***
5 months..
5 months na ako dito sa Korea.
At ngayon, ngayon ako aalis ngayon ako uuwi. Uuwi na ako sa Pilipinas.
Sa pagstay ko dito sa Korea madami akong natutunan kahit na maikling panahon lang ako nanirahan dito sa Korea. Madami kasing pinarealize sa akin si Tita Renee.
"Bye Rielle. Pumasok ka na nga dun ! Baka hindi na kita pauwiin." Napangiti ako sa sinabi ni Kyle.
Mamimiss ko rin tong baliw na ito. Kahit baliw siya, isa siya sa mga taong tumulong at nagpasaya sa akin dito sa Korea. Sanay na rin kase akong andyan siya para sa akin.
"Bye Princess Maerielle. I will miss you my dear. Always remember na andito ko para sayo ? Arasso ? (Understand? / Got it ?) Pasok ka na bilis. Baka makita mo pa akong umiyak " sabi naman sa akin ni Tita Renee.
Si Tita ? Siya ang naging super mommy ko dito sa Korea. Mommy and at the same time my bestfriend. Mamimiss ko si Tita. Aalis na ako.
"Bye Rielle ! " rinig ko pang sigaw nila Tita at Kyle. Tumalikod na ako sa kanila at nagsimulang maglakad.
Bye Korea ...
Hello Philippines !
Pagkalabas na pagkalabas ko ay naramdaman ko na talagang nasa Pilipinas na ako.
I miss Albie and Katherine. Pero hindi ko muna ipapaalam na dumating na ako. Isusurprise ko sa kanila, baka nga galit o kaya nagtatampo na yung dalawang yun sa akin.
Hindi kase ako nagpaalam nung umalis ako, tinanggal ko pa lahat ng mga magiging connections namin at ngayon hindi ko nanaman ipapaalam na dumating na ako.
At sure akong miss na ako nung mga yun at babawi na ako sa kanila. And uumpisahan ko yun sa pasukan. Excited na ako para sa Monday. For this weekend aayusin ko ang mga papers para makapag enroll na ako sa school namin nila Albie at Katherine.
At magkasama sama na ulit kami.
Nandito ako ngayon sa bahay na pinamana sa akin nila mommy and daddy. Kakatapos ko lang kasi asikasuhin ang lahat ng mga papeles para makapasok na ako sa Monday. Dito na ako titira, ng ako lang magisa. Nang walang nanay at tatay na gumagabay sa akin.
Masakit man, kailangan kong magmove on. At alam kong sila Albie at Kath ang magpapasaya pa lalo sa akin.
I mis them..
So much !
~~~~
Monday na at super excited na ako. Makikita ko na sila. Maaga akong pumasok dahil nga isusurprise ko sila. Pagkatapos ipark ng driver ko ang sasakyan ko ay tumakbo na ako paakyat ng school building.
Pinagisipan ko kase kagabi kung ano ang gagawin ko. So now, nandito na ako sa room namin.
Naglagay ako ng sticky note sa ibabaw ng chair ni Albie at Katherine. Nagtanong na kase ako sa adviser namin kung saan umuupo sila Albie at Kath.
Sa ilalim ng desk nila ay dinikit ko yung letter ko sa kanila. Nobela yan, lahat ng gusto kong sabihin ay nilagay ko na doon.
Pagkatapos ko iyon ilagay, ay lumabas muna ako ng room para malibot ko ang buong school. Hanggang sa dumadami na ng paunti-unti ang mga tao.
Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Magpapasukan na kaya nagmamadali akong pumunta sa room namin.
Paunti ng paunti ang pagitan namin ng pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang boses ng isang babae, nagulat ako sa narinig ko at napag alaman kong ito'y si Katherine.
"Albie. Anong gagawin natin ? Umuwi na daw si Rielle nabalitaan ko sa Tita niya. Masasaktan siya pag nalaman niya ang relasyon natin. But I love you. I love you so much hon. " sabi ni Katherine.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Katherine.
Anong meron ? Albie ? Hon ? Relasyon ? Ako ? Masasaktan ? I love you ? Naguguluhan ako. Bakit ? Anong nangyari nung umalis ako ? At alam na niyang dumating ako. Wala syang ginagawa.
What if ?
***
Hello guys ! Please Vote and Comment po ! :* Saranghae :)
GUYS VOMMENT ! ( VOTE & COMMENT )
BINABASA MO ANG
What If
Teen Fiction"Sa isang relasyon. Dapat walang what if's. Kase sa bawat what if's mas nagooverthink ka. Mas nagkakaroon ng problema. Just go with the flow and let the what if's go"