Efforts.

12 1 0
                                    

Babae ako. Lalaki sya. Pero ako ang may kasalanan, kaya, eto ako ngayon, naglalakad sa madilim at tahimik na daan. Pinagtitinginan ng mga kapit-bahay.

"All black + sa gabi na labas?"

So ano aswang agad kapag ganto japorms? Sila nga e, naka-duster na, may facial mask na, may rollers pa, nakikipag tsismisan pa sa kapit-bahay. Tsk! Abnoy. What's happening in this country?! Hayaan ko na nga lang...

"Hindi ko papalampasin ang araw na ito, ng hindi nakaka-amin sa kanya, chance ko na 'to" bulong ko sa sarili ko.

Malapit na ko. Isang bahay nalang at nasa tapat na ko ng bahay nya. Patay lahat ng ilaw... Tingin ko ay, tulog na sya. Lumapit ako, may nakita akong nasa bubong.

"Magnanakaw?! Budol-budol?! AkyatBahay?!" Tanging ayan lang ang naiisip ko. Pero hindi e. Masyadong gwapo para maging ganun. Tinitigan ko at ng maliwanagan ang aking isipan ay, narealize kong.... Shet si Superman.

HAHAHAHAHAHAHA. Superman ng buhay ko, Ezreal ng aking puso, Ang aking tagapag-tanggol....

"Christopher! Uy! Bessy!"

Tumingin sya. At hindi ako pinansin.

"Imagination?! Halucination?! Shet. Daydreaming?! What the... Pero gabi na. Umalis ka...."
"Hoy bessy, totoo ako. Tsk! Halika nga, bumaba ka nga dyan!"
(Bumaba sa bubong at lumapit sakin)
"What?! Anong oras na nandto ka?!"
"Para magsorry saYo"
"Sorry?! Para saan?! "
"Nasayang ko ang effort mo kanina..."
"Okay lang yun."
"Tska nga pala, may aaminin ako sayooo..."
"Ha?! Aba! Ano naman?!"

.....

Hala?! Ano?! Sabhin ko na ba?! Tulong naman oh! Waaah! Mukhang may clue na sya... Facial expression lang, lam na e.

Consequences of Falling Inlove With A Gamer.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon