Siya?

42 1 0
                                    

Ang manhid nya, sobra. Pinapatamaan ko na sya sa fb, twitter, instagram, at sa gm, wala padin. Ewan ko ba kung, na-fa-flatter lang sya o sadyang manhid lang siya...

Binibigyan ko sya ng letters, ng chocolates at flowers bilang secret admirer, pero wala e. Walang talab. Pagtapos nyang basahin ung letters, kakainin nya yung chocolates, tas pupunitin, at itatapon sa basurahan lahat.

Grabe diba? Sabi nila "Kung alam nya siguro na ikaw yun, baka inipon nya pa yun!". Mga tropa ko talaga... Kung alam lang kasi nila kung anong feeling....

Takot ako. Sobra. Duwag na kung duwag. Takot akong lumayo sya, takot akong mailang sya, takot akong awayin nya ako... Lahat na ginawa ko, pero wala e.... Mukhang kung may pagkakataon ay, pakakasalan na nya ung LOL na yan....

Sana ako nalang yung Ezreal... Buti pa yun e, imaginary character lang.... Pero inlove na inlove sa kanya si Ysza.... Minsan naiinis ako, bat pa naimbento yang mga yan....sana wala nalang yang larong yan, edi sana kami na ngayon.... Oo, Ysza pangalan nya! Jeje ba dating sainyo?! Wala e. Hahaha. Ysza Marie Solomon yung full name nya....

Kaya ko naman syang ligawan e.... Wala lang talagang oras.... Kasi mas matagal pa syang nasa comshop kasama mga tropa nyang lalaki, kesa kasama ko....

Pag ako kasama nya, wala pang kalahating oras e, nagmamadali ng umalis.... Hmmm.

"baka naman may gusto na rin sayo? Ayaw lang umamin? Kaya sya naiilang pag kasama ka..."

Sabi yan ni Lyka, bestfriend ko, na bestfriend din ni Ysza.... Nung hindi pa sya marunong mag-LOL.... If kaya lang namin i-ban yang LOL na yan.... Baka matagal na kong naka-amin sakanya....

Bat kasi ganto yung mundo?! :( azarrrrr.

Consequences of Falling Inlove With A Gamer.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon