Chapter 24
Naglalakad si Claudette nang mag-isa sa weird na Amusement Park na iyon. And she feels weird. Pakiramdam nya ay parang hindi sya totoong gising.
“What about her?”, narinig nyang sabi ng isang babae. Hindi na sana nya papansinin iyon pero may narinig syang pamilyar na boses.
“I don’t like her.”, sabi ng isang lalaki. Dali dali syang nagtago sa isang puno para sumilip.
“Raf?”, bulong nya. Magkaharap ang mga ito.
“Really? But Claudette likes you.”, sagot ng babae. Naikuyom nya ang mga kamay. Sya pala ang pinag-uusapan ng mga ito!
“I already told you. I don’t like her.”, sagot ng lalaki.
Parang nakaramdam sya ng malakas na pagsakal sa puso nya.
“Bakit hindi mo sya gusto?”, tanong ng babae.
“Kasi may mahal akong iba.”, maikling sagot nito.
“Really?”, tanong ng babae, then she smirked. Parang nakaramdam ito na nandoon sya at lumingon ito sa kinaroroonan nya. Mabilis syang nakapagtago at hindi nito nakita. Pero itinuloy ang sasabihin..
“Sino?”, tanong nito.
“Ikaw. Mahal kita. Ikaw lang.”, narinig nyang sagot ni Raf, sakto sa pagsilip nyang muli.
Parang pinipiga na ang puso nya. Tumulo ang luha nya nang hindi nya napapansin. Nagtago sya sa likod ng puno at tahimik na umiyak..
She never told anyone but she likes Raf. At kahit na sinusungitan sya nito ay nahuhulog ang loob nya rito. Inii-snob man sya nito at hindi man sila close, gustong gusto nya ito. At umaasa syang darating ang araw at mapapansin rin sya nito.
But she hoped wrong. Hindi sya matututunang mahalin nito.
Mabilis nyang pinunasan ang luha at tumakbo. Baka may makakita pa sa kanya habang umiiyak. Ayaw nyang ipakitang mahina sya.
She may look tough outside, but in the inside, she feels weak. Nasasaktan at natatakot rin sya. It was her weakest point. Rejection..
Mabilis ngunit tahimik syang lumayo sa lugar na iyon.
Wala na syang makita sa dinaraanan nya dahil hilam sya sa luha nang may marinig sya.
“Claudz!”, tawag ng mga babae. Lumingon sya dito at nakita ang mga kaibigan nya.
Mabilis syang yumuko, nagpunas ng mga mata at muling lumingon sa mga ito nang may marinig silang pagsabog.
BINABASA MO ANG
Dream Academy Adventures
AdventureWhat if you are born far from being normal? And from your birth, you are destined to be someone who'll save everyone, To sacrifice everything special to you to save lives. Would you call this a gift or a curse? A story of adventure and friendship. ...