Chapter 2

41 2 8
                                    

Chapter 2

Bocha nemen! Maki-kiss ko na talaga yung lapag!

Ayan

Ayan na

Ayan na talaga,

Wait, teka. Bat ang tagal? Wow! Am I flying? Is this for real?! ^o^

Syempre imagination ko lang yun. Oha, nagawa ko pang mag-imagine maki-kiss ko na yung lapag! -___-

Teka nga ulit! TAKE 2!! Pagmulat ko, wow! Nakaangat ako, may magic na ba ko?! Maya maya'y naramdaman kong may braso sa may tyan ko na sumusuporta sakin para di ako malaglag. Yung isang braso naman niya ay nasa likod ko. Ang isang paa ko naman ay nag-iinarte, nakaangat! Kaya naman, napatayo ako agad! At tinignan tong lalaki.

"Uhmm.. Thanks." Nahihiya ko pang sabi, eh pano ba naman! Ang awkward kaya ng position namin kanina. >///<

"Okay lang, next time mag-ingat ka Miss baka tuluyan mo ng mahalikan yung lapag." Sabi niya sakin ng nakangiti, na para bang nang-aasar. Aba loko to ah, nabiro pa ko.

"Eh kasalanan ko bang nakaharang tong pesteng wire na to, kainis!" Medyo pagalit kong sabi. Dinuro-duro ko pa yung wire sa inis ko. At inayos ang damit ko na para bang nalaglag nga ko.

"Nagpagpag ka pa ah, sinalo naman kita" asar naman nya sakin. Loko talaga to ah -___- at inirapan ko nalang siya at iniwan doon. Buset siyaaaaaaaa!

"Miss, teka lang may naiwan ka." Napalingon ako sa kanya, tinignan ang sarili ko. Wala naman akong naiwan ah? Nandito pa naman yung shoulder bag ko, yung dollshoes ko di naman lumipad suot ko pa din. At lalong suot ko pa naman panty ko, di naman nalaglag. Anong pinagsasabi ng baliw na to?

"Ha?" Nagtataka kong sabi. With matching taas kilay pa.

"Itong puso ko.." Banat niya habang nakalagay yung palad nya sa dibdib. Dukutin ko puso niya eh! >///<

"E-ewan ko sayo! Bwiset ka!" Yan na lang ang nasabi ko at inirapan ko siya.

Umalis na ko.

"Byee! Ingat ka Miss, magiging akin ka pa eh." Sabi niya sa akin kaya naman napahinto ako.

Aba, FC (feeling close) tong si Savior ko ah! >__<

Tumingin ako sa kanya, aba ang loko ngiting ngiti at nagwe-wave pa ng kamay. Kala mong friends na kami! "In your dreams, Mr.." Napaisip ako bigla, di ko pa nga pala siya kilala kaya inirapan ko nalang siya at naglakad na ulit. Baka kung ano pang sabihin niya eh.

"Fontanilla." Habol naman nyang sabi. Di ko na siya nilingon, bahala siya dyan!

Nasa 2nd floor ako ngayon, kaya kailangan kong bumaba kasi nagaantay na don si Kuya Roel, yung driver namin.

Habang pababa ako ng escalator...

"Hi Miss!!" Sabay kulbit sa balikat ko. Napalingon naman ako. Aba't, sinundan ako netong savior ko ah. Crush yata ako neto eh. Assuming lang? >///<

"Sinusundan mo ba ko? Crush mo ata ko eh." Biro ko sa kanya.

"Ah oo eh. Cute mo kasi." Baliw tong lalaking to ah! Di porke gwapo siya!! >///< "

"Oh natulala ka naman dyan, pogi ko no?" Tapos nagpogi sign pa ang loko!

"Nababaliw ka na!" Grabe taas ng self confidence pogi daw siya? HA HA HA HA. Pero totoo nemen. Hihi naglalandi ako >///< humarap nalang ako sa unahan, baka malaglag na naman ako.

Pero..

Huli na..

Madudulas na naman ako!

Pero eto na naman. May magic na naman ako.

Inalalayan ako ni Mister. Hindi ko asawa ah! Ang savior ko... For the second time.

Te-teka wait. Napabalikwas naman ako at umayos na ng tayo. Parang yung nangyari lang kanina.

"A-ahh! Thank you ulit." Sabi ko sa kanya. Nasa gilid na kami ng escalator ngayon.

"Ang careless mo pala no? Pano kaya kung wala ko? Malamang kanina ka pa napahiya. Tsktsk." Nakangiti sya habang nagsasalita. Ang saya talaga niya no? At feeling close pa, pero okay na din.

"Abnormal ka din no? Kung hindi mo ko kinausap, hindi sana ako madudulas." Sabi ko sa kanya. Hindi naman ako galit, tapos nginitian ko siya. Siya na to eh, ang savior ko! *u*

Natawa naman ako sa itsura nya. XD

o___o (siya)

"Huyy! Anyare? Para kang nakakita ng multo ah. Hahahahaha!" Matawa tawa kong sabi sa kanya, tumingin ako sa likod wala namang nakakagulat sa likod ko. Pero natatawa pa din ako sa kanya eh. Epic face! ^_____^V

"A-ah! Ang ganda mo kasi pag nakangiti." Sabay kurot niya sa pisngi ko. Ako naman ngayon ang nagulat sa ginawa niya. >///<

"A-aba! Loko ka ah! Di tayo close!" Tinanggal ko yung kamay niyang nasa pisngi ko. "Sige byee!" Aalis na sana ko pero pinigilan nya ko.

"Teka, anong pangalan mo?" Tanong nya.

"Kate." Maikling sagot ko, masungit na ko siya kasi eh. Tapos parang nag-aantay pa sya ng susunod kong sasabihin. Fine!

"Pascual. Kate Pascual po." Inasar ko sya kunwari matanda na siya. I found out na mabait naman talaga siya.

"Po?" Tas nag-sad face siya. Cuteee!

"Mukha ka naman pong matanda eh." Asar ko pa sa kanya.

"Sige, basta sabi mo po." Gumalang na din siya sakin. Ang kulit lang! ^___^V

*bzzzt bzzzt*

Tinignan ko naman yung phone ko. Patay! Si Kuya Roel pala kanina pa nag-aantay!

"Ahh una na ko ah, nag-aantay kasi yung driver ko. Bye! See you when I see." Tapos tumawa ako at nag-wave sa kanya.

"Sige bye! Ingat! Baka madapa ka na naman ah. See you next time!" Nag-wave din siya sakin at tuluyan na din akong umalis.

Nung nasa bahay na ko, sa kwarto ko. Naisip ko na naman siya. Ay teka, sino nga ba siya?! Enebeyen! Nakalimutan ko tanong pangalan nya. Natatandaan ko lang, Mr. Fontanilla huhu. Bat ko ba kinalimutan T___T ang pogi ng savior ko hayy *u*

Medyo gabi na rin ako nakauwi kaya naman pagkahiga ko, napapikit agad ako. What a tiring day.

Hayy inaantok na ko tal... Zzz

A/N: Sobrang antok naman yan Kate, tinulugan mo readers! Tsktsk

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Knight in Shining Armor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon