LOURD EROS HAVIEN"Himala at talagang nauna ka pa sakin?" Sabi ni Daisy pagdating nya bago naupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa gym dahil may friendly game nanaman sina Summer.
Malapit na kase ang competition nang ibat-ibang school kaya naman nakikipag friendly game sila para mas lumakas at magkaroon nang ibang technique to beat the other teams.
And for once, hindi ako kailangang pilitin ni Daisy dahil kusa akong nagpunta. May klase ako ngayon at dumaan lang talaga ako habang vacant ko. I still have 30mins.
Kung bakit ako nandito? Syempre to watch Summer's game. At para na din mabantayan ko sya dahil laman padin sya nang tsismis. Hindi pa humuhupa ang balita about sakanya.
I never asked her about it. I just hugged her that time. Dalawang araw na ang nakakalipas pero mainit parin ang balita about sa pagkakakulong nya.
"Alam ko kasing pupunta ka dito. And vacant ko." Sagot ko kay Daisy.
"Sows, if I know. Si Summer lang ang ipinunta mo dito." Sabi nya kaya pinanlakihan ko sya nang mata.
"Manahimik ka nga. Baka may makarinig sayo, kung ano pang isipin." bulong ko sakanya
"Tapatin mo nga ako. Do you like her?" Nagiwas ako nang tingin dahil sa tanong nya. Ramdam ko din ang pagakyat nang dugo ko sa mukha ko, kaya alam kong namumula na ako.
"Uy... You're blushing! Oh My! Totoo nga?" Excited na sabi ni Daisy kaya kinurot ko sya sa tagiliran
"Pinagsasasabi mo dyan? Shut your mouth, will you?" Inis na sabi ko sakanya. Nanggigigil na din talaga ako sa isang to e.
"Uy si Summer nakatingin dito— huli ka balbon!" Tawang-tawang sabi nya dahil napatingin ako. Pero letse, hindi naman nakatingin si Summer e!
"Yang tawa mo mawawala yan kapag yung kamao ko na natikman mo. tsk."
"Kailan ka pa naging sadista? Ang Lourd na kilala ko ay sobrang tahimik at laging lumilipad ang isip. Pero ngayon matino kang kausap. Wow!" Inirapan ko nalang sya. Nakakainis na talaga!
"Fine, fine. I'll stop. Baka maging bayolente ka pa." sabi nya pero nagpipigil naman nang tawa kaya mas lalo akong nainis "Chill. Basta mag kwento ka ha.."
Tahimik lang akong nanunuod nang laban at minsang naiinis kapag nakaka score ang kalaban. Si Daisy naman ay parang fangirl na talagang todo sigaw.
Time out muna kaya itinuon ko muna ang pansin sa phone ko. I received a text message from Theo, saying that he'll pick me up later.
Nakarinig ako nang mga tili mula sa mga estudyante pero hindi ko na binigyan nang pansin. Lagi naman silang ganyan. Especially kapag nandyan si Summer.
Pero nagulat nalang ako nang may biglang naglagay nang jersey jacket sa lap ko. Napakunot ang noo ko at nang magangat ako nang tingin ay nakita ko si Summer na nakakunot ang noo sakin.
"What?" Takang sabi ko pero umiling lang sya na para bang hindi nya gusto ang nakikita nya.
"Next time don't wear skirt if you'll watch the game. tsk." Sabi nito bago naglakad paalis. Bumalik na sya sa bench nila.

BINABASA MO ANG
Selcouth
Storie d'amoreGxG (Teacherxstudent) A Introvert Professor and a Ex-convict Student. A teacher should be strict, prim and proper, can lead the class and a great speaker. But Lourd Eros Havien is just plain smart. Doesn't like talking in front of people, antisocia...