KABANATA II: Ang Pangaral

56 9 0
                                    

KABANATA II: Ang Pangral

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA II: Ang Pangral


Agad na tumayo ang binata na punong-puno ng galit at pagkasuklam sa Ina at tumalikod upang matago niya ang kaniyang pumapatak na mga luha na dahan-dahan nang bumubuhos. Batid niyang hindi ganito ang kaniyang Lolo Pilo noon, at hindi rin ito maaring mangyari ng dahil lang sa katandaan. 

Mahirap man tanggapin, pero para sa kaniya, hindi na ito ang Lolo Pilo na kaniyang kilala at malakas ang kaniyang kutob na may hindi sinasabi ang kaniyang Ina.

"Ay apo! Naririnig mo ba ang sarili mo, Karding!? Pareho tayong nahihirapan sa nangyayari sa kaniya, pero hindi ko lang ito ipinapakita kahit kanino, kahit kay Itay at maging sa iyo!" sagot ng kaniyang Ina na hindi na rin napigilan ang sarili.

Ang dahilan kung bakit tuluyan nang huminto ang nasabing Lolo sa kaniyang ginagawa ay dahil hindi na nito magawa nang maayos ang panggagamot. 

Mula noon, buong araw nang nakakulong ang matanda sa kaniyang kwarto, tila ba'y naging hawla ang kaniyang silid at si Lolo Pilo ang hayop na nakakulong. 

Lagi itong nakatulala at laging wala sa sarili. Katulad nang naging daing ni Karding sa Ina, wala na rin itong ganang kumain, kahit maligo at lumabas man lang ng bahay o silid.

"'Di ko na kaya yung ganito, 'Nay..," malungkot na sagot ni Karding sa Ina habang pilit na kinakalma ang sarili sa nangyayari

"...pagod na pagod na 'ko, akala mo ba hindi ko naririnig na ang ating pamilya ay laging nagiging laman ng usap-usapan sa buong bayan?" at bigla itong napaupo sabay bukas ng isang agnos na nakapaloob ang kanilang larawan kasama ang kaniyang Lolo Pilo. 

Ang agnos na ito ay regalo mismo ng kaniyang Lolo Pilo, ito ay laging nakasabit sa kaniyang leeg na kaniyang dala-dala saan man siya magtungo. Ayon sa matanda, magsisilbi itong proteksiyon sa kaniya sa mga masasamang loob, masamang espirtu, at sa mga engkanto o mga nilalang na hindi nararapat na mamalagi at mamuhay nang normal kasama ng mga tao.

Sa mga puntong iyon, habang kaniya itong hawak-hawak, naging sariwa sa kaniyang mga ala-ala ang mga sandali noong binigay ito sa kaniya ng matanda. 

"O Karding pumarine ka nga,"  

"Bakit po, 'Lo?"  

"May ibibigay ako sa'yo pero gusto ko lagi mo 'tong isuot, naiintinidhan mo ba ako? Akin na yang mga palad mo"  

Sabay inabot ni Karding ang kaniyang palad na noon ay isa pang musmos. Pagkalagay at pagkalagay sinara ito ng manggagamot na siyang nagbigay kaba sa batang si Karding.

"Takot na takot ka ata?"  

"Eh kasi baka nangangagat po ito"

Pagkasambit nito ay napangisi ang kaniyang Lolo at marahang inaktuhan ang kaniyang apo na maupo sa kaniyang tabi. Sa harap ng kanilang dungawan habang tirik ang haring araw at mababanaag ang masarap na simoy ng hangin ay narinig niya ang isang aral na bigay ng kaniyang Lolo na magpahanggang ngayon ay hindi niya kinakalimutan.

"Alam mo apo, tunay na nakatatakot ang mga bagay na hindi natin nakikita o mga bagay na nasa dilim at misteryoso. Ngunit sa mundong ito, mas nakababahala ang akalain mong ika'y mulat ngunit ika'y patuloy na bulag sa kung ano ang totoo..."

"Ang mga bagay na nasa dilim ay madaling makita sa pagsapit ng umaga, o sa pamamagitan ng liwanag mula sa gasera, ngunit ang mabulag sa isang katotohanan na ikaw lang ang hindi nakasasaksi ang dapat mong ikapangamba" ani ng matanda.

"Ang liwanag mula sa gasera ay madaling hanapin, madaling kunin at madaling mahagilap.  Gustuhin mo man o hindi ang pagsikat ng araw sa umaga ay mangyayari't mangyayari. Nakukuha mo na ba ngayon ang aking gusto ipunto?"  tanong ni Lolo Pilo.

Unti-unting nag-isip nang taimtim ang noong musmos na si Karding at kaniyang inuusisa nang malalim ang naging pahayag ng kaniyang Lolo. 

"'Lo, sirit na" sabay kamot sa ulo at kapansin-pansin rin ang pagkalito sa mga mukha ng batang si Karding.

"Nasa harapan mo na ang aral, apo" sabay turo ng Lolo sa mga mata ng binata.

"Mulat ang iyong mga mata, malakas pa ang iyong mga pandinig, dinig pa at naiintindihan ko pa ang sinasambit ng iyong mga bibig, ngunit bulag ka sa katotohanan at karunungan na nasa iyong harapan. Sa tingin mo ano ang mas kailangan nating buksan maliban sa mga nabanggit ko?"

"Isip?" usisa ni Karding

"Tumpak. Pakatatandaan mo ito, apo, nakatatakot mawalan ng paningin, manghina ang pandinig, maglaho ang iyong tinig, mabalian ng buto, o habambuhay na malumpo. Subalit ang mas dapat nating katakutan ay ang pagkakaroon ng sarado at pag-iisip na limitado."

"Dahil kung ang pagkawala ng paningin ay agad nating malulunasan o mapapansin, ang pagkakaroon ng saradong isip ay kailanma'y hindi malulunasan sa isang agarang ihip" pangaral ng kaniyang Lolo.

Habang tulala ang binata buhat ng kaniyang mga naalala mula sa kaniyang pagkabata, unti-unting lumapit naman ang kaniyang Ina at hinaplos ang kaniyang balikat nang marahan. Sa ganitong paraan pansamantalang nahimasmasan ang dalawa.

"Lakasan mo lang ang loob mo, anak."  ani ni Kristina.

"Sinubukan ko nang lumapit sa ibang manggagamot ngunit hindi man lang nila ako pinakinggan, walang gustong tumulong kahit isa" dagdag pa nito.

Noong naging kilalang mangagamot ang kaniyang Lolo, marami rin itong naging kasamaan ng loob dahil mas maraming naging pasyente ang kaniyang Lolo na naging ugat ng selos at galit ng karamihan sa mga manggagamot sa kanilang probinsya.

"Pero.."

"Paano kung tama nga sila, paano kung..."

"Walang demonyo, walang engkanto, walang kinulam o binarang sa pamilyang ito! Naiintindihan mo ba ako, Karding? Walang mabuting maidudulot ang pakikinig sa iba dahil unang-una hindi nila kilala ang Lolo mo!" depensa ng Ina na siya ring matagal nang  ikinakagalit ni Kristina dahil sa lagi itong bukambibig ng binata na hindi niya lubos na pinaniniwalaan. 


ipagpapatuloy...


Hango sa mga sulat at titik ni: 

M.A. Yazar


'Lo, Kain NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon