Chapter 1

102 5 5
                                    


Chapter 1

"Tulong! Tulong! Nalulunod ako!" Sigaw ko dahil na-alon na ako sa malalim na parte ng dagat at yung paa ko, na-sprain. "Tulong!" Panay ang sigaw ko hanggang sa lumubog na ako.

Maya maya'y naramdaman kong may nag-ahon sa akin. Sa wakas dumating na din ang savior ko.

Pagka-ahon namin sa dagat ay inihiga niya ako sa gilid, at ni-CPR.

Nagbalik na ulit ang malay ko, napa-ubo ako at may lumabas na konting tubig sa'king bibig.

"Miss, okay ka lang ba?" Tanong sa akin nung lalaki.

Sa isip isip ko, wow! Ang pogi naman nitong lalaking to!! Kyaaah! Ang swerte ko naman, lagi nalang ako magpapalunod! Ay landi. XD

"O-okay lang. S-salamat." Sabi ko dun sa lalaki. Nag-smirk siya at bigla nalang naglaho na parang bula. Oh my Gash! Creepy. Nasaan na yung poging lalaki?

Pero ngayon ko lang napagtanto na nandito ako sa Park. May mga batang naglalaro, nagtitinda ng kung ano ano, malamang park nga eh -___-

At ayun! Nakita ko Iyah nakaupo sa gilid at kumakain ng ice cream. "Uy Iyah! Bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Uyy! Hello! Bakit? Bawal na ba dito?" Masungit na sabi nya.

"Tinatanong lang eh." Medyo inis na sagot ko. Tapos ay inalok nya ko ng ice cream.

"Sige! Gusto ko nyan, ang init eh. Rocky road ah!" Masiglang sabi ko.

Pumunta kami sa Ice Cream Store tapos nilibre nya ko, aba himala to ah. Nanlilibre na!

Habang enjoy na enjoy naman ako sa pagdila netong masarap na ice cream...

*kriiiiinggggg kriiiiinggggg*

Point of View: Kate Pascual

Bigla ako napabangon. Yes, napabangon. Panaginip lang pala lahat yun. Grabe, at nakita kong basa yung unan ko. Alam na! Boom panes! De joke lang asa naman kayo. Boom lang. >u<

Teka, ang naalala ko nalang yung nalunod ako tas may sumagip sakin, tapos yung ice cream. Argh, di ko matandaan mukha nung savior ko!! T____T

"Ate! Ate Indaaaaay!!" Tinawag ko si Ate na parang natataranta ang pagtawag ko sa kanya, katulong namin. Sila Mommy at Daddy kasi laging busy. Kaya madalas si Ate lang kasama ko sa bahay saka si Kuya Kenneth at Kuya Kennedy.

"Oh bakit?! Ano nangyari? May sunog? May magnanakaw? Nasan? Nasan?!" Loka-loka talaga to si Ate, nataranta nga dahil sa pagtawag ko sa kanya.

Kaya naman natawa ako. "Hahahaha! Baliw ka talaga Ate. Papapalitan ko lang po yung bedsheet ko." Sabi ko sa kanya.

"Nako ka talagang bata ka!" Sabi naman nya. Maalaga to si Ate Inday, ang bait bait!

Tumayo naman na ko, inayos na ni ate yung kama ko at pumunta na akong banyo. Gagawin na ang dapat gawin. Hilamos, toothbrush, suklay..

Tumingin ako sa salamin... Medyo maputi ako, hanggang bewang ang buhok, brownish ang kulay ng buhok. May pagkapointed ang ilong. Pinkish lips. May brace ako dahil hindi maayos ang ngipin ko, malamang! -___- Hindi payatot pero may laman naman. Kinulang din ako sa height T___T

Thanks God It's Friday! Holiday ngayon at syempre walang pasok. Yizz! Rak na itu! \(*o*)/ Saturday lang kasi ang wala akong pasok. Dalawang araw na bakasyon.

Paglabas ko naman cr naayos na ni Ate Inday yung kama ko, ang bilis ah!

*bzzzt bzzzt* (vibrate ng phone ko)

Knight in Shining Armor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon