LOVE In A BOTTLE

63 1 3
                                    

"Ate !" Narinig kong tawag ng kapatid ko sa akin.

"Oh, nandyan ka na pala Dora ! So ano, tara na ?" Tanong ko.

Tumango lang siya bilang sagot. Ako kasi ang sumusundo sa kanya sa school nila. Half day lang kasi sila dahil kinder pa.

"Uhmm.. ate ?" sabi nya habang naglalakad kami papunta sa bahay na dala-dala yung paborito nyang bote.

"Bakit ?" Tanong ko sa kanya

"May nagbigay po sa akin ng bote. Sabi nya ibigay ko daw sa'yo yung nasa loob" sabi nya

"Eh nasan na yung bote ?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa ko kasi naramdaman ko na nagvibrate ito. Ibig sabihin, may nagtext.

"Nasa bag ko po" sabi nya sabay turo sa backpack nya.

"Osige. Mamaya ko na kukunin pagdating natin sa bahay" sabi ko sabay tingin aa cellphone ko kung sino ang nagtext.

"Okay" sabi nya.

Tiningnan ko kung sino ang nagtext sa akin at patuloy paring naglakad.

From: 09123456789

Clues are there. Find it.

Sino naman 'to ?!

Binuksan ko muna ang gate dahil nakarating na kami sa bahay. Pinaakyat ko muna ang kapatid ko sa kwarto nya at umupo ako sa sofa at rineplyan ko yung nagtext.

To: 09123456789

Uhmm.. sino po 'to ?

-Sent-

Hinintay ko ang reply nya ng ilang minuto pero ni isang text ay wala akong natanggap.

Kaya tinawag ko na ang kapatid ko para kumain.

Pagkatapos kumain, pinatulog ko muna yung kapatid ko dahil may pasok pa ako.ngayong 1:30pm.

---x

Natapos na ang whole class ngayong hapon pero kahit isa sa diniscuss na lessons namin, hindi talaga pumasok sa isip ko.

Nabobother parin kasi ako sa text na iyon.

'Clues are there. Find it'

'Clues are there. Find it'

'Clues are there. Find it'

'Clues are there. Find it'

"Urghhh !!!" Ginulo ko ang buhok ko at humiga na sa kama.

Saang lupalop ba ng mundo ko hahanapin yung mga clues na 'yun ?!

Ah ! Alam ko na ! Naalala ko yung sinabi ng kapatid ko na may ipinabibigay daw na bagay sa akin na nasa loob ng bote.

Lumabas na ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ng kapatid ko. At nakita ko syang nakahiga habang yakap-yakap nya yung bote nya. Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na mahilig sya sa bote. Hinanap ko yung bag nya at binuksan ko iyon. At nakita ko nga ang isang red na bote. Kinuha ko iyon at pumunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong binuksan ang takip ng red na bote at kinuha ang pulang papel na nasa loob nun.

'I don't know what I can say to you, but I will start telling it by this letter.

Leaving all your problems, makes you feel better.
One letter like this, maybe you will wonder.
Very well, like you can see,
Everything is a mystery

Yeah, it's quite crazy
Out of the world I am lazy
Until I met you i've been dizzy'

Like whuuutt ?! Ano nanaman 'to ?! Nakakainis talaga ! Hindi pa naman ako mahilig sa mga mystery -.-

One Shot Stories [Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon