Chapter 21 | Part 2
“O…kay? Where do we go now?”, tanong ni Cyrill. Kasama nya si Oliza, Belinda at Erika.
“Hindi ko alam.”, sagot ni Oliza.
“Naghahanap na naman tayo ng isang bagay na wala tayong ideya kung nasaan. Haaay.”, sabi ni Belinda nang bigla silang matigilan.
“Hala, umuulan! Takbo!”, sabi ng isa ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. That was odd. Kanina lang ay sobrang init at bigla bigla na lamang umulan.
“Dito! Bilis!”, sabi ni Randja na mabilis na nakapasok sa isang cabin ng ferris wheel.
“Ano ba ‘yan! Biglang umulan.”, reklamo ni Erika habang nagpupunas ng nabasang katawan.
“Grabe, kanina sobrang init ah.”, sabi ni Belinda.
“Naalala ko tuloy yung kambal na Witch. Diba ganito yung abilities nila? Ulan at Araw.”, wala sa loob na sabi ni Oliza. Bigla syang natigilan nang marealize ang sinabi.
“Oh my..---“, sabi ni Cyrill nang bigla silang matumba sa biglang paggalaw ng cabin.
“Teka, bakit umaandar?!”, tanong ni Oliza.
“Labas!”, sigaw ni Cyrill nang biglang magsara ang pintuan. Then they started beating the glass cabin. Mabilis na gumalaw ng ferris wheel at wala pang ilang Segundo ay nasa tuktok na sila.
“Tabi nga!”, utos ni Oliza sabay sipa sa pintuan ng cabin. Bumukas ito at bumagsak sa lupa. Pumasok naman ang malakas na hangin sa loob ng cabin. Tumigil sa paggalaw ang cabin nila. Nasa tuktok sila at noon lang napansin na nag-iisa lang ang cabin na iyon ng Ferris Wheel.
“May papalapit.”, sabi ni Erika. Lumingon sila sa kung saan saang bahagi ng cabin para magmatyag.
“O-Oliza, wag kang lalapit sa pinto.”, sabi ni Erika.
“Bakit?”, kinakabahang tanong ni Belinda. Napaatras sila palayo sa pinto.
Dug. Dug. Dug..
Narinig nilang may kung anong tunog mula sa ilalim ng cabin.
“Sinong nandyan?”, tanong ni Oliza. Pumadyak sya na nagpauga sa cabin. Napahawak ang mga kasama nya sa mga pwedeng kapitan.
“Kumapit kayong maigi.”, sabi ni Oliza saka pumadyak ulit ng malakas. Umuga ang cabin.
BINABASA MO ANG
Dream Academy Adventures
AdventureWhat if you are born far from being normal? And from your birth, you are destined to be someone who'll save everyone, To sacrifice everything special to you to save lives. Would you call this a gift or a curse? A story of adventure and friendship. ...