"Napakabagal Klaire Jaslene, nananadya ka ba?" Inis na tanong sakin ni Archer. Madaling-madali kasi si gago, ka-aga-aga pa kaya.
"Bat ka ba nagmamadali, isasapak ko sayo tong sapatos ko eh." Irap ko pa. Pinatong nya ang kamay nya sa ulo ko, na lagi nyang ginagawa, pero dahil kalahating gago at kalahating siraulo to, ang nakapatong na kamay nya sa ulo ko ay hinampas nya gamit ng isa nyang kamay.
Nag-vibrate pa ulo ko.
Mabilis ko syang siniko sa tyan bago pa makaiwas. Pero tumawa lang ang loko, hindi nasaktan.
"Isusumbong kita kay Kuya Jacen, epal ka!"
"Oh talaga ba? Edi magsumbong ka."
"KUYA JACEN! SI ARCHER NGA OH, HINALIKAN AKO." nakangisi kong sabi habang nakatingin kay Archer. Agad na nanlaki mata nya. Bago pa sya makatakbo ay hawak na ni Kuya ang tenga nya at piningot yon.
"Ikaw! Sabi kong wag mong aabusuhin tong kapatid ko." Gigil na sabi ni Kuya.
"A-aray Kuya J-jacen naman! Hindi naman yun yung nangyari eh!" sabi ni Archer habang hinihimas ang tenga nyang pulang-pula na.
Bleh! Buti nga sayo!!
"Pumasok na nga kayong dalawa, pareho pa kayong tatamaan sakin eh." Mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas kami ng bahay namin. Tiningnan ko si Archer kasi tahimik sya.
Hawak nya pa rin ang tenga nya at nakanguso.
"Panget mo Archer, umayos ka nga." sabi ko sakanya at tsaka tumawa.
"Ang kapal ng mukha mo, ikaw may kasalanan nito eh!" Dinuro nya pa ako na kala mo bata. Isip-bata.
"Bakit ka ba kasi nagmamadali? 8:30 pa lang kaya." tanong ko.
"Baka kasi Monday ngayon hano? May flag raising ceremony." sarcastic nyang sabi.
"Whatever Archer." Ginulo nya ang buhok ko at inakbayan ako. Naglalakad kami ngayon palabas ng village namin. Nasa labas pa kasi ang mga nakaparadang tricycle.
Pagdating namin sa school ay dumiretso na kami sa classroom para ibaba ang bag. May oras pa kami bago pumunta ng Gymnasium for flag raising ceremony kaya sa room na ang punta natin.
HUMSS student kami ni Archer, kasama nina Rianne, Jeno, at Theon. Kaibigan namin sila at nakilala nung high school. Maglalaw kami sa college lahat.
"Pre tara sa bahay nyo mamaya? laro tayo ml." bungad ni Theon samin pagpasok pa lang namin.
Mikael Theon Añonuevo, 17 years old at sobrang hilig sa online games. Gwapo sya at matangkad. Matalino naman pero hindi kayang magseryoso ng matagal. He had several girlfriends pero hindi din nagtatagal, nabobored daw sya.
Siraulo ampota, kapag nakarma to ako una tatawa.
"Sige tara." pagpayag ni Archer.
"Hoy sama kami ni Rianne aba." sabi ko habang nilalapag ang bag sa upuan katabi ng kay Riri at Archer.
"Sumama ka pake ko." Theon said. Agad syang nakatanggap ng batok sakin.
"Napakapangit mo kabonding Theon." sabi ko sabay irap.
"Goodmorning Klaire!" masiglang bati ni Rianne.
Rianne Maeve Abella, 17 din at medyo nerd dahil sa talino nya at glasses. Maganda si Rianne pero nahihiya syang ipakita yon. Ewan ko ba dito.
"Goodmorning Riri." bati ko pabalik.
"Nasan pala si Jeno?" dagdag kong tanong kay Ri, wala pa kasi sya.
"Bakit? Miss mo na ba ako Klaire babe?" sabi ni Jeno. Nagulat pa ako dahil nasa likod ko na pala.
YOU ARE READING
Hating The Rain
Roman d'amour"I always hated the rain, but this time I loathed it even more."