Part 1

6 0 0
                                    

may mga bagay na kahit anong gawin natin hindi na natin mababago ang nakaraan. pwedeng magpatuloy sa buhay pero pwede ding malubog sa nakaraan. 

dinadamdam ko ang mga lamig ng hangin na kumakapit sa aking katawan, hindi naging panangga ang mga makakapal na damit na meron ako. pero okay lang, alam kong masasanay naman ako dito sa bago naming tahanan.

sabi nga nila, bagong buhay may bagong pag asa.

dumating kami sa bagong syudad, walang nakakakilala sakin o saming pamilya. okay na to, para makalimot ako sa mga nangyari sa aking buhay. sana maging masayang simula ito sakin.


"nakaayos naba ang mga damit mo?" tanong ng aking ina. pagod na siyang mag ayos ng aming gamit pero nag papatuloy padin siya sa sobrang mahal niya ako lahat ng pag babago gagawin niya para samin.

"malapit ko na po matapos to ma, pahinga kana po." malumanay na sabi ko sakanya.

"anak, nakaayos na ang mga gamit mo sa school para bukas, lahat okay na" masayang sabi nito sakin. natuwa din naman ako makitang nakangiti ang aking ina, sana mag patuloy na tong mga ngiti nito sa kanyang mukha.

tumayo ako saking kinauupuan, nilakaran ko ang daan na puno ng gamit na hindi ko pa naayos, para lumapit sa kanya at yakapin.

"salamat ma, sa pag intindi at sa pag gawa ng lahat na to" sabay turo sa lahat ng gamit na meron kami

"walang ano man anak, kung saan ka magiging masaya magiging masaya ako sayo, lagi lang ako nandito para sayo." bulong nito sakin, at bumitaw sa king pag kayakap.

"mag pahinga kana ma, bukas ay panibagong araw at magiging okay ulit ang lahat." 

binigyan lang niya ako ng isang matamis na ngiti at umalis na saking kwarto

isang malaking buntong nang hininga ang lumabas sakin, at nag pasyang humiga saking kama iniisip kung anong mang yayari bukas dahil sa pagod nang aking puso at isip, bigla nalang pumikit ang aking mga mata. 

sana ito na ang aking bagong simula.




Nuevo ComienzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon