Chapter 7 RapBin

17 3 2
                                    

NAMJOON POV.
Umaga na hay ano ba yan ilan samin nagkaroon na ng lakas ng loob para sabihin sa momoland ang kanilang nararamdaman sana ako rin. Maaga akong pumasok sa campus para salubungin si hyebin pero naghintay ako ng matagal bigla kong nakasalubong si nayun. "Nayun nasan si Hyebin?" Tanong ko. "Wala pa ba siya dito nauna na sya, maaga siyang nagpaalam sa kin." Sagot ni Nayun. Pumunta ako sa classroom nila. Hayun!! Nauna na pala siya. Habang pinagmamasdan ko si Hyebin bigla kong ginulat si Yeon Woo. "Hoy!! Sino sinusulyapan mo dyan ahh si Hyebin noh, ligawan mo na." Gulat Niya. "Shit, Yeon Woo bakit kailangan mo kong gulatin, at saka oo si hyebin pinagmamasdan ko bakit any problem?" Sagot ko. Ngumiti sya na parang gusto nya akong tulungan pagkatapos niyang ibaba ang bag niya bigla niyang binulungan si Hayebin hindi ko alam ying sinabi nya. Biglang tumingin sa direksyon ko si Hyebin bigla akong nagtago pero lumapit sya ng hindi ko alam. "Hoy kanina mo pa daw akong pinagmamasdan anong kailangan mo?"tanong niya. "Ah wala may tinitingnan lang ako at saka sinong may sabi sayo na pinagmamasdan kita si Yeon Woo?" Nadulas kong tanong. "Bat  mo alam kasi totoo?" Balik na tanong niya. Wala na buking na. "Oo na ikaw na." Sabi ko. "Bakit mo ko pinagmamasdan?" Tanong ulit niya. "Ka-kasi gu-gusto--" napatigil ako. "Kasi gusto mo ko?" Piling nyang tanong. Tumango ako at bumalik sya loob ng classroom nila.

Hyebin POV.
Maaga akong umalis sa dorm kasi magre review pa ako para sa special exam ko sa science. Nagbasa lang ako ng matagal halos dalawang oras. Habang nagbabasa ako bigla akong binulungan ni Yeon Woo. "Hyebin may nagmamasid sayo." Bulong nya. "Sino?" Bulong na tanong ko sa kanya. "Nasa pintuan." Bulong na sagot niya. Nang tumingin ako sa may pintuan nakita ko si RM nasa pinto nang napansin niya ako bigla siyang nagtago. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Hoy kanina mo pa daw ako pinagmamasdan anong kailangan mo?" Pagulat kong tanong. "Ah wala may tinitingnan lang ako at saka sinong may sabi sayong pinagmamasdan kita si Yeon Woo?" Dulas niyang tanong.  "Bakit mo alam kasi totoo"? tanong ko sa kanya. Mukhang nabuking kaya ang sabi niya, "Oo na ikaw na." Bulaslas niya. "Bakit mo ko pinagmamasdan?" Tanong ko ulit sa kanya. "Ka-kasi gu-gusto--" napatigil siya kaya sumingit ako. "Kasi gusto mo ko?" Pilingera kong tanong sa kanya tumango naman siya at pumasok na ko ng room parang gusto kong tumalon sa saya. Habang nagbabasa ako biglang dumating si Sir Sun Woo. Nandun pa pala si RM. "Mr. Kim anong ginagawa mo dyan at sinong tinitingnan mo.?" Tanong ni sir kay RM. Tumingin si Yeon Woo na nakangiti parang gustong ilaglag si RM at sabihin na ako ang pinagmamasdan niya."Ah sir siguro po--" napatigil siya. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni RM kaya sumingit ako. "Ah sir siguro po tumingin lang po siguro siya kasi para kamustahin kami tungkol sa English Exhibit, tama ba Mr. Kim." Singit ko. Tumingin ako kay Yeon Woo narinig ko syang bumulong. "Pinagtatanggol." Bulong niya. Di ko na pinatulan pa at tumingin ako kay RM mukhang nakahinga ng maluwag sabay umalis na siya.  "Ok class good morning kaya nagkaroon ng special exam kayo momoland dahil hindi kayo tumulong for science exhibit pero dont worry kasi excempted naman kayo sa english wag kayong mag alala ha ok." Bati niya sa amin tumango na lang kaming siyam. Nagsimula na ang exam at pinasa na namin ang answer sheet namin. "Pumunta na lang kayo sa science lab para tingnan ang score nyo." Sabi niya sabay nag paalam na. Pumunta muna kami sa english room, tapos umalis ako sandali para tingnan ang score ko sa science lab nakapaskil dun ang mga score. Di lang pala kaming momoland ang nag exam pati pala bts. Bigla kong nakita si RM. Nandun pala siya para tingnan ang score niya. "100 pala ang score mo." Bungad niya sakin. Para maka sigurado tiningnan ko na rin. Ganito ang order ng grades namin
Boys
Jeon Jungkook-100/100
Jung Hoseok-100/100
Kim Nam Joon-100/100
Kim Seok Jin-100/100
Kim Taehyung-100/100
Lee Dong Hwi-100/100
Min Yoongi-100/100
Park BoGum-100/100
Park Jimin-100/100
Girls
Kim Min Jin-100/100
Kim NaYun-100/100
Lee Ah In-100/100
Lee Da Bin-100/100
Lee HyeBin-100/100
Lee Joon-woo-100/100
Macdonie, Nancy Jewel-100/100
Sung Ji Yeon-100/100
Yoo Jung Ahn-100/100
"Sabi ko sayo 100 ka sa puso ko." Biro niya. Tumingin ako sa kanya."100 ka rin naman ehh sa puso ko." Bawi ko. Nagulat siya sakin at tinanong nang "Pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya. "Wala ng ligawan tayo na matagal na akong naghihintay ng ganitong pag kakataon. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkatuwa "Talaga?" Tanong ulit niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sabay na kaming pumunta sa English Room.

Author POV.
Hi readers!!! Hope na magustuhan niyo ang story na ginawa ko. By the way abangan nyo ang next chapter ng BangtanLand Love story with Park BoGum and Lee Dong Hwi.

Chapter 8 GumYun.

Salamat Readers

BangtanLand Love Story With Park BoGum and Lee Dong HwiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon