Chapter 2

20 3 0
                                    


----

"Anong nangyari? Bakit natagalan ka? Nandoon iyong Business ah?" turo niya sa bandang pinuntahan namin kanina ni Reiden. Malaking ngiti ang iginawad ko sa kaniya at ipinakita ang libro. She look at me weirdly before sitting down.

"Ano ba gagawin natin?" Inagaw niya iyong libro sa'kin at siya na ang naghanap.

Nang lilingunin ko sana siya ay nahagip ng tingin ko ang dalawa na paupo sa isang table habang seryosong nag-uusap. Nakanguso ko silang sinundan ng tingin. Seryosong seryoso sila na mukhang nag-aaway pa sa kung anong pinag uusapan nila. Binaling ko ang pansin ko sa ginagawa namin at nag focus nalang doon.

Nang makauwi ako ay tinapon ko ang bag ko sa kung saan at pabagsak na humiga sa kama. Nakakapagod kahit first day palang. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang iilan na mga messages sa mga group chats ko.

All Baekhyun Got

Yup, 'yan iyong name ng Group Chat namin, mga Baekhyun bias hehe.

Dennise: Kaklase ko nga pala si Kelly hahahaha

Julianne: Ay college na pala kayo mga ate 'no? Kumusta naman?

Dennise: Since first year kami, syempre naninibago sa surroundings. Pero alam niyo ba, may gwapo kaming schoolmate hahahaha

Ariane: oh? Tapos nilandi niyo ba? HAHAHAHA

Dennise: third year 'yun. Baka mawalan kami ng respeto hmm char

Roxanne: wala namang mawawala kung it-try niyo charot silent c

Dennise: Mukhang interesado nga si Kelly eh hahaha

Rei Ann: Hello mga ateeee! First day palang pero haggard na akez. Nakakamiss noong summer kasi tamang spazz lang huehue
Sino ba 'yan? Introduce muna sa'min. Baka gustuhin namin char

Ako: ang babata niyo pa, harot agad. Siyempre kay Baekhyun lang ako 'no? Pero why not din naman kay papi na 3rd year Engineering hehe

Dennise: Ang harot talaga neto hahahaha

Natawa ako sa message ni Dennise. Tumagilid ako at patuloy na nagbabasa sa mga messages nila.

Rei Ann: Anong pangalan? Search namin sa facebook hahaha

Dennise: Reiko daw eh

Rei Ann: Reiko?

Ako: Nagkausap kami kanina sa Library. Correction pa nga. Reiden daw name niya hahaha

Rei Ann: teka pota?

Julianne: Bakit? 'tong batang to

Ako: Ano? Minumura mo ba ako ha? Kick out kita dito

Rei Ann: Hindi ate. Wait. Reiko? Reiden? Kapatid ko ata 'yan eh. Ano ba full name?

Ako: Weh?

Dennise: Seryoso? Oy! Kelly nandito kapatid HAHA

Napabalikwas ako dahil doon. Magrereply na sana ako kung hindi lang ako tinawag ni Mama.

"Kelly! Bumaba ka muna dito!" Mabilis akong tumayo at bumaba. Kinakabahan kong hinawakan ng mahigpit ang railings ng hagdanan nang makaapak ako sa huling palapag.

Trouble in Rodeo Station (Fangirl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon