'Ateee sige na samahan mo na ako pleeeease? Hindi ako papayagan ni mama na umalis na di ka kasama'. pagpapacute ng kapatid ko. 'San ka ba kasi pupunta eh gabing gabi na?' Para namang may bulate ang batang to at hindi mapirmi dito sa bahay gusto laging nagliliwaliw sa labas.
'Manonood ako ng motor race eh ayaw akong payagan ni mama hanggat di ka kasama, kaya sige na samahan mo na ako.' wala akong hilig sa mga motor at karera na yan bukod sa delikado eh sayang ng pera. 'Kalalaki mong tao kailangan pa kitang samahan? bakla ka ba? di mo kaya sarili mo?' nagpapadyak naman siya na parang bata 'Ate naman eh! di nga ako papayagan ni mama. Ngayon lang promise.'
'Tawagan mo si Kuya Macoy mo, dun ka magpasama'. nagtalukbong na ako ng kumot dahil antok na antok na ako pero itong kapatid ko uminom ata ng sandamakmak na enervon at panay ang pangungulit. 'Busy si kuya macoy sa thesis niya. Kaya ikaw na lang. Sige na please? Hindi mo na ba ako love? Ako nga lang ang kapatid mo di mo pa mapagbigyan. Simple nga la-' Eto na naman ang speech niyang may pakonsensiyang taglay.
'Hep! magpapalit lang ako ng damit' pinigil ko na siya sa litanya niya. Kun di ko lang kapatid to ibibitay ko to ng patiwarik para matigil ang kaartehan.
'Yung kapatid mo Alex ha. Bantayan mo wag mong ilalayo ang paningin mo sa kanya. Mag-iingat kayo ha. Wag magpapagabi' Ito naman si mama parang di tumitingin sa orasan dis oras na nang gabi eh anong wag magpagabi ang sinasabi niya?
'Opo, ako na po ang bahala kay Tobi, tatalian ko kung kinakailangan.' Tumango tango naman si mama. 'Sige sige ingat kayo, pasalubungan niyo ako ng popcorn ha' Napailing na lang ako. Manang manang talaga si tobi sa kaniya. Ay ewan. Nagpaalam na kami at etong kapatid ko naman parang kiti kiti. Happy much? Ay ewan.
Pag dating namin sa lugar andaming ng tao kahit malalim na ang gabi. May mga food stalls din. Maliwanag ang lugar. Parang fast and furious ang dating ng place pero instead kotse eh motor ang nagkakarera. Nakakabingi ang tili ng mga babae dito na parang di tinatablan ng lamig sa mga pacroptop nila. Kamag anak ata nila si Elsa of frozen. 'Ate dun tayo! Andun yung mga friends ko' Hinatak niya naman ako papunta sa mga 'friends' niya kuno. 'Ang tagal mo naman Tobi, kanina pa nagsimula yung race'. Tinapunan naman ako ng tingin ng mga 'friends' niya. 'Eh ang tagal ako payagan ni mama eh hanggat wala akong chaperone' kinurot ko nga sa tagiliran eh di umaray siya. Pilyo kang bata ka ha.
Eleven forty five na nanggabi at inaantok na talaga ako bumabalik lang ako sa wisyo sa tuwing sumisigaw ang crowd ng kani kanilang cheer sa trip nilang racer. Nagpaalam muna ako sa kapatid ko na bibili ng popcorn ni mama dahil uuwi na kami mamayang twelve. 'Dito ka lang, pagbalik ko na wala ka di na kita ulit sasamahan.'
'Oo na, sige na di naman ako a-, whoooo ang lupet!' pambihira talaga ang batang to. Naglakad na ako papunta sa mga food stalls. Medyo malayo sa pwesto namin ang stall ng nagtitnda ng popcorn, nasa bandang dulo na siya kaya nilingon ko muna ang kapatid ko pero sa dami ng tao, kotse at motor eh di ko siya makita. Anyway naglakad na lang ulit ako. Di naman siguro yun aalis dahil tutok sa race.
