Chapter 13.1:

217 3 0
                                    

Takumi’s POV

Kagagaling ko lang kina Czenah. Sa mga narinig ko kay Czenah, sapat na ito para makapag isip ako.


Si Lugene.

Kaibigan ko siya. Matalik na kaibigan na nga halos. Sa aming limang magkakabarkada, siya ang una kong nakilala. I mean, childhood friend ko na siya bago ko pa nakilala ang iba. Alam na alam ko lahat ng tungkol sa kanya pati na rin sa mga ginagawa niya kay Natnat.


Si Natnat.

Kaiisa isang kapatid ni Lugene. Isang napakaimportanteng babae sa buhay ng kaibigan ko. Simula pagkabata, nakikita ko na kung gaano kaoverprotective ni Lugene kay Natnat. Nung lumipat nga si Natnat ng school noong nursery sa BPA, pinakiusapan niya akong bantayan si Natnat total naman nasa school namin ang huli lumipat ng school. Yan ang dahilan kung bakit ayaw sa akin or shall we say na galit sakin si Natnat dahil kasabwat daw ako sa mga kahibangan ng Kuya. Kaya kahit kelan hindi niya ako tinanggap sa buhay niya. Lagi niya akong pinagtatabuyan katulad ng pagtataboy niya sa Kuya niya. At kahit kelan hindi niya tinanggap ang pagmamahal ko sa kanya. Yes, inaamin ko na si Natalie Sanchez ang first love ko. Isa rin siya sa dahilan ko kaya naging ganto ako sa babae. Siguro dahil na rin sa sobrang nasaktan ako dati, naging cold ako sa kanya. Ganun din naman siya sa akin eh… palagi naman.

Pero wala na sakin yun ngayon. Ang problema ko ay  si Czenah. Baka kung anong gawin ni Lugene kay Czenah. Bakit kasi hindi ko agad naisip na kapatid nga pala ni Natnat si Lugene at hindi ko rin naisip na magiging close si Natnat kay Czenah. Nahihirapan ako sa mga mangyayari. Ayokong saktan ni Lugene ang princess ko. Kilalang kilala ko siya, lahat gagawin niya maprotektahan lang si Natnat. Kahit pumatay ng tao, kaya niyang gawin at natatakot ako sa posibilidad na sobrang masaktan si Czenah.

Haizt!

Pero wait… Sasaktan ko rin naman si Czenah pagdating ng panahon. Argh! Kaya Takumi wag kang kaisip isip kasi wala lang naman sayo yun. Sasaktan mo rin naman siya eh, at isa narin yung paraan para sa paghihiganti namin sa kay Czenah.


“TAKUMI!”


Haizt!

Badtrip naman… Nageemote ako dito eh. Naglalakad kasi ako palabas ng subdivision nila Czenah at sino namang itong tumawag sakin? Matingnan nga ng malaman.

??: ^____^

-____-

Takumi: Ang lawak ng ngiti mo ah.

Inakbayan niya ako pagkalapit niya sakin.

Sept: I saw you earlier, sa clubhouse… kamusta naman ang pakikipaglapit?

Oo nga pala. May girlfriend si Sept sa subdivision na ito, kaya yan nandito. Tsk! Nakita pa niya ako dito.

Takumi: Wala ako sa mood magkwento. Tawagan mo na lang sila. Inom tayo sa Chartreuse Club.

Sept: Sure. Gusto ko yan. Treat mo. ^___^

Takumi: Fine -___-

Tinawagan na ni Sept ang barkada. Lima lang naman kami kaya ok lang. hindi na ako mamumulubi. Hehehe. Kahit papano marunong din naman ako magtipid.

Takumi: Nasan ang car mo?

Naglalakad kasi kami kaya napansin ko.

Sept: Iniwan ko sa condo eh. Ako kasi ang nagdrive ng car ni CC. Eh yung iyo nasan?

The Heartbreaker Meets The HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon