12: Meet My Ex

37 1 0
                                    

Ciara's POV

Haays Monday nanaman. Nakakawalang gana pumasok lalo na at nakakabwisit nung Saturday itong si Laura hindi pa nagpaalam kung saan pupunta humanda yun sakin sesermonan ko yun ng bonggang bongga. Iniwan ba naman kami sa coffee shop ni Anaïs tapos pinag alala dahil hindi namin siya nacontact saan kaya yun nagpupupunta.

"Hoy! Ikaw saan ka pumunta nung Saturday ha?!" Ganda ng bati ko no? Ganyan talaga kapag maganda.

"Wow ha good morning din sayo meron ka ba ngayon?" Nagawa pa talaga nitong mang asar.

"Isshh! Saan ka ba kasi pumunta ha? Hindi ka namin macontact!" Nag aalalang sabi ko.

"Chill okay?! Sasabihin ko na wag ka magagalit ahh." Sabi niya bakit naman ako magagalit?

"Oh ano ba kasi yun?"

"Nalobat kasi ako besides nagkita kasi kami ni Kyle kaya ayun niyaya niya ko. Hihi." Seriously? -.-

"Hindi mo man lang kami sinabihan na sakanya ka sasama habang kami naghihintay at nag aalala na sayo?"

"Hehe sorry na kasi Cia!" Pangungulit niya sakin "Uyy girl sowi na pweeeaaasssee" Sabi niya with matching puppy eyes pa parang bata talaga to.

"O siya tara na nga at malate pa tayo sa school."

********************

"Hoy freak! Musta na?" Aba nagfe feeling gwapo nanaman to ah at kelan pa to naging concern sakin?

"Wow ha at kelan ka pa naging mabait sakin? Siguro naiilove ka na sa dyosang tulad ko no?" Pang aasar ko.

"Sus! I - ikaw dyosa? Bwahahahaha." Geh tinawanan lang ako.

"Kesa naman sayo mukhang retard! :P" Haha buti nga sakanya.

"Anong sabi mo?!" Bigla namang umitim yung aura niya grabi naman hindi mabiro to.

"Bakit totoo naman ah?" Pang aasar ko parin sakanya. Aba biglang walk out ayos rin to ah.

"T-teka nga ikaw yung susupot supot dyan tapos ikaw yung mag wa - walk out bigla, anong kaartehan to?!" Pagharang ko sa harapan niya. Paano nilayasan nga ako diba? Nakakabadtrip to ha.

"Umalis ka nga sa harapan ko!" Aba at sinigawan pa ko!

"Ano bang problema mo?! Ang bipolar mo rin eh noh?!" Ang bait niya na eh sinapian nanaman siya ng masamang spirito.

"Wala ka nang pakialam dun!" Sigaw niya sakin ano kayang problema nun.

"Okay ka lang ba talaga? Gutom lang yan." Sabi ko. Hindi niya ko pinansin at hawak niya lang ang cellphone niyang nag te-text.

"Sino katext mo?" Tanong ko. Excuse me hindi ako nagseselos ha. Halata kasi sa mukha niyang may problema siya eh.

"Wala ka na dun." Mukhang seryoso nga siya nakakatakot naman to baka mamaya kung anong gawin kapag ginalit ko makapag walk out na nga.

********************

Stephen's POV

Ang saya ko ngayong araw ewan ko ba kung bakit simula ng nilabas ko lahat ng hinanakit ko kay freak nung isang gabi parang ang gaan gaan na sa loob ko kaya nga ngayon ang ganda ng bati ko eh.

"Hoy freak! Musta na?" Bati ko. Magtataka nanaman siguto to kung bakit mabait ako sakanya.

"Wow ha at kelan ka pa naging mabait sakin? Siguro naiilove ka na sa dyosang tulad ko no?" Ano dyosa raw? Pfft!

"Sus! I - ikaw dyosa? Bwahahahaha." Sarcastic kong sabi.

Ano ba naman yan may epal nanaman sino nanaman ba tong nag text sakin?

Mr. Cutie or Mr. Hottie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon