lalong lumaki ang kanyang galit sa Emperador.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TALE OF THE DRAGON Where stories live. Discover now