Chapter 1: The Beginning

75 3 1
                                    

MJ's POV

Anu bayan! Anong oras na...tagal naman ni ma'am!

Napakamot ako ng ulo sa sobrang inis. May nakita akong kuto sa palad ko. "What the F!"Pano ako nagkakuto? Nagrerejoice naman ako! Tiningnan ko ang seatmate kong si Apple na bising nagllipstick. Naisip kong sa kanya ang kuto na lumipat sa ulo ko. Tiniris ko agad ang kuto. Inisip ko si Apple ang kuto na'yon. Palihim akong natawa. Napansin naman ako ni Apple.

"Patay."Mahina kong sabi dahil papalapit ito sa akin kasama ang mga alipores niyang sina Charmaine, ang mahinhin ngunit subalit datapwat may angking katarayan at kaartehan sa balat, kasama din nila si Sofia, ang kanang kamay ni Apple kapag tinatamad si apple na gamitin ang kanyang kanang kamay. Pfft.. korni diba?

"Hoy, babae! Anung tinatawatawa mo diyan? Para kang baliw."Mataray na sabi sakin ni Apple habang hawak hawak parin ang lipstick niya.

Napansin ko namang tumawa ng palihim si Charmaine at Sofia at naghi-5 pa sila sa isa't isa.

Akala mo ang gaganda. Psh!

"Ah, wala naman. May naalala lang kasi ako sa kuto hehe!"Sagot ko naman. Gusto ko sanang sabihin na KAMUKHA NIYA YUNG KUTO!

"Hahah! Sinu naman? Nanay mo? Sa bagay, kamukha mo rin yang kutong yan. Mukha ka kasing kuto na di maalis alis sa school nato, tss."Sabi niya sabay irap sakin at naglisptick pa sa harapan ko sabay pout pa ng labi at tumalikod na siya sakin palabas ng room.

"Hahah! Mukhang kuto!"Pang-aasar pa sakin ni Sofia.

"Hihihhi~ Queen of Louse!~"Saad ni Charmaine habang nakaturo pa sakin.

Since wala pa naman ang prof at keaa inisin ko ang sarili ko lumabas na lang ako ng room.

Syet! Sya agad ang unang bumungad sakin! Si Mik'z!!! O...M...G!!! Napaka gwapo nya talaga..damn! boom! Nakaupo s'ya kasama ni Kuya B. at si Mir'z nakatayo naman.

"Koya, kumusta yung kotse mo?" Tanong ni Mik'z kay Kuya B.

"Hmm...ayos!" ang usual na sagot ni Kuya B.

Pero teka... bakit nandun si Mir'z? Eh hindi naman siya lagi nasama kina B. DOTA ang hilig ni Mik'z at B at walang ibang nasa isip ni Mir'z kundi Programming! Naku!! Baka kung ano nanaman sabihin nung nerd na yun sa kanila!

"Ate MJ!" Syet! Tinawag ako ni Mik'z sabay ngiti sakin!!! Iiiieeeee!

Syempre huminga muna ako ng malalim... kailangan calm dahil alam kong may masamang binabalak na naman si B at Mir'z...

"Magaling ka daw mag drums...kaya mo daw tugtugin yung Enter Sandman ng Metallica?" sabi ni Mik'z.

Sabi na nga ba!! May ipinagkalat na naman yung nerd na yun na may bitbit na double hot fudge sundae... Bandmate ko kasi yun si Mir'z.. sya ang soloist...leadist...whatever pero mas bagay yung soloist dahil mahilig yun mag solo lalo na sa pagkain... Dami nun alam, mapa java, c++, gitara... maliban lang sa maligo!

"Sama ako sa practice nyo koya" sabi ni Mik'z kay Mir'z

Shet! Anong gagawen ko? Hindi naman talaga ako magaling magdrums! O heto flashback para patunay!

---

Flashback - kahapon sa Jamsquare!

Zombie by Cranberries ang tutugtugin namin ngayon. Ilang weeks na namin pinagpapraktisan itong song pero sa kasamaang palad...

"Oi Mir'z game na!" saway ni Jane kay Mir'z na lutang na naman. As always.

Si Jane nga pala - vocalist namin at lagi kong kasama sa house. Magaling din siya magprogram, sa katunayan siya kadalasan gumagawa ng program ko pag lab na namin sa Tirikmata este Automata. Kung di Comsci ang course mo di mo ko magegets! :P

Kasama pala namin si Princess na nagvolunteer maging guitarist namin at si Oliver ang Bassist at ang aming Master Chief. Beware dahil mabilis siya magalit!

At ayun na nga nagsimula nang magstrum si Mir'z...

"MJ malapit na" senyas sakin ni Oliver. Natetense na ko. :/

Ok eto na part ko! Tak-takatak-boom-tss!

Yes! Nadali ko din at nagbunga na ang ilang linggong practice namin! Sige MJ hataw!

Tuloy lang sina Princess, Oliver at Mir'z at ako din napi-feel ko na ang chakra na dumadaloy sa katawan ko... Tuloy lang ako sa pag drum!

Hay sana nandito si Mik'z... Naiimagine ko na ang CS Night, si Mik'z mapapahiyaw sa performance ko tapos isasali nya ko sa band nya...BOOM!

BOOM! Shet! Si Oliver ang napahiyaw! Nagkamali na naman ako... hayzzz!

"Ano ba yan MJ kelan mo balak mag ayos? Walang mangyayari kung puro tayo ganito" padabog na sabi ni Oliver sabay padabog din na ibinagsak ang bass sabay walk out.

"Uy Oliver!" Saway ni Jane.

Pero si Oliver tila wala narinig at sumakay sa kanyang bike at umalis.

"Grabe naman yun si Oliver." Napailing na lang si Jane.

Oo grabe talaga si Oliver magtampo pero inintindi ko na lang siya... "Yaan mo na Jane..." sabi ko.

At ayun sina Mir'z at Princess sa sulok, busy na nagkukuwentuhan about sa chix sa school.

"Ano, extend pa? Na add nyo na ba yung Jamsquare sa Facebook?" sabi ni Kuya Aylu na may halong puntong Kabitenyo.

---

O ayan na ang patunay na di ako magaling mag drums! Never ko kasi talaga naging interest ang pagdadrums... Programming ang gusto kong matutunan talaga! Oh well...

Wala na kong nasabi pa kay Mik'z. Tumuloy na sila sa room at baka malate nanaman sila at di papasukin ng pachix namin prof...

Pero nagdecide muna ko mag CR sa CR na di kalayuan. Malapit na ko sumabog sa kilig!! Yieee!

Papasok na ako ng CR. Patay ang ilaw. Siguro pinatay ng janitor. Nang buksan ko ang ilaw laking gulat ko nang may dalawang taong humawak sakin!

Si Charmaine At Sofia!!!

Sinubukan kong makawala pero lubhang napakalakas talaga nilang dalawa, o sadyang mahina lang talaga ako! Then nagpakita na si Apple!

"Ah-huh! So, may balak ka palang agawin sakin ang Mik'z ko!!" Sabi ni Apple na nakapamewang. Letse!

"W-wala, hindi totoo yan!" Gusto ko sanang sabihin na kailan pa naging sa kanya si Mik'z eh never naman naging kanya? Pero mas gusto ko pang mabuhay at makagraduate ng Comsci!

"Eh ano yung narinig ko kanina?!" tanong ni Apple na ayaw maniwal sakin! Psh, ang sarap sampalin ng pang luto ng Belgian Waffle! "Charmaine, Sofia, hawakan nyo si MJ ng mabuti!" utos nya sa kanyang mga underlings.

"Opo!" sabay na sagot ng dalawa.

Shet... ito na ata katapusan ko... Oh no...wait! Binuksan ni Apple ang bag ko at kinuha ang drumstick! Alam ko na, gusto niya maging drummer din! Pero teka...

"Dito na magwawakas lahat ng pangarap mo MJ. Say goodbye!" sabi ni Apple habang itinaas ang drumsticks ko.

"Waaaaaaag! Maawa ka sa akin!" pakiusap ko kay Apple.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tirik-Mata!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon