Akemi: Ang Prinsesa ng mga Igorot

745 8 0
                                    

Noong unang panahon, ang Pilipinas ay binubuo ng maraming kaharian, na patuloy na sinasakop ng mga Espanyol. Ngunit may isang kahariaan sa Ifugao ang hindi sumusuko at patuloy na lumalaban para sa kanilang kaharian, para sa kanilang karapatang maging malaya mula sa mga Espanyol.

Ang kaharian ay pinamumunuan ng isang babae na nagngangalang Prinsesa Akemi.  Siya ay isang prinsesang may kahangahangang talino, at kahit na s'ya ay isang babae makikitaan ito ng lakas na parang isang lalaking mandirigma. Bata pa lamang siya ay tinuruan na s'ya ng kanyang ama na maging malakas at matapang. Laging sinasabi ng kanyang ama na ang kahinaan ay kahihiyan sa kanilang pamilya. Dahil sa angking katalinuhan, kung kaya't malawak ang sakop ng kanyang mga kaalaman. Magaling siyang sumulat at magsalita sa iba’t ibang wika.  Magaling itong mamuno kung kaya't ang kanyang kahiraan ay ang pinakapayapa at mayaman sa buong Pilipinas. Lumulutang ang likas niyang talino pagdating sa aktuwal na labanan. Taglay ni prinsesa Akemi ang kagandahang ninanais ng kanyang mga nasasakupan, kung kaya't marami itong manliligaw, nagsusuot din siya ng iba’t ibang mamahaling palamuti. Maging ang kanyang mga tauhan ay magaganda rin ang bihis. Isang araw ay may naging panauhin ang kanyang kaharian, isang manlalakbay na Arabo. Tinanggap niya ito ng buong lugod at pinakiharapan.

Hindi alam ng mga kawal na ang kanilang tinanggap na panauhin ay isang espiya ng mga Espanyol na nais manakop sa kanyang kaharian. Ngunit hindi kay Prinsesa Akemi, unang tapak pa lamang ng arabo sa kanyang kaharian ay agad na nyang nahalata na ito ay hindi lamang isang dayuhan. Ngunit kahit na ganoon ay tinanggap nya parin ito upang malaman kung ano ang balak nito. Lumipas ang mga araw dumating ang mga Espanyol sa kaharian nina Prinsesa Akemi.

Si Haring Alejandro. Ang hari ng Espanya na nais manakop sa kahiraan nina Prinsesa Akemi, sinabi ni Haring Alejandro na ibigay na sa kanya ang kanilang kaharian hangga't maaga pa, kung hindi magtatalaga sya ng digmaan sa pagitan nila. Hindi nagpatinag si Prinsesa Akemi, sumigaw sya sa loob ng kahiraan na magsimula sa araw na ito, ang digmaan sa pagitan ng kahiraang Espanya, at kanyang kahiraan ay mapapasailalim ng isang madugong digmaang. Nakaramdam ng takot si Haring Alejandro, dali dali silang umalis sa kahiraan nina Prinsesa Akemi upang makapag handa.

Tumagal ng buwan ang kanilang labanan, natigil ito ng sandali na mapatay ni Prinsesa Akemi si Haring Alejandro gamit ang espada na ipinamana sa kanya ng kanyang ama bago ito mamatay. Nagwagi ang panig nina Prinsesa Akemi, ngunit kahit na sila ay nanalo may parte sa kanya na naghihinagpis dahil halos kalahati sa kanyang nasasakupan ay napatay ng grupo nina Haring Alejandro.

Simula noon walang  sinumang nangahas lumaban sa takot na baka matalo, isang napakalaking kahihiyan para sa isang lalake kung madadaig ng isang babae lang. Lahat na naghangad sa kanyang pag-ibig ay nagsibalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi na nag-asawa pa ang prinsesa, iniukol na lamang ang buong panahon sa pamamalakad sa kanyang kaharian. Lalo naman siyang napamahal sa kanyang mga nasasakupan.

EPIKO: Akemi, ang Prinsesa ng mga IgorotWhere stories live. Discover now