***
(Rielle's POV)
"Bes grabe naman yang mga manliligaw mo, kahit ilang beses mo na binasted andyan pa rin sila sayo" sabi ni Katherine. Siya ang bestfriend ko simula ng nagtransfer ako dito.
Ako si Maerielle Almario. A simple / ordinary girl yun ang sarili kong description. Pero para sa iba mysterious daw ako. And I don't get it. Tulad ng iba ! Mataray / masungit / snob.
14 years old, 2nd-year highschool. At nakakaasar na talaga tong mga lalaki. Ilang beses ko ng sinabe na hindi ako nagpapaligaw. Tuloy pa rin ng tuloy, ang kukulit.
Si Katherine Mendoza. Siya ang ultimate bestfriend ko. Siya ang kaisa-isang friend ko na hindi ako iniiwan kahit saan.
"Bahala sila dyan, basta ang alam ko hindi ako nagpapaligaw. Study first muna. " yan ang sabi ko kay Kath.
"Bes, ang ganda mo. Nasa iyo na nga daw ang lahat eh. Matalino ka, ikaw ang first sa lahat. Maganda, ikaw lagi ang pinanglalaban sa mga pageant. Mabait, ikaw nga ang tumutulong sakin tuwing may kailangan ako. Pero bakit ayaw mong pagbigyan ang sarili mong sumaya ? " sabi ni Kath.
"Bes, masaya naman ako kahit na wala yang mga lalaki na yan ! Okay na ako sa meron ako. Tsaka bawal pa ako sa mgva ganyan. Alam mo naman yun diba ? " sabi ko naman sa kanya.
"Eh ? Bes kahit na hindi mo sakin sabihin alam kong gusto mo si Albie. Manliligaw mo naman siya, pwede mo siyang sagutin anytime na gusto mo. Bagay kayo, mabait yun tsaka gwapo pa. " sabi ulit sakin ni Kath.
" Hindi ko alam bes. Ayaw kong madisappoint si daddy, alam mo namang lahat ginagawa ko para magstay sa top. Para mapansin niya naman ako " malungkot kong sabi kay Kath.
"Sorry bes naopen pa yung tungkol sa daddy mo. Tara na nga pumunta na lang tayong canteen. " masigla namang sabi ni Kath sakin.
Good girl ako. Why ? Para naman mapansin ako ni daddy. Pero kahit anong gawin ko, parang wala lang sa kanya. Parang suko na ako. Ayts, kaya ko to ! Ajaness :)
"Gagawin ko lahat para sayo, Rielle." At kilala ko na yan. Isa lang ang tumatawag sakin ng Rielle. And as expected si Albie yun. Sa totoo lang I like him. Pero hindi ko kase kayang hindi sundin si daddy na No to Boyfies muna. What if sagutin ko si Albie ? Mapapansin ba ko ni daddy ? Almost two years na akong nililigawan ni Albie, and I like him naman na so is it okay ba kung sagutin ko na siya ?
"Hey Princess Rielle. Ang lalim ng iniisip mo ah ? Ako ba yan ? Don't worry iniisip din kita" sabi sakin ni Albie with matching pacute.
"First, don't call me princess Rielle. Hindi ako bata at walng princess sa pangalan ko. Second, hindi ikaw ng iniisip ko. Third, wag mo kong isipin" sabi ko sa kanya. Ayts, ang assuming talaga. Pero iniisip ko naman talaga siya diba ?
Ano ba talaga ? Sasagutin ko na ba siya ? Oo o hindi ?
***
Vote po. Thanks a lot ! :))
GUYS VOMMENT ! ( VOTE & COMMENT )
BINABASA MO ANG
What If
Teen Fiction"Sa isang relasyon. Dapat walang what if's. Kase sa bawat what if's mas nagooverthink ka. Mas nagkakaroon ng problema. Just go with the flow and let the what if's go"