Puer

6 1 0
                                    

All of a sudden my vision darkened. 

Silvia's POV:

"defendat omnes sumptus ad hunc puerum". We all repeated. Natapos na din ang Seremonya. Lumakad ako paunta sa mga kapwa ko. Dala dala ko ang batang ito. Napaka gandang bata. Ang lungkot lang na sila ang magulang mo. Pinakita ko uli sakanila ang mukha ng bata. "Ingatan mo siya, Silvia" Sabi ni Apo. Tumango naman ako, senyales na gagawin ko ang makakaya ko para ma gawa ng maayos ang trabaho ko. "Silvia?" Tawag sa akin ni Kuna. Binigay ko sakanya ang bata. "Napaka gandang bata". Sabi ni Kuna habang nakangiti. "'Wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat para sayo. Hinding hindi ka pababayaan ng Tita Kuna mo...Hm?" sabi ni Kuna sa bata, habang dala dala niya ito. Binigay niya ito uli sa akin. Tinignan niya ako sa mata ng lungkot. "Alagaan mo ang pamangkin ko, Silvia". Kuna. "Oo, Kuna, Pangako". "Palakihin mo siya ng may mabuting puso at asal. At, huwag mong sabihin sa kanya ang tungkol sa atin. Hindi pa panahon". I smiled as assurance to Kuna. "Hindi ko siya pababayaan". 

Hinanda na nila ang kabayo at karwahe, inutusan ako na ilayo ang batang ito at itago sa kanya ang mundong ito. Hindi pa siya handa sa kung ano ang mangyari. Gagawin ko ang lahat para maligtas ang mga kasama ko. Pumunta kami sa isang malayo na lugar. Ilang oras pa mula rito ang lugar na pupuntahan namin. Tinignan ko ang bata sa mata. Napaka kawawang bata, ang aga nawalan ng magulang. Ayaw ko sa batang ito, ngunit dahil isa ako sa hindi masyadong kilala. Ako ang pinabantay nila sa batang ito. 

Ilang buwan ang lumipas, ang sakit isipin na malayo ka sa kapwa mo, kami lang dalawa rito. Malawak, payak, at mapayapa. Maliit lang ang bahay na tinitirhan namin. Mahal ko ang kapwa ko pero minsan na ding sumanib sa isip ko na patayin at pabayaan ang batang ito. Hini mawawala sa isipan ko kung hindi dahil sa batang ito, sana buhay pa ang minamahal kong si Arturo. Tinignan ko ang mukha ng bata. Kung sana 'di nabuntis and nanay mo, kasama ko pa sana ang minamahal ko. 

Labing pitong taon na ang nakalipas. Umupo ako sa kama at hinawakan ng mahina ang buhok niya. Magandang bata. Nagpapasalamat akong lumaki ka ng isang mabuti at mapagmahal na bata. Kontento sa kung anong meron ka. Sa labing pitong taon na kasama kita, hindi ko naisip na mapalapit ako sayo, sa bawat araw na kasama kita tinuring kitang anak ko at hindi na iyon magbabago. 

-----------------

Lumipat na kami dito sa Fold, ang sabi ay kailangan saka na pagka 18 niya, ngunit hindi ko kayang isipin na lalaki ang bata na gumugol ng 18 taon ng kanyang buhay sa Bayou. Kahit ilang araw man lang saka niya unting-unti malaman ang katotohanan, ay maranasan niya mabuhay ng walang dinadala na responsibilidad. 

Pumasok na siya sa kanyang paaralan. Malaki ka na talaga. "Rick!" Agad agad naman itong nagsalita. "Ano iyon?" Sabi niya. 

"Paano kung malalaman nilang dinala natin siya dito ng hindi pa oras?". Pagaalala ko.

"Kailangan talaga nating mag masid, Silvia. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Lalo na sa batang iyon". Payo ni Rick. 

"Oo nga, aalis ako mamaya kasi bibili ako ng proteksyon." 

"Totoo 'yan, habang papalapit na ang kaarawan niya ay mas lumala ang amoy ng bata. Dadami ang mag tatangka sa buhay niya, Silvia". Rick. 

Pagkatapos namin mag usap ni Rick tungkol kay Cahya, ay dali dali ko namang inayos ang mga dapat at kailangan ayusin dito sa bahay at aalis na din para kukuha ng proteksyon sa amoy ni Cahya. Hinatid ako ni Rick papunta sa bilihan na ito. "Scente". Pag basa ko sa pangalan ng tindahan. "Tao po?" sigaw ko para marinig ng nagtitinda. A girl in a black mask ay lumabas. 

"Ano ang gusto mo?" Sabi ng babae. Sinabihan ko siya sa bibilhin ko at binigay niya naman ito. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat. Seer. "Umalis na kayo dito, hindi kayo tanggap rito. Malas 'yang pinapalaki mo". She shouted. "Ano ang nakita mo?" sabi ko sa babaeng nagtitinda. "Pakiusap, umalis na kayo". Sinara niya ang pinto at tumalikod siya. Ano ba ang ibig sabihin niya?

Seer. 

Matagal na akong hindi nakipag-ugnayan sa kanila. Their visions are sometimes not happening but mostly their visions are true. Seer. Hindi sila ordinaryong tao. kapag ang hinaharap ng isang tao ay tumpak at hinawakan nila ang isang tao. Nagpakita ang mga pangitain. 

Isa ito sa dahilan kung bakit namin nilayo si Cahya. Minsan ang mga taong katulad nila ay natatakot sa nakikita nila. Pero, kahit na nakakatakot man itong isipin ay iba iba ang nakikita nila sa mga palad namin, kung hindi kabutihan at kasamaan ay kamatayan naman ng isang tao ang nakikita nila. Kamatayan ng taong malapit o kamatayan nila. Walang explenasyon kung bakit nasasama ang kamatayan ng mga Tagakita. Ngunit, sa pagkakaalam namin ay sa maling kamay, malalagay sa peligro ang mundo.  

Images In TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon