Ciara's POV
Hindi ko parin maisip na magkaibigan kami nung feeling cute na yun! Sabagay mabait naman siya at madaling pakisamahan kaya okay narin.
Flashback:
Kinabukasan. Nakita ko na may message sakin. Unknown number.
+639081234567 (06/15/14 9:00pm)
Hey! Jgh. Naenjoy ko yung araw na to ;)
Teka. Pano nalaman nung lalaking yun yung number ko?
Tinext ko siya at sinabing:
Hoy paano mo nalaman number ko?! Slr.
Nagreply naman agad siya.
Syempre ako pa! Kinuha ko number mo sa phone mo nung tulog ka! Friends n tayo ah? Walang bawian!
Hindi ko nalang siya nireplyan. Kunin ba naman cellphone ko ng walang paalam?! Dapat nilagyan ko to ng passcode eh ayoko lang dahil madali akong makalimot sa mga ganun.
End of Flashback.
Nandito kami ngayon sa mall kasama sila Laura, Kristine at Anaïs. Saturday na ulit kaya naman naisipan naming gumala. Itong si Laura plano raw bumili ng Vip ticket ng 1D para raw hindi maubusan kahit matagal panaman yung concert nun. Si Kristine naman ay may kadate. makikipagkita daw sa isang restaurant. Kami naman ni Anaïs ay mag sho-shopping. Nandito kami ngayon sa Starbucks at nag uusap-usap.
"So girls ano plano natin ngayon?" Sabi ko sakanila.
"Yung mga plano niyong gawin ngayon gawin niyo na tapos kapag tapos na kayong lahat tsaka tayo magkita kita sa restaurant na pupuntahan ni Kristine okay ba yun?" Sabi naman ni Laura.
"Sige sige sasama muna ko kay Laura tas mag shopping muna kayo okay?" Sabi naman ni Kristine.
"Sige. So Ciara lets go?" Sabi ni Anaïs sakin.
"Sige mauna na kami itext or call niyo nalang kami pag nandun na kayo sa resto ha?" Sabi ko kela Kristine at Laura.
"Okay sige bye." At nag beso-beso na kami sa isa't isa.
Nandito kami ngayon ni Anaïs sa Forever 21. Saktong sale naman ngayon kaya naman marami kaming napamili. Pumunta naman kami sa Aeropostale, Army Navy, Uniqlo at iba pang shops dito sa mall. Ilang oras rin ang nakalipas 5:00 na pala. Nagtext na sila Kristine at sinabi na nandun na sila kaya naman pumunta na kami agad doon.
"Hey guys." Bati ko sakanila.
"Uyy. Mukhang marami rami yang binili niyo ni Anaïs ahh." Sabi ni Laura.
"Syempre. Alam mo naman na girly girl kami nitong si Anaïs ehh." Sabi ko naman sakanila.
"Oh sya, mauna na ko girls at nandyan na yung kadate ko bye." Sabi ni Kristina samin.
Iniwan niya kami sa isang table dito sa resto. Habang nakahiwalay naman siya at ang kadate niya samin. Mukhang may 2 ring kasama yung lalaki at humiwalay rin ng seat. Tinext ko si Kristina at sinabi na mauuna na ko. Nagpaalam na rin ako kela Anaïs at Laura 8:00 na kasi at pagod na rin ako. Papalabas na ko ng resto. ng biglang:
"Sh*t watch it Betty!" Sabi sakin nung lalaki na mukhang retarded na natapunan ng hawak niyang coffee. Gawin ba naman akong si Betty Lafeya?! Mukha ba akong may salamin at nerd? Oo may braces ako pero ang layo naman ng itsura ko dun noh!
"Sinong Betty?! Ayus-ayusin mo yang pananalita mo retarded!" Sabi ko sakanya.Halata naman na nagalit siya sa sinabi ko.
"SHUTUP YOU FREAK! IKAW ANG NAKABANGGA SAKIN TIGNAN MO NATAPUNAN ANG DAMIT NA SUOT KO!" Sigaw niya saakin.
BINABASA MO ANG
Mr. Cutie or Mr. Hottie?
Teen FictionPaano kung nalaman mo na si Mr. Hottie ay may mahal palang iba lalo na at yun pa ang kanyang ex-girlfriend? Mamahalin mo parin ba siya o hahayaan mo nalang na si Mr. Cutie na mahalin ka dahil alam mong hindi ka niya sasaktan? Sino mas pipiliin mo? S...