Chapter 3

950 31 0
                                    

'You want to know my name, its Valerian Montage' tumayo naman si aling sabel at binati siya. 'Leave us, I want to talk to her'. wag kang mag agree sabel ayoko maiwan kasama yang ser mo.

'Sige po, ipaghahanda ko na po kayo ng dinner. Kung may kailangan po kayo nasa kitchen lang ako' aling sabeeeel! traydor kaaa ba't mo ko iniwaaan! at ganon ganon na lang iniwan ako ni aling sabel. May mga tao talaga na darating sa buhay natin na hindi magtatagal at iiwan tayo para sa iba. Ouch! ang sakit marites!

'Hello Mr. Valerian Montage! nice meeting you kanina pa kita inaantay eh ayaw kasi ako paalisin ni aling sabel hanggat wala ka. Nalibot ko na ang buong bahay mo infairness maganda siya daig pa ang bahay ni big brother. I appreciate your kindness on letting me sleep and eat here. Ito namang damit I'll take it as a souvenir na lang ha, thank you. Anyway kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako sa amin nawala pa yung cellphone ka ka-' I was rudely interupted by mr. ser

'Stop ta-'

'ay oo nga pala di pa pala ako nagpapakilala. I'm Alexis but you can call me Alex for short. Ku- adaw na apo!' I raise both of my hands in surrender. Ba naman itutok sa akin yung baril niya. But unlike before hindi na ako sobrang natatakot sa kanya. Weird. Siguro dahil sa mga kwinento sa akin ni aling sabel kanina.

'You want to go home?' tumango ako. Who doesn't want to?! Yes I'm still weary of his presensence specially I'm in his territory. 'Oo eh tsaka nag aaral pa ako. Absent na nga ako ngayon. Hindi na ako pwedeng mag absent bukas baka mag alala sakin ang mga teachers ko or baka ibagsak nila ako! waaah!' nataranta naman ako, hindi pa naman biro ang college life tapos nag absent pa ako.

'Alright you can go but sign this first' may binigay siya sa akin papel, babasahin ko sana ng bigla siyang magsalita. 'If you don't sign it you'll die right here, right now.' walang pag aalinlangan na pinirmahan ko ang binigay niya. 'Yan I signed it pwede na ba akong umuwi?' with my signature smile ko pa na sabi. 'Yeah you can go' sabi niya with dismissing signal.

Pinagbuksan ako ng guard papalabas. Bago ako umalis nilingon ko ulit ang bahay ni Mr. Ser at ang laki talaga eh siya lang naman mag isa bukod sa mga guards and maids. Medyo nahirapan akong makauwi dahil nasa liblib na area ako. Wala man lang silang kapitbahay napakasociopath naman well nagawa nga nilang pumatay eh.

'Maaa andito na po akoo. Wag na po kayong mag-alala safe na po ako wala naman po akong su-' umiiyak na bungad ko kay mama na parang di naman nag alala na halos nawala ako ng twenty four hours. Inabot na ako ng gabi sa daan kaya pagdating ko naghahain na si mama ng dinner andun na din ang kapatid ko na busy sa kapipindot sa cellphone niya. Hindi man lang ako sinalubong at tinanong kung aning nangyari waah.

'Anong ginagawa mo dito nak? ba't umuwi ka pa?' ouch marites! grabe ka inay! 'Ma sorry iniwan ko si Tob kagabi may nangyari kasi wag ka na magalit ma huhuhu' sabay singhot ng uhog. 'Ah hinatid siya dito ng mga tauhan ng asawa mo kagabi pinagpaalam din nila na dun ka matutulog. Sandali nga ba't ba andito ka? eh gabi na baka hanapin ka ng asaw mo, umuwi ka na' whaaat?! ano daw!? asawa? kelan pa ako kinasal? ba't di ako nainform? di man lang ako nainvite kahit sa reception lang.

'Anong asawa ma? nakid-' tinakpan ko ang bibig ko, napagkasunduan pala namin kanina ni mr. ser bago ako umalis na wala akong pagsasabihan ng nakita ko kundi papatayin niya ako at ang pamilya ko. 'naki- nakidaan ako kila marites tapos bumulagta ako sa antok kaya dun na ako natulog hehehe' tinaasan naman ako ni mama ng kilay.

'Ano bang pinagsasabi mo diyan? diba nga kaya di ka umuwi kasi nagpakasal kagabi? di mo man lang kami ininvite ng kapatid mo nakakatampo ka.' haaa? ano ba tong pamilya ko tiningnan ko si tobi na nakatingin samin at nakikinig sa pinag uusapan namin ni mama. 'Tobi ano bang sinasabi ni mama? Sinong naghatid sayo?' Bored akong tiningnan ng kapatid ko bastos na bata. 'Ba't ako ang tinatanong mo? di ba ikaw ang nagsabi sakin na wag akong aalis don tapos ikaw pala itong nagpakasal, ngayon ko nga lang alam na ganon kabilis ang pagpapakasal. atsaka hindi mo man lang kami ininvite. Buti na lang thoughtful ang asawa mo pinadalhan niya kami ng handa niyo. at isa pa ba't di mo sinabi samin na may boyfriend ka at nagpakasal pa kayo' nakakawindang! nakakaloka marites! hindi kinakaya ng brain cells ko ang mga twisted information na ito. Nakakatakot. Kagabi lang kami nagkita ni mr. ser at nitong hapon ko lang sinabi ang pangalan ko pero nalaman niya na agad kung sino ang panilya ko. Napaluhod ako I trembled in fear. 'Sus maryosep! Tobias kunin mo ang gamot ng ate mo' My mind is clouded in fear hindi ako makapagsalita at makahinga ng maayos. I keep gasping for air. 'Inumin mo to, o ito tubig. Di ka ba uminom ng gamot mo buong araw nak?' umiling ako. 'nakalimutan ko po'. Pinatayo ako ni mama ng medyo kumalma na ako. I started to feel numb because of the meds. 'Sige dito ka na muna matulog, itetext ko na lang ang asawa mo.' woow textmate na agad sila. 'Kailan mo ba ipapakilala ang asawa mo samin?' buti nga kayo alam niyo na may asawa ako eh ako nga walang alam.

Hinatid ako ni mama sa kwarto. 'Sige magpahinga ka muna diyan, dadalhan na lang kita ng dinner mo, wag ka masyadong mag isip, ano bang iniisip mo? may isip ka ba? makakasama sayo yon wag ka mag isip.' grabe ka inay huhuhu parang di mo ko anak ha. Tumango na lang ako at nahiga.

Kahit na pinagbawalan ako ni mama na mag isip eh nag isip parin ako. Andaming nangyari pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sana pala di na kami pumunta sa race na yon. Sino kaya yung lalaking pinatay nila mr. ser. kawawa naman ang pamilya na naiwan niya. buti na lang di ko sinapit ang nangyari sa kanya. kailangan ko silang isumbong sa pulis pero babalikan nila kami baka patayin nila ang pamilya ko. 'aarrrghh! bangungot lang yon, hindi na kami magkikita pa like ever. Kailangan ko lang ito itulog and tomorrow everthing will go back to normal. I prayed first before drifting to sleep.

Meeting the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon