Chapter 1

2.1K 52 8
                                    


LOURD EROS HAVIEN

"Makes sure to finish everything until tomorrow, class dismissed." I said while avoiding eye contact with my students. Gosh, everyday is a torture.

Nagsimula nang magsilabasan ang mga estudyante ko habang ako ay busy sa pagaayos nang mga gamit ko.

This is my second year being a teacher pero hindi padin talaga ako masanay-sanay. Pero at least nabawasan na nang konti ang pagka taranta ko. Dati ay halos atakihin ako at mag hyperventilate (a rapid or deep breathing caused by anxiety or panic) tuwing haharap ako sa mga estudyante ko. I can't believe i'm a teacher. gosh!

Pagkatapos kong magayos nang gamit ay naglakad na ako paalis dahil may susunod pang magkaklase sa room na iyon.

I avoided eye contact habang naglalakad ako. I picture the place as a blur at deretso lang ang tingin ko. You can use that technique if you don't want eye contact. Hindi ako tumitingin sa mata nang tao or kahit sa mukha nila. Tumitingin ako sa mga non-living things. Madalas sa pader ako nakatingin. Am I weird?

My parents wanted me to be a teacher so here I am. I'm an IT graduate dahil yun ang gusto ko but my parents wanted me to teach instead.

Bakit ako sumunod? Dahil butihing anak ako. chos. But seriously, I did because I love them. Solong anak ako nila nanay at tatay. At pangarap nila ang magkaanak na teacher, sadly isa lang ako. So ang ending ako ang tumupad sa pangarap nila.

Hindi kami mayaman, hindi rin nakapagtapos nang pagaaral ang parents ko. They're both old too, pareho na silang senior citizen. Late kase silang nagka-anak. I guess i'm considered a miracle baby.

Si tatay ay nagtitinda nang ice cream habang si Nanay naman ay nananahi noon. Pero ngayon ay may sarili na kaming Ice cream parlor. Parepareho naming inipon para mapatayo iyon.

Their last wish was for me to teach. Pangarap ni Tatay na maghatid nang lunch sa school. Ewan ko ba dun, kaya kahit merong cafeteria ay hinahayaan ko nalang syang maghatid nang pagkain gamit ang bike nya. Ang sabi kase nila, mataas daw ang respeto kapag teacher ka kaya gusto nila akong mag teacher.

Ang sakin naman, kahit ano kapa dapat nirerespeto ka. Wala sa diploma yan. Pero hayaan nalang natin, dun sila masaya e. And I'm happy if they're happy.

"Hoy Maria Clara!" Bigla akong napapitlag nang kalabitin ako ni Daisy tapos ang lakas pa nang boses nang bruha.

"Ano ka ba naman! Bruha ka ang sakit mo sa puso. Ikaw talaga ang papatay sakin e." Naiinis na sabi ko sakanya at muling naglakad, sumabay naman sya sakin.

"Gaga ka e nilagpasan mo nga ako kanina. Ay Oo nga pala, bulag ka nga pala. Sige pinapatawad na kita." Mahabang litanya nya.

"Baliw." Sabi ko at napailing nalang.

Si Daisy ang kaisa-isang naging kaibigan ko simula college. Magkaklase kami sa minor subjects noon at simula nun ay ginulo nya na ang buhay ko.

Sya lang naman ang nanghihila sakin para lumabas nang bahay. Lagi nya akong bitbit sa mga school events kahit ayaw ko namang makisali. Spoiled kase yan kina Nanay kaya wala din akong magawa kundi sumama.

"San punta mo?" Tanong nya dahil lumiko ako papunta sa daan patungo sa gate.

"Sa gate—"

SelcouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon