Oh, Aking Ginoo
Nasaang parte ka ba ng mundo
Na ang hilig mo'y magbasa at humawak ng libro,
Bakit ka'y hirap hanapin ng isang tulad mo.Tunay na ikaw ay aking hinahangaan
Mga binibini ikaw ay kinagigiliwan,
Dahil hindi lahat ng gaya mo na libro'y hilig hawakan
Kaya ang isang tulad ko ikaw ay kinatutuwaan.Sa bawat pahina na iyong binabasa,
Sana naisip mo rin na ang isang tulad ko'y iyong makilala
Ako'y isang simpleng binibini lamang na sa libro'y gustong tumira,
Dumating sana ang panahon na ikaw ay aking makilala at makita.Oh, Aking Ginoo saan kaya kita matatagpuan
Kailan ko kaya malalaman ang iyong pangalan,
Kahit saan ako magpunta ay hindi kita malimutan
Dahil gaya mo'y hindi mawala sa aking isipan.A/N:
Salamat sa pagbabasa ng aking unang maikling tula sana ay inyong nagustuhan mga binibini o mga ginoo ^-^Huwag niyo lamang kalimutan na mag VOTE or Comment
Thank you, Ily'll mwuah!<//3