Chapter 34

818 23 3
                                    

Chapter 34

The Bliss

"Hack! Hack!" malakas kong tawag sa walanghiyang lalaking nagbibingibingihan ngayon dahil may ginawa na naman siyang kaiinisan ko. "Where's my daughter?!" Sa kabila ng tili ko, nanatiling tahimik ang paligid kaya napapadyak na ako sa sahig at nagmartsa papunta sa sala.

I saw some guards everywhere looking like statues who didn't even blink when I passed by. I got used to their intimidating presence after a while of seeing them in the house for 6 years. Yes, 6 years. I've been hiding for that long yet Hack still kept his promise. He stopped being my "informant" since I really didn't want to be pissed off more by Quentin's sweet words.

After giving birth to my daughter, I did some freelancing in some companies. Hack really helped us so much that I'm always having second thoughts on reprimanding him when he's doing something like this.

But that crazy asshole! Where the heck did he take my daughter this time?!

Lagi na lang akong nagigising na wala ang anak sa tabi ko at malalaman ko na lang na kung saan-saan niya na ito pinapasyal o 'di man kaya'y sinasama niya pa sa trabaho. One time I even caught him teaching my daughter how to kill some zombies in a shooting game. Naglintanya ako nang iilang araw dahil doon pero binalewala lang ni Hack iyon. Pasok sa tenga, labas sa kabila.

Iniisip ko tuloy kung magandang ideya ba na siya ang tumayong ama ng anak ko nang ilang taon.

"Papa Hack!" rinig kong tili ng isang malambing at magaang boses mula sa gaming room ng loko. "Papa Hack! Don't die!"

Nanlaki ang mga mata ko at patakbong pumunta sa kinaroroonan nila.

"Uquia!" tawag ko sa anak kong kasalukuyang hinahambalos ng maliit na unan ang natutulog na si Hack. "What are you doing?!" As I neared, my mouth opened in shock when I saw Hack as white as sheet while lying on the cold tiled floor. "Hack!" My panic made my voice tremble. "Hack, buhay ka pa ba?! Nasa last will mo ba na bayad na ako sa utang ko?!"

"Papa Hack! Don't die! You promised to buy me noodles!"

"Seriously?" Hack mumbled and slowly opened his eyes. Parang maiiyak ito na ewan habang nakatingin sa amin ni Uquia. "I'm dying here and you're thinking about food and money?!"

Uquia giggled and hugged Hack's arm. Her bright brown eyes shimmered as she gave Hack a cute smile.

"Papa Hack, don't be angry. Mama and I are just joking," paliwanag ng limang taong gulang na bata at mahinhing inipit ang kanyang itim na buhok. "And money? I'm too cute to think about money."

"Cute?! Cute?!" bulalas ni Hack habang nanlalaki ang mga mata. "You tried to kill me!"

I blinked in shock.

"What the hell are you telling my daughter, you asshole?!"

"Yeah! Papa Hack is an asshole!"

Napahilamos siya sa mukha habang tinititigan kami nang mabuti.

"Mga amazona!"

Smack!

~

"Frosty, ano ba naman 'yang anak mo daig pa ang lalaki sa kabruskuhan!" reklamo ni Hack habang tinitingnan si Uquia na pinaglalaruan ngayon ang mga plastik na baril. Nanlamig ako nang makita itong umasinta sa isa sa mga bodyguard gamit ang baril-barilan. "Oh! Princess! Aim good!"

Nabatukan ko naman si Hack kaya napakamot ito sa ulo at sinimangutan ako.

"This is all your fault, Hack," I said with gritted teeth. "Tingnan mo 'yang anak ko tomboy na tomboy!"

Blind Bliss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon