Chapter 3

21 2 0
                                    


----

I went inside of our room, giggling to myself. Sa totoo lang, madali akong magka crush sa tao. Hindi siya exemption, dahil siguro malapit siya sa ideal type ko. And to receive that kind of text from someone na hinahangaan ko, it feels unreal. Isa pa, napapaisip ako na bakit ang dali ko siyang makausap? Kahit na sabi ng iba na suplado talaga siya at hindi mo totally makakausap? Ganda ko siguro para maging exempted.

I was drown to my own world and thoughts when Sir Ralph came.

"Good morning everyone," he greeted which we also greeted him back. Isa-isa siyang nag roll call before he decided to group us to five. "Your very first reporting is the Introduction of Accounting. Gusto ko i-report niyo ito, in your own way. Kayo ang bahala but I hope, you guys will be creative okay? Iyong hindi kayo pare-pareho ng mga explanations and sasabihin," dagdag niya pa. Everyone scattered so we couldn't hear Sir Ralph's voice here in our row.

"Everyone settle down!" Sir Ralph yelled. Napatahimik naman ang lahat. "I will be the one to group you, hindi kayo." Sir Ralph took his attendance list and started calling names. I just hope na maging kagrupo ko kahit si Talia o si Dennise o silang dalawa nalang.

"Kaye Leigh Dela Fuente, Kristan Mustacisa, Dennise Gabianna, Gian Gomez, Natalia Casas," Sir Ralph looked at me as he started saying our name and he pointed at me. "Dela Fuente, ikaw leader." I was gaping at him before nodding slowly.

I bit my lips as I started jotting down the names. I'm happy that Talia and Dennise are my group mates, pero nasa akin ang pressure. Ginawa pa akong leader, eh wala naman akong kaalam alam dito.

"Leader, meeting tayo mamaya ah?" Bulong ni Dennise sa'kin na may pang asar, sumimangot lang ako sa kaniya kaya natawa siya.

"Go to your group mates," si Sir Ralph.

Nakita ko namang lumapit si Talia sa amin kasabay ang dalawang lalaki pa. Napatingin naman ako sa kanila na parang nagmamakaawa.

"Hindi ako magaling mag lead guys, baka pwede naman..." I even pouted. Kristan just smirked at me and shook his head. Talia just smiled, while Dennise and Gian looked away. Napabuntong hininga ako sa inasal nila. Wala talaga akong choice.

"Ikaw na. You can do it!" si Talia. The other three just nodded their heads.

"Isa pa, nandito naman kami eh. Magtutulungan tayo rito," pag-upo ni Gian sa harap ko. They all sat down around me as we started talking about our plan.

"Kung mag start tayo mamaya sa plano? Or research din?" Talia suggested. Everyone was giving their own opinions and that made me feel at ease. At least alam ko na hindi lang ako rito ang nag iisip, kahit papaano.

"Sa library, pwede r8n naman tayo mag hanap ng mga libro do'n atsaka kumuha ng mga kailangan nating isulat," si Dennise habang nagsusulat ng mga topics na irereport.

"Hindi ba dapat through ppt nalang? Do we really have to report using cartolina or manila paper? Hindi na tayo High School---"

"Who said you'll be reporting it by writing it down to a Cartolina or Manila Paper?" Sir Ralph cut Kristan off. "Of course sa PPT! Sino pa ba nagsusulat ngayon? Pinapahirapan niyo pa sarili niyo," everyone sighed in relief.

"So, mamaya tayo after class mag paparte parte ng irereport natin. Kailan ba tapos ng class niyo? Ako mga 5:30," si Gian.

"4:15 naman ako," si Dennise na busy parin kakasulat ng mga topics.

"Sa alas singko naman ako," si Talia na nakatingin lang sa sinusulat ni Dennise.

"Same, 5:30. Ikaw?" Tanong ni Kristan sa'kin. So I really have to wait them?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trouble in Rodeo Station (Fangirl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon