1

3 0 0
                                    



Tumatakbo ako, mabilis ang bawat tibok ng puso ko, kinakabahan na tila may tinatakasan.

" Lady Lilian. " sigaw ng isang katulong mula sa palasyo na siyang nag aalaga saakin.

Nag tago ako sa likod ng isang malaking puno, madamo sa lugar na ito kaya nangangati na ang aking binti. Puro pantal na rin ang aking katawan dahil sa lamok.

" Ahhh-..! " someone cover my mouth and hugs my waist.

" Sino ka? " lalaki... Kaagad akong lumayo sakanya at tumingin. Isang mahirap na lalaki.

" Anong karapatan mo para hawakan ako! " sigaw ko sa kanyang muka at inalis ang kanyang pag kakahawak saaking braso. Ngunit hindi ako nag tagumpay dahil mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

Hinawakan niya ako sa aking leeg at wala pang isang sigundo ay nawalan na ko ng malay. Bukod don ay may narinig akong yapak ng mga kabayo.

———————-

Nagising ako sa isang kwarto at hindi ko alam kung nasaan ako. Ngunit kung titignan ay maganda ang kwarto, halatang maharlika ang may ari. Napabuga ako sa hangin at inisip na ligtas ako sa kung nasaan man ako ngayon.

Sinipat ko ang katawan ko at napagtanto ko na wala akong suot na saplot. Mga gamot pamahid ang nasa aking katawan, dahil nga sa dami ng pantal at gas gas sa katawan ko.

Bumukas ang pinto at isang matandang babae ang lumitaw mula duon. " Gising ka na pala binibini. " ngumiti ito at inilapag ang pagkain sa gilid ng kama.

" N....nasaan ako? " tanong ko sa matandang babae.
Ngumiti ito saakin at yumuko.

" Nasa palasyo ho kayo ni Lord Marcus, siya ang namumuno sa bayan na ito. Pangalawang anak siya ni Duke Rodolf. " yumuko ito at kinuha ang damit pang babae. " ito ho ang ipinasusuot sainyo ng aming Lord Marcus, ito rin po ang kwintas ninyo. " kinuha ko yun at dali daling nag suot ng damit.

" Paano ako napunta sa lugar na ito? "

" isang linggo ka din na hindi gumising dahil sa lason ng halaman na naapakan mo. Mabuti nalang at anduon si Lord Marcus at iba pang kawal at nadala ka rito ng ligtas. " sila siguro ang mga narinig ko..

" M...may nahuli ba kayong lalaki? Isang marungis na lalaki. " nag tataka ang kaniyang mga mata

" ikaw lamang ang kasama ng Lord Marcus pag balik dito sa  Mansiyon " napa upo ako sa kama at pumukit dahil sa sakit ng ulo.

" Nasaang lugar ba ko, anong kaharian ba ito. " tanong ko sa matandang babae.

" Nasa kaharian ka ng Vensitch, isa sa mga nangungunang kaharian sa bansang ito. " ngumuti siya saaken at tumingin. " Ikaw? Sino ka ba? " tanong niya.

" a..ako si Lilian, Lilian Relish. Anak ako ng isang duke sa kaharian ng mga Relish pangatlong anak ako at bunso. Pag papaliwanag ko sakaniya.

" Kung gayon ay sa kabilang kaharian ka pala galing. Unang tingin ko saiyo ay napagtanto ko nang isa ka ngang maharlika. " kinuha nito ang hila hila niyang bagay at ibinaba ang pagkain mula roon. " kumain ka na at ng maipadala ka namin pabalik. " wika niya at umalis na.

Nakatapos na akong kumain at mag linis ng muka. Isang linggo. Panigurado na mananagot ako sa aking ama pag bumalik na ako.

**

:>

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Every Last SecondWhere stories live. Discover now