Pagkarating ko sa food stall ng popcorn bumili ako ng tatlo at pinadamihan ko na rin ng cheese powder dahil paborito yon ni mama. Naglalakad na ako pabalik sa pwesto namin habang ngumunguya ng popcorn ng may marinig ako na sigaw. Mukhang hindi naman narinig ng iba ang sigaw kaya naglakad na lang ulit ako. Bang! napatigil ako ng may marinig akong putok ng baril. Tumingin ako sa paligid pero nasa sumemplang na racer ang attention ng lahat. Pero sigurado ako na may narinig akong putok ng baril.
I walked kung saan ko narinig yung putok. Yes marites. Nagpapakadora ako. Baka kasi mamaya illegal ang racing track na to at mga pulis pala yung nagpaputok. Ang racing track kasi na to ay nasa harap ng abandonadong building. Baka offlimits to tas andito kami at nangiinvade ng privacy. Humina ang sigawan ng mga tao at harurot ng motor ng makalapit ako sa building.
Bang bang bang. Tatlong magkakasunod na putok at impit na sigaw ang narinig ko. 'Aaaccck' Natapon ko ang ilang popcorn na hawak ko sa gulat. 'Sus maryosep' natutop ko ang bibig ng lumingon sa akin ang grupo ng mga lalaki ng mukhang mga goons. Pinagpawisan ako ng malamig habang tinitingnan ko ang lalaking nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo.
'Tulungan mo k-' Bang! isa pang putok at binawian na ng buhay ang lalaki. Sa takot ko kumaripas ako ng takbo but luck was not on my side. Natalisod ako marites! 'Aray! ang sakit!' ani ko na walang boses, ng akmang tatayo na ako may humila sa buhok ko at sapilitan akong pinatayo. Nagpumiglas ako pero malakas ang humahatak sa akin. Kinaladkad niya ako papasok sa lumang building. Sumunod naman ang mga mukhang goons. Napaiyak ako sa takot. Iniisip ko ang kapatid ko. Sana di niya mapansin na ang tagal ko at baka hanapin niya ako eh madamay siya.
Marahas akong binitawan ng kung sino mang humila sa akin. 'Now little rat, You've seen something that you shouldn't have didn't you?' Mabilis pa alas quatro ang pag iling ko.
'Now tell me, what did you see little rat?' sinubukan ko na magsalita pero walang lumalabas na salita kaya umiling na lang ako. Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa matalas na kutsilyong hawak niya. Halos lahat na ata na santo eh natawag ko na.
'Since you don't know how to talk maybe I should just tear off your limbs, that'll teach you how to speak' Sosyal na sabi ng lalaking nasa harap ko na nakablack suit.
I step backward but found na wala ng maaatrasan, pader na ang nasa likod ko marites! I can't find the courage to speak, my illness is kicking again. Gustuhin ko man na magsalita at kumbinsihin siya na wala akong nakita sa krimen na ginawa nila pero syempre joke lang yon eh para akong napipi.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I stared at the tall man infront of me. A pair of dangerous eyes, matangos na ilong at labing halatang babad sa sigarilyo but that doesn't make him less attractive. Kung wala ako sa sitwasyon na 'to baka magpapicture pa ako kasama siya. Hindi naman siya ang pinakagwapong nilalang na nakita ko mahiya naman siya sa bangtan oppas ko.
I tried communicating with him through sign language kahit na di ko alam kung marunong ba siya. I tried to hide my fear but my body is not cooperating. I'm shaking out of fear. Ano ba tong napasukan ko?!
'Boss we need to move out, hindi tayo pwedeng magtagal dito' napatingin ako sa isa sa mga goons na nagsalita. 'Bring this rat' hinawakan ako ng dalawang goons at tinakpan ang ilong ko ng panyo and then I feel my consciousness leaving. Takot para sa sarili ko ang nararamdaman ko habang nawawalan ako ng malay. Wala akong mahingan ng tulong, ayoko rin madamay ang kapatid ko. Hindi ko alam kung san nila ako dadalhin, kung anong gagawin nila sa akin at lalo hindi ko sila kilala. Someone help me......
BINABASA MO ANG
Meeting the Mafia Boss
Romance''Since you don't know how to talk maybe I should just tear off your limbs, that'll teach you how to speak'' Sosyal na sabi ng lalaking nakablack suit. I step backward but found na wala ng maaatrasan, pader na ang nasa likod ko marites! I can't fin...