Sophomore Year

4 0 0
                                    

Ayan, second year na. may mga umalis sa section anmin, pero may mga pumalit. At sa start ng klase may uma-attitude na.

"Ladies and gentlemen, my name is Graciela Bruquito. You can call me Gracie. And I will eat your brains out."

"Girl, zombie ata." Bulong sa akin ni Earl.

"And you..." turo kay Earl. "Ako na ang papalit sa pwesto mo."

"Ay, assume."

"Shut up beach..."

"Ms. Bruquito, you are in my class. Please watch your manners." sita ng Math teacher sa amin.

"Ayan, assuming kasi. Nakakalokah siya bakla, sarap sabunutan." Cheer ko kay Earl.

"Don't worry girl, mukhang wala naman siyang panama sa IQ level ko."

"You go girl!"

Dahil kakasimula pa lang ng school year, uso ang election of officers sa classroom. At syempre dahil second year na kami, pwede na kaming mamili ng club na sasalihan. Kaya ang ending, sumali kami sa School Gay Club. Isa siyang org for gays sa school. Support group kumbaga. Ang napansin lang namin ni Earl, kami lang ata ang naglakas ng loob na pumasok sa club na galing sa higher section. Wala namang problema, maliban na lang sa matatalim na mga titig sa amin ng ibang beki. Parang hindi na kami makakalabas ng buhay. At as usual, may election of officers din. So sa elections...

"The table is now open for the nominations for club president." sabi ng presiding officer.

Nagtaas ako ng kamay.

"May kilala ka sa mga tao dito?" Tanong sa akin ni Earl.

"Oo naman noh." Then tinawag ako. "I nominate Erville Juanico as club president."

"Putragis ka Prexy."

"Okay lang yan"

"Erville Juanico is nominated." Announce ni presiding officer.

"Ano na namang gagawin ko noh?"

"Kaya mo yan noh. It's your chance to represent the gay community dito sa school."

"So tama lang na biglain ako, ganun?"

"Sa mga nominees, lapit lang po kayo dito sa stage to give your short and sweet pambobola speech." Tawag ng presiding officer.

"Go beki..." So nagsalita ang iba pang nominees. Gagawin ko ang lahat, ipinapangako ko sa inyo, yad yada yada... The usual thing na naririnig ko sa mga class election. Wag ka, nung besty ko na ang sumalang, eto ang speech niya.

"Uh... Hello Guys..." Tawanan ang lahat, pero eto na ang bongga. "Ahem... Hindi ako mangangako dahil promises are made to be broken. Hindi ko rin sasabihin na gagawin ko ang lahat, kasi pag gagawin mo ang lahat, mapapagod ka. Pag napagod ka, hindi ka na mage-exert ng effort para matapos ang nasimulan mo. Ako si Erville Juanico ng II-1 at naniniwala ako na bakla ako... Bakla ka... Bakla kayo... Bakla tayong lahat... We need gay empowerment... DARNA!" With posing na pagtaas ng kamao. At dahil doon, napa-standing ovation ang mga hitad. Bonggang bongga ang speech. At malamang, siya ang nanalo bilang Club President. Landslide victory, may tsunami at aftershocks pa... Bongga...

After a few days, may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa may bulletin board. Akala ko may dead body na ino-autopsy sa lugar. Lumapit kami ni Earl sa tumpok ng mga tao. Nagulat kami. May nagla-live show na dalawang lalaki sa may bulletin board... Etchusa... Nakapaskil ang list of officers ng School Gay Club. At nagsusumigaw ang pangalan ni Earl as president. Nakakalokah talaga ang mga response ng tao to the point na pinagtitinginan kami ng mga taong hindi naman namin kilala. At mas lalo pa kaming nalokah nung umesana si Gracie.

Campus Love: First LoveWhere stories live. Discover now