Freshman Year

20 0 0
                                    

Haller... Kamusta na kayo? Naalala niyo pa ba ako? Well, sa mga hindi nakakakilala sa akin, problema niyo na iyon. Anyways, I'm Preston Ramos, aka Prexy, from the highly urbanized city of Manila!!! I am some-teen years old, at naniniwala ako na ang pagiging sexy ay nasa akin at ang pagiging hot ay para sa bagong saing. Thank you...

Maliban sa sooper sexy figure ko, wala na akong ipagmamalaki sa sarili ko. But I'm proud na may super BFF ako na nakapasa lang naman sa UIF. Yes, the most prestigious campus in all of our country. At tulad ko, malandi rin siya, hehehe.... Erville Juanico ang name ng super beshy ko. Nakadagit siya ng isang Korean Kimchi to the tune of Arthur Cho, isang half-Korean na marunong managalog dahil born and raised siya sa Pinas. Amazing. Pero sa mga pangyayaring kahit ako eh naloka din, kailangan muna nilang maglayo... At least, on a positive note, virgin pa rin si Earl, hahahaha...

Pero, yes, pero.... Knows nyo ba na hindi si Arthur ang first love ni Earl?... Yes... I'll go down to the details later... Pero iku-kwento ko muna sa inyo kung paano kami nagkakilala... Everything starts noong freshie pa kami...

Dahil freshie, wa ko ker sa iba kong classmates, lalo na kung sa mga sapantaha ko eh wit kong makikitang gagraduate na kasama ko. Si Earl, first day pa lang ng klase, amoy ko na ang pagkalansa. Pero, kumpara sa akin na napakaingay, yung pagkabakla niya eh may class kasi matalino siya. Super brainy niya day, kaya ayoko siyang lapitan kasi baka masungit siya in person. But one time, nahirapan ako sa assignment namin sa Math. Nasa library ako dahil tahimik doon at makakapag-isip ako ng maayos sa aking thinking chair. Kaso hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Then, lumapit sa akin ang sagot sa aking panalangin.

"Gusto mo tulungan kita diyan?"

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Hindi ako pinapansin ng crush ko. Ang sexy ko naman. Wala naman din akong ginagawang masama. Anong gagawin ko?"

"Ah... Eh... Akala ko sa assignment sa Math?"

"Ah... Sa assignment ba? Oo, patulong naman."

So iyon, dun na nagsimula ang lahat...

"Ah... Di ba ikaw si Erville?"

"Oo, tapos ikaw si Preston."

"Yes my dear... Prexy na lang itawag mo sa akin."

"Sure, ako, kahit Earl na lang."

"Earl, lalaking-lalaki... Hindi bagay sa iyo."

"Alam ko"

"Ba't di na lang Erlinda?"

"Pang matanda."

"Erna."

"Ang baho"

"Er."

"Ang ikli"

"Ang choosy mo naman. Sige, Earl na lang."

Hindi naglaon, naging mas close pa kami ni Earl. At eventually, naging super BFF ko na siya. Siya lang ang naging super bestfriend ko ng buong HS life ko. Nakilala ko rin ang mama ni Earl at madali siyang napalagay ang loob sa akin, kalog din kasi si tita.

The whole school year, nakikita kong masipag mag-aral si Earl. Super achiever talaga. At dahil sa sipag niya sa pag-aaral, nakaroon din ako ng drive na mag-aral ng mabuti. Pero, kahit papaano, may nakuha siyang trait from me.

"Girl, may itatanong ako sayo." usisa ko.

"Sige go."

"Sinong crush mo sa mga classmate natin?"

"HUH?" gulat niya "Anong klaseng tanong iyan?"

"Tanong sa mga achiever na may sikretong buhay."

Campus Love: First LoveWhere stories live. Discover now