BAnGIN

19 0 0
                                    

sa isang campus may isang babae at isang lalake na tinuturing ng lahat na pinaka-crush ng bayan dahil sa sobrang kagandahan at kagwapuhan.

Hindi lumaon ay nagkatuluyan ang dalawa. Nang sila ay magpakasal, pinlano nila na mangibang bansa. 

Doon nga ay nabuntis ang babae. Excited silang parehas para sa inaantay nilang anghel. Nang ipanganak ang bata, laking gulat nila ang pagkapangit na itsura ng babaeng sanggol. Dala ng iniisip na magiging kahihiyan, napag-desisyunan ng mag-asawa na huwag ipamalita ang anak at huwag nang bumalik ng Pilipinas para hindi makita ng iba ang pangit na bata.

Lumipas ang tatlong taon, nag-outing ang pamilya. Habang papaakyat ng bundok ang kanilang sasakyan, kinausap ng bata ang kaniyang ina.

Bata: Mommy, gusto ko po mag wee wee.

Itinabi ng ama ang sasakyan upang pag-bigyan ang hiling ng bata. Bumaba ang mag-ina upang maka-ihi ang bata. At dahil papaakyat sila ng bundok, doon sa malapit sa bangin nagpunta ang mag-ina. Nag hubo ang bata, umupo, at umihi.

Habang umiihi ang bata, nagkatinginan ang mag-asawa at wari’y parang nagkaintindihan sa nais mangyari. Ang ihulog ang bata sa bangin. Tutal, wala rin namang nakaka-alam tungkol sa bata. At ganun nga ang nangyari, inihulog ng walang pusong ina ang kaawa-awang bata sa bangin.

Lumipas ang isang taon ay nagkaroon ulit sila ng bagong anak. At sa pagkakataong ito, sobrang perpekto sa kagandahan ang babaeng sanggol. Tuwang-tuwa ang mag asawa. Alagang-alaga nila ang bagong anak.

Lumipas ulit ang tatlong taon at namasyal muli ang pamilya. Parehas ng dati nilang pinuntahan. Habang papaakyat, nagsalita ang bata.

Bata: Mommy, gusto ko po mag wee wee.

Dali-daling huminto ang ama. Bumaba ng sasakyan kasama ang mag-ina. Nag hubo ang bata, umupo, at umihi.

Todo hawak at bantay ang ginawa ng mag asawa upang proteksyunan ang magandang anak. Habang naka-upo ang bata, bigla itong natigilan, tumingala sa kaniyang ina, tinitigan ng mata sa mata, sabay sabing: "huwag mo na po akong ihuhulog ulit ah."

LOVE❤❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon