'Lo Kain Na: Ang Unang Tikim

70 10 0
                                    

'Lo, Kain Na: Ang Unang Tikim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Lo, Kain Na: Ang Unang Tikim


Nakabibinging mga yapak ng paa, bulyaw, at katok ang laging gumagambala sa uugod-ugod na si Lolo Pilo. Paglihis ng mukha na naman ang kaniyang naging sagot nang akma siyang susubuan ng kaniyang apo na si Karding.

Habang bumababa ang binata, dala-dala ang pagkaing hindi man lang nagalaw ng kaniyang Lolo, tahimik na nag-aantay naman ang kaniyang Ina na si Kristina.

"Kumain ba?" tanong nito.

Tanging aburidong mukha ang binigay ng binata sa kaniyang Ina.

"Aba'y kung ganiyan siya nang ganiyan, hindi magtatagal maaring magkasakit na ang Lolo mo" muling sambit ng kaniyang Ina na may pag-aalala.

"'Di ko na alam kung ano ang gagawin, naaawa na akong nakikita siyang ganiyan. Wala naman akong magawa kung hindi pilitin siya araw-araw"  tugon nito.

Si Lolo Pilo ay dating esperetistang may kakayahang tumawag ng kaluluwa at gamitin ang kaniyang katawan upang makipag-usap sa isang yumao. Ang kaniyang katawan din ang nagiging midyum o nagsisilbing tulay upang maka-usap ng pamilyang naulila ang kanilang mga namatay na mahal sa buhay. 

Naging isa rin siyang kilalang manggagamot sa kanilang probinsya. Siya'y naging tanyag sa kaniyang dunong at galing. Marami na rin siyang natulungan at bunga ng katandaan, minsa'y hindi niya na rin ito kayang gawin o minsan ay nagkakamali na rin.

Sa pag-usad ng panahon, ang dating nangungusap na mga mata ay lumabo, ang malalaking bisig ay unti-unting naglaho at tuluyang nanguluntoy at rumupok ang dating matipuno at mistulang matayog na puno. Naging purong kulay-bulak ang mga buhok, humina ang pandinig, at kapansin-pansin rin ang pagkawala ng mga paningin ni Lolo Pilo.

"'Nay, ano ba talaga ang nangyari kay Lolo, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"  tanong ni Karding sa kaniyang Ina habang nililigpit ang pinagkainan ng kaniyang Lolo.

"Hindi ko alam, naguguluhan na rin ako, anak. Abot langit na rin ang pag-aalala ko sa kaniya. Ang isipin na lang natin ngayon ay kailangan tayo ng Lolo mo, ngayon niya tayo lubos na kailangan" mahinahong sagot ng kaniyang Ina.

Dahil para kay Kristina maaring bunga lamang ito ng katandaan na siyang hindi naman matanggap ng binata. Sa naging sagot sa kaniya ng Ina, hindi naging maayos ang naging timpla ng kaniyang mukha.

"Eh ako lang naman ang laging umaalalay kay Lolo, hindi ko maramdaman yang pag-aalala na pinagsasabi mo."

"Ano ba talaga ang totoo?! Sa araw-araw na pag-aalaga ko sa kaniya, alam kong may mali kay Lolo. At sa bawat araw na lumilipas, lagi kitang tinatanong, alam niyo po yan 'Nay, lagi akong aligaga sa paghahanap ng sagot, ng lunas, para kay Lolo! At wala ka man lang ginagawa!" giit ni Karding.

Sa puntong ito, tumaas na ang tensyon na bumabalot sa mag-ina, hindi niya na rin mapigilang magtaas ng boses at wala na ring nakapigil sa pag-agos ng kaniyang mga luha.


ipagpapatuloy...



Hango sa mga sulat at titik ni:

M.A. Yazar


Para sa kaalaman ng lahat, ito po ay isang dagli subalit akin po itong siniksikan ng mga dayalogo at mas dinagdagan ko ng mga kaganapan upang mas lubos ninyong maunawaan.

Salamat!

'Lo, Kain NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon