Minuto mula ng huling buntong hininga mo
Doon na natatapos ang ating kwento
Mamamaalam tayo sa salitang ikaw at ako
Dahil nakakulong tayo sa sildang itoSildang may batas na dapat sundin
Na kung hindi, ay maghihirap lang din
Marahas, madugo ang mararanasan
Kung wala sa atin ang lilisanHanggang tumakbo na lamang ako papalayo
"Mahal patawad nais ko, lang sagipin ang iyong pagsuyo"
Mula sa araw na hinilom mo ang aking puso
Ngiting pinagkaloob mo kung ang ulap ko ay nabibigoWala ka ngang nagawa sa aking paglisan
Sambit mo lang "mag-ingat ka, balang araw tayo'y makakawala, ngunit mahal wag mo sana akong iwan"
Ngunit kung talagang kailangan mong lumisan
Ako'y bilanggo sa ating pagmamahalanTuloyan na nga akong iginapos
Lahat ng pangarap natin ay natapos
Ramdam ko ang hapdi ng iyong haplos
Nagbabaga na pilit mong isayosNagkatinginan nga tayong dalawa
At nasaksihan natin ang mga madla
Mga matang mapanghusga
Mundong galit sa masayang wakas na storyaAng bawat tunog ng pusas
Nawala ang ipinta mong rosas
Ang pinangarap na bukas
Lahat ay kumukupasHagolgol na sumisigaw
Hindi man lamang makagalaw
Damdamin ay umaayaw
Ngunit wala nang dumalawNauwi nalang tayo sa rehas ng silda
Naghahap ng may makaalala
Mula sa naiguhit nating alala
Kwentong nasa gilid ng ating mga mata
YOU ARE READING
KATAHIMIKAN
RomanceHango sa totoong tao. Purong ikaw, na humahangad sa balang araw. Napapagod at nagugunaw pero nagpatuloy Humakbang. Sumulong. Lumalaban