Chapter 1 - Ready, Set, and Go

11 0 0
                                    

Kring, Kring, Kring…

Time Check:  It’s 7:30 in the morning. This time check is brought to you by Retrica. Kutis kay Ganda, Alagang Retrica.

Ako si Caizzer Styles, isang proud Directioner. Akalain mo ba naman na kaapelyido ko ang isang sikat na miyembro ng One Direction o mas kilala ng mga haters nila na 1D. Tinitilian ng maraming kababaihan, kabaklaan at maging mga tunay na lalaki HAHAHA pati nga matatanda ngayon nakikisabay sa mga lyrics na patok sa Youtube. Isama mo pa ang mga “CARROT” na nagpapanggap na kung kakayurin mo ng peeler ay malalaman mong nagbabalat-kayo lang.

Simple lang ako pero RAK , saka hindi ako photogenic , siguro talikodgenic pwede. Hindi ko din hinahabol ang mga babae , sila ang humahabol sa akin , alam ng barkada ko yaKugusto mo akong makilala ayan oh 25 FACTS ABOUT ME.

1.      Christian Ako. Walang Discussion na. I respect yung mga paniniwala nila so sana ganun din sila sa akin dib a?

2.      Lapitin ako ng bading at mga nagkakacrush na mas bata sa akin pero mga crush ko di naman ako gusto. Bakit ganun no? Sana magsama sama na lang lahat ng feelings ng mga may crush sa akin ng crush ko T.T

3.      Mahilig talaga akong KUMAIN. Yung tipong ibibitay na ako ang bawat serving ng lalamunin  ko.

4.      Cyanoholic ako, basta kahit pink na may blue  basta may bahid ng blue kahit tuldok pa yan ay gusto ko yan.

5.      5’3 lang ako kaya di ako nakapagenrol sa Tourism at Criminology Kainis di ba natulog kase ako nung nagbuhos ng pagpapapala ang Maykapal. Pero pasalamat pa rin ako dahil isa ako sa mga hindi napabilang sa 7 Dwarfs ni Snow White.

6.      Chinito ako kaya baka di kita Makita

7.      May dimples akong dalawa singlalim ng binubutas ng Manila Water sa kalsada nyo.

8.      Vain ako sa Selfie. Mula pagtulog hanggang paggising yan ang inaatupag ko. Dapat lahat ng moments updated sa FB, Twitter at Insta at iba pang social networking sites.

9.      BOOKWORM- Woahh Lahat ng Movie na may libro tatad ang critic sa akin dahil puro dagdag bawas ang pinaggagagawa ng mga Direktor na yan :3

10.I hate PE hayst kung a;lam nyo lang muntikan na ako magkaline of 6 dyan pero hindi ako lampa

11.Bathroom singer   na nakakatulog ng 30 minutes sa inidoro sa sobrang nakukulangan pang matulog ng 12 hours sa isang araw

12.Model sa Kwarto kung hindi brief ko ayun isusuot ko mga boxer ko tapos fierce.

13. Ayoko ng gulay, bahala sila sa buhay nila

14.Ayoko ng Violet. Sorry na <//3

15. Mahal ko si Stitch at Spongebob. Pinangrap ko na maging magasawa sila at may mabuong alien na sponge na ewan basta.

16.OVERNIGHT King ako. Wag ka na mangagaw ng korona

17.I love Internet Surfing sa gabi lalo na pag nagiisa browse ng mga usap uspan na video at iba pang kalokohan.

18. Asawa ko si Lucy Hale, Ashley Tisdale at Jennifer Lawrence

19. Mahiligdin ako sa mga kanta ni Jason Chen? Ikaw rin ba?

20. Di ako marunong ng kahit anong ball games kaiyak

21.May Failure ako sa part sa body pero secret

22.May Musophobia ako. Di sila cute

23. Pangarap kong maging Preisidente ng bansang Pilipinas

24.Iyakin ako lalo na sa Pagibig

25.SINGLE ako pero ready to MINGLE :D

Hayst tama ng drama. Oras na pala upang maligo. Pagtingin ko sa kaliwa, @_@ Ayts  sira pala ang orasan ko. Shemayy kailangan ko ng iligpit ang mga gamit ko sa aking bag na mala-DORA the explorer pero pag binuksan mo talo pa ang Smokey Mountain ng Payatas sa sobrang gulo ng pagkakaayos nito. Back to my situation, mababaliw na ata ako sa pagbanlaw sa katawan na isang balde lamang. Sana may Cebuana Lhuiller para mabayaran ko ang tubig sa Maynilad. Antaas pala ng bill at hindi pa ako nagbabayad. Idagdag mo pa ang kawalan ng gas ng LPG ko. Paano ako magluluto? Kumakalam na ang aking tiyan  na mas madami pa sa tiyan ni Appa yung alaga ni Aang na Airbender, wag ka paboritong palabas ko yun. Mapapasigaw na ata ang mga beybi ko sa aking tiyan ng ROAR.

Boom Panes. Ang ayos pala ng buhok ko. Nagwax ako niyan yung Gatsby nga lang tapos hinaluan ng Fix ng  Bench, poor kid eh. Kainis kahit anong ayos ko parang magulo pa rin. Aww bakit ganun? May tigyawat na naman ako sa nagsulputan sa makinis at gwapo kong mukha. Nakakainis na ha sana renter na lang sila dahil sa dami nila gaya ng squatter ay kikita na ako.

Bat ganun parang may mali? Ang laki ng bewang  ko parang nung bakasyon lang isang kaldero ng kanin ang nilalamon ko kasama ng kakarampot na ulam na kulang na lang ay ipahid mo na sa mukha ng mga batang pulubi sa Quiapo.

Arghh. Paano to? Hindi ako makakaporma nito. First Day ko nga pala sa Kolehiyo ngayon. Sa wakas nakalaya na ako. Ako ay isang kalapating mababa ang lipad. “Ting” Bright Idea, Wushu naisip ko tuloy kung magdadalawang sakay ako dahil malalate na ako. Ang hirap pala pag malayo ka sa mga mahal mo sa buhay.

“Ring, Ring, Ring,..” ayt hindi pala nakasilent ang profile ng cellphone ko. Ayun may nagsend ng message sa akin. 09219561823, ang number. Nagtaka ako, “Sino kaya ang nagtext sa akin?” … “Par sabay tayo pumasok ha”

Nakakayamot naman kasi na kaklase ko ulet ang klasmeyt ko nung high school. Yung feeling na schoolmate, classmate, rowmate, seatmate at kung minsan ay cheatmate mo pa siya. Nagsawa na ako sa mukha niya, sa amoy niya at sa boses nya. Oo, parehas kami ng Alma Mater nung Elementary at High School. Tapos nagtagpo na naman muli ang aming mga landas. Ano to Cartesian Plane? Nagmemeet sa origin. HAHAHAHA.

Nangangati na tuloy ang paa kung may nunal sa talampakan na maglakad. Pupunta na ako sa aking bagong yugto ng aking buhay.

Beng… Traffic Malordesxczs Ano ang gagawin ko? @_@

That Thing Called Tanga-TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon