"I love you till the end of forever."
***
KIERAN'S POVThere's no such thing as love at first sight. 'Yung mga kumag kong kaibigan iyon ang parating bukambibig, lalo na kapag nakakakita ng magaganda. Pero wala namang ganun. Ilang beses na akong nakakakita ng magaganda pero hindi ko naman minahal agad.
I believe, you can't love a woman without even knowing about her. Or so... I thought.
"Makikiraan," mahinang sabi ko roon sa babaeng nakatalikod at nakaharang sa pintuan.
Gulat na napatingin sa akin ang babae. "Ay! Sorry." ani nito at umatras ng kaunti para mabigyan ako ng daan.
Saglit akong napatitig sa babae bago naglakad papasok sa aming classroom. Hindi pa ako nakaabot sa inuupuan ng mga kaibigan ko, na kaklase ko rin, ay tumingin muli ako roon sa babae. Nakita ko itong naglakad rin papasok sa classroom at umupo roon sa tabi ng bintana at sa babaing kulot ang buhok.
Umupo ako sa tabi ni Jake ay inayos ko agad ang bag ko at tumingin muli roon sa inuupuan nung babae. Kausap niya ang iba pa naming kaklase na malapit sa kaniyang inuupuan. I think it's they're her friends and classmates in grade nine.
Napatitig ako roon sa babae nang bigla siyang tumawa. I feel like everything turned into slow motion as I saw her shines bright while laughing. Nag-iwas ako ng tingin roon sa babae nang lumakas ang kabog ng puso ko at hindi ako makahinga.
I feel weird. Am I sick? Why do I feel like this?
Bumuga ako ng hangin at umayos ng upo nang pumasok ang adviser namin. Hindi pa nga nagsisimula ang klase may bumabagabag na kaagad sa akin. Tsk.
Nagpakilala ang adviser namin at pagkatapos ay inutusan kaming magpakilala sa aming mga sarili. Dani Grace Mariano. That's her name. A beautiful name that suits her. Bagay na bagay sa kaniya na maganda rin.
My lips form into thin line when I realize what I just thought. What's happening to me, maayos naman ang pakiramdam ko kanina, ah? Psh
When days turned into weeks and week into months. We became close. I mean, close ko na lahat ng mga kaklase ko. Masaya ang bonding namin sa classroom lalo na kapag tanghalian. We're not that close with Dani and I'm so thankful with that because everytime she's near to me, I feel very sick. It's not that I'm disgusted with her. It's just that, kinakabahan ako sa tuwing malapit siya sa akin. At hindi ko alam kung bakit.
Until Eli chose us to be part of our section's hiphop dancers. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang makita ko siyang sumayaw. Tangina. Ang galing niya sobra. I was so amazed that I complemented her. No, hindi lang pala ako, 'yung iba rin pala naming kaklase, at labis akong nagselos no'n.
That's when I knew that I already love her, simula pa lang ng klase. Alam kong na-love at first sight ako sa kaniya pero natatakot akong aminin sa sarili ko dahil alam kong hindi niya ako gusto. Parati kong naririnig ang mga kwento niya tungkol sa kaniyang 'crush' na kapitbahay niya lang. At ang sakit lang pero wala akong magagawa dahil hindi naman niya alam na gusto ko siya.
Araw-araw kaming nagpa-practice at umaabot pa iyon ng gabi. Mas lalo kaming naging malapit sa mga kaklase ko, lalo na kay Dani.
Hindi ako nagdadala cellphone sa eskwelahan dahil magagalit si Mama. Kaya kapag gusto kong maglaro ay nanghihiram nalang ako sa mga kaibigan ko. I usually borow Dani's cellphone dahil may laro siyang panglalaki. Kagaya ng Special Forces at Mini Militia. Minsan pa ay sumasali siyang maglaro sa amin. Nakakasabay siya sa mga larong panlalaki dahilan para mas lalo akong mahulog sa kaniya